Chapter | Eight

1 0 0
                                    

Chapter Eight

Sa dulo ng university ako dinala ng mga paa ko, walang tao na sa tingin ko ay mapapad rito dahil medyo malayo na sa main campus mapupunta nalang siguro sila dito kung may gagawin

ano naman ang gagawin nila dito?

Sino ang magiisip na mapupunta ako dito? Sixto will think that i'm just somewhere na malapit sa cantene, but nah andito ako sa dulo ng campus at hindi niya maiisip na naririto ako.
Hindi ko lubos maisip kung bakit naisip ni sixto na maging taga bantay ko feeling ko tuloy isa akong studyanteng kailangan ng bantay dahil baka may gawin akong hindi maganda sa iba. Hell! Why would I do that? Psh.

Nagtataka nga rin ako kung bakit ganun ganun nalang niyang sasabihin iyon sa hospital sa harap pa ng pamilya ko tas may pa halik pa sa noo! Cringe ewe. Everytime I remember that scene nanginginig ang mga kalamnan ko. He's not my type after all! May bipolar disorder siya na bigla bigla nalang umaatake well i'm not that sure kung meron nga. Pero parang meron eh.

Ilang minuto akong nanatili sa taas ng mataas na sanga ng isang puno bago sinilip ang relos kong nasa aking kanang palapulsuhan ngunit imbis na basahin ang kung saan nakatapat ang mga kamay nito ay napatigil ako ng maalala kung paano sino ang nagbigay nito saakin.

"Hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" Ani mama habang hinahaplos ang buhok ko habang nakayuko ako sa hapag.

Inangat ko ang ulo at tiningnan si mama na hawak hawak ang sandok panghalo niya ng spagghetti "No" nagmamaktol na sagot ko at pinunasan ang lumandas na luha sa gilid ng mata ko.

"Then what's your problem? Aren't you happy that your schoolmates are here?"

"Ma, I don't like their presence" bakas ang pait na sambit ko at tumayo sa inuupuan.

"I'll tell them to go home" sambit nito saka lumapit at lumuhod sa harapan ko hinaplos l ang pisngi ko bago muling nagsalita "I want my princess to be happy so.." tumayo ito at kinuha ang bag na nakapatong sa lamesa at may kung anong kinuha roon.

Inabot nito saakin ang kulay itim na maliit na box na agad ko namang kinuha ito at binuksan, bumungad saakin ang kulay itim na relo.

"Saakin po?" Paninigurado ko habang pinagmamasdan parin ito.
Nakangiting sumagot si mama "Syempre naman" saka siya na mismo ang kumuha sa relong nakalagay parin sa box at isinuot ito saakin.

Saktong pagtunog ng bell ng biglang sumakit ang noo ko na parang pinipitik agad akong napakapit sa puno dahil nawawalan ako ng balanse at bumibigat ang talukap ng mata ko.
Nagdesisyon akong bumaba ng puno at naglakad na pabalik ng klase

Pumipikit pikit ang mga mata ko habang naglalakad dahil siguro sa gutom at hilo, sino ba naman kaseng tanga ang magsusundo saakin ng umaga at hindi man lang ako pag aalmusalin? Medyo malayo ang likod na bahagi ng university kaya nagtaka ako bakit nandito na agad ako sa pathway, pero okay na 'yon ang mahalaga nakarating ako dito ng hindi pa nawawalan ng malay. 
Hindi na normal ang pagkahilong nararamdaman ko dahil hindi ko na halos makontrol ang katawan ko sa paglalakad para akong lumulutang dahil parang namamanhid narin ang binti at paa ko sa paglalakad,
Mabagal akong naglalakad habang binabaybay ang pathway na iilan nalang ang estudyante dahil magsisimula na ang class hours at ano mang oras ay siguro mag cocolapse na naman ako at kung tinamaan ka nga naman ng karma ay masakit talaga.

May kung sinong nagtutulakan na kasabay ko sa paglalakad at nasa gilid ko rinig na rinig at binging-bingi ako sa mga tili nila na halos mapaos na, may isang kasamahan nila ang nakasanggi sa braso ko mahina lang naman pero parang matutumba na ako bago pa mawalan ng balanse napakapit na ako sa poste at napayakap roon. Pero bakit may amoy yung poste? Ang bango.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Muntik na akong maging Author sayang!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon