Mundong ginagalawan,
Nais kung ilawan,
Upang magkaroon ng katuturan,
Ang mga bagay na nagkukubli sa kadiliman.
Tao'y mahilig magtago,
Kasama ang pusong naninibago.
Masakit man pero, sadyang nakakapagpanibugho,
Ang mga sandaling akala mo totoo.
Sekretong halos masakit kung gumanti,
Kaya kang baliin sa isang hapdi,
Isipan di mapakali,
Sa kakaisip nang di maatubili.
Ito'y iniingatan ng pangkalahatan,
Masama man o mabuti ito sa pamayanan.
Ibabaon hanggang kamatayan
Maituturing na sakit ng ating kababayan.
Ngunit anong magagawa, tayo ay may iniingatan.
Pero di magtatagal, ito'y mabubunyag,
Animo'y anino na naglalayag,
Patungo sa lugar na kalalagyan,
Upang doon pagkaingatan.
-kwelangpatpatin21