Patawad,isang salita,tatlong pantig,
Pitong letra, kumukunikta sa orchestra
Na minsan ng nilikha,
Sa isang taong maihahalintulad sa maharlika.
Patawad munting irog,
Kahit minsang nag-iisa sa may ilog,
Mundo ko'y ikaw parin ang binubulong
At isipan ko'y pangalan mo ang kinukuyog.
Nais ko sanang iyong maunawaan,
At ako'y pagkatiwalaan.
Gusto ko nang pakawalan,
Ang pag-ibig na minsan gusto kung takasan.
Ngunit sadyang tadhana'y mapagbiro
Sa kintil ng panahon tayo'y pinaglaro.
Hahanapan ng paraang mapagtagpo,
Ang siyang pagdating ng panibagong pagkabigo.
Kaya Patawad!
Kung minsan na akong naging huwad,
Sa mundong minsan nakakasakal
Ng pusong gusto lamang ay magmahal.💔
-kwelangpatpatin21