"TEKA LANG BRIXX ANG HAHABA NG BIYAS MO HINDI KITA MAABUTAN HINTAYIN MO AKO" Malakas akong sumigaw kay brix para marinig niya ko naka-earphone kasi siya 'tas ambilis pang maglakad may ibang lakad ata tong lalaking ito
Hay jusko hiningal ako don ah bwiset na brix to 'di man ako inintay alam niya maliit lang ako tapos ang ikili pa ng biyas ko naiinis ako grrrr
"Hoy halika nga ditong lalaki ka pinagod mo ako tapos 'di mo ako papakainin halika doon tayo sa food court halika!!"
"Oo na nga ito na gigil na gigil ansakit kaya ng pirot mo sa tainga ko kanina tapos sigaw kapa ng sigaw naririnig naman kita 'di ako bingi 'di katulad mo-" Tinakpan ko yung bunganga niya bago niya sabihin yun
Gago talaga 'tong si kung ano ano sinasabi pakutos nga
"Ayun bili moko nun masarap 'yon ngayon nalang ulit ako makakatikim non hihi salamat sa libre brix labya!"
Brix POV
Antagal naman ni yashi kanina pa ako dito sa harap ng bahay nila nakakinis na tuwing aalis nalang kami o kaya may outing yung barkada siya yung laging late samin kaya minsan 'di nalang namin sinasama hinahayaan nalang namin siya nang mag-dala
"Ang tagal naman ng babaeng 'yon lagi nalang pag kami aalis grrr nakakayamot bwesit!!!"
Nagulat ako nung biglang nag bukas yung gate nila ang ingay kasi masyado nun pag binubuksan lalo tuloy akong pero nung nakita ko si yashi nawala yung inis ko kasi ngayon ko nalang ko nalang ulit siyang nakitang mag sout ng dress nung huli ko kasi siyang nakitang dress ay nung pasko ngayon niya nalang ulit ata sinuot yan 'di kasi siya mahilig sa dress mga kalimitang niyang sinuot sweat shirt tapos naka shorts init na init sa mundo
"Ang ganda talaga ng bestfriend ko walang kupas" Biro ko sa kanya
Habang nag-lalakad kami napag isip isipan ko na ligawan ko na kaya si yashi kaso baka ma-busted niya lang ako alam kong may iba siyang gusto, 'di ko alam hindi kasi siya nag sasabi sa akin ng tungkol sa ganyan masyado daw private yun.
Matagal ko ng gusto si yashi simula nung lumipat sila dito sa amin noong una ayaw ni yashi na maging kaibigan ako pero ako gustong gusto ko matagal tagal din bago kami naging mag kaibigan kami ni yashi mas gusto niyang makaclose yung ibang bata kesa sa akin siguro nag sisisi siya kung bakit di niya agad ako kinaibigan sa gwapo kong ito walang mag kakagusto (*hmmmm ang hangin naman dito*)
Then, Ayon na nga naging mag bestfriend kami ni yashi for 5 years siya yung lagi kong kasama lagi din kaming natambay sa mall doon sa food court sasarap kasi ng pag-kain dun habang tumatagal lalong akong nahuhulog kay yashi pa-fall kasi masyado pero nung lumipat kami ng bahay dahil binenta nila Mommy yung lupa namin kailangan kasi namin ng pambayad sa Hospital bills kakalabas lang kasi ni lola sa ospital nag kasakit kasi si lola kaya sa ospital nalang namin siya dinala para mabantayan ng maayos
Lumayo din yung loob ko sa kanya dahil alam niyang lilipat na kami hindi niya na ko kinakausap nung mga panahon na 'yon sumama yata yung loob niya
"Brix? May tanong ako sayo"
"Hmm, Ano yun?"
"Ma-mimiss mo ba ako pag lumipat na kayo sa bahay ng tita mo"
"Syempre naman bestfreind kita eh"
"Bakit kasi kailangan niyo pang lumipat nakaka-inis wala na tuloy akong makaka-sama palagi *sobs*"
"Ang drama mo naman dapat stay happy kalang kahit wala na ako kasi andito pa nga ako dina-dramahan mo na ako mahal na mahal mo na naman ako Haha"
"Mahal talaga kita bilang kaibigan brix love you hihi"
Aray ka-kaibigan lang saket pala di kapa naamin na friend zone ka agad bish
"Love you too din" ehe kahit pala friends lang pwede mag i love you-han
"Kilig ka nanaman diyan grrr pakutos ngaa"
Naka-sakay na ako ng kotse papa-alis na kami pero nung araw na yun hindi ko nakita si yashi pinuntahan ko din sa bahay nila sabi daw ayaw niya lumabas ng kwarto nag mumukmok at tsaka kagabi daw iyak ng iyak 'di daw nila alam kung bakit
"Pwede ko po bang kausapin ng saglit baka pag ako po kasi yung tumawag baka lumabas siya ng kwarto"
"Ok sige, Pero dapat mo atang bilisan at baka aalis na kayo maiwan ka pa iho"
Papaakyat na ako sa kwarto ni yashi para kausapin siya at tanggalin ang lungkot niya baka sakaling gumaan ang loob ng pag nakita niya ako ngayon o baka lalo siyang malungkot pero tutuloy ko parin gusto ko siyang makita bago ako umalis dito.
Toktoktok*
"ANO BA KASI YON SABING AYAW KUNG BUMABA NGAYON EH PWEDE BANG BUKAS NALANG PAULIT ULIT NALANG AKO"
"Yashi? Pwede ba akong pumasok saglit gusto lang kitang kausapin" Mahinahon kung sagot sa kanya
Nung binuksan niya yung pinto nakita ko agad yung mukha niyang naka-simangot pati yung mga mata niyang pagang paga
"Brixxx" Umiyak ulit siya ng makita ako 'di ko alam pero naawa talaga ako kay yashi parang 'di ko kayang nakikita siyang ganyan
"Andrama mo naman malay mo mag-kita pa ulit tayo" Tinapik tapik ko ang likod niya habang nag sasalita ako
"Brix, Inaantay kana ng mga magulang mo sa labas ng bahay"
"Paano bayan yashi kailangan na naming umalis"
"M-Mamimiss k-kita"
Niyakap ko siya bago ako bumaba.
Ang bigat sa paki-ramdam ko.
Parang ayaw na gusto kong umalis.
P-Pero kailangan.
Hanggang samuli nating pag-kikita natin yashi mahal na m-mahal k-kita.
End of Flashback*
Yashi POV
"Hi, Ms. Bartolome?"
"B-brix?" Nagulat ako nung lumingon ako alam kong siya iyon namiss ko siya sobra.
"BRIXXXX IKAW NGA BWISET KA NAMISS KITA 'BAT DITO KA RIN NAG AARAL NAMISS KITA BRIXXX"
Mangiyak ngiyak kong bati sakanya hoho"Bakit ang ingay diyan sa likod?! Ms. Bartolome sumama ka sa akin mamaya pag katapos ng klase unang araw mo palang ganiyan na agad ugali malilintikan ka sa akin batang ka"
"P-pero Ma'am"
"Anong pero pero walang pero pero sa akin."