ANO NGA BA AKO SAYO

3 0 0
                                    

Tanong ng puso't isipan,

Mga katagang namamagitan,

Ngunit bumabara sa lalamunan.

Nais kung ika'y tanungin,

Pero sa sandaling ika'y kakausapin,

Dila ko'y namimilipit,

Imbis na tanong "HI" ang namamayani.

Pero sa oras na ikaw ay umalis,

Ang siyang pagkawala ng mga kataga saking bibig.

Pag-ibig na nadarama,

Ikinukubli sa baol na nangangalawang

Anong papel ko sayo?

Ako lang ba ay kaibigan mo?

Na sa oras na kailangan mo,

Handang sumalo at sumuporta sayo?

Pero tadhana'y sadyang madaya,

Ikaw ang mag sasakripisyo para sa ina-asam asam na ligaya.

Nasa t'wina ikaw ang gustong makasama.

Sana ay iyong bigyang halaga,

Ang pag-ibig na nadarama,

Ng isang dalaga,

Na sa iyo'y matagal ng humahanga.

-kwelangpatpatin21

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PANUNLAAN Where stories live. Discover now