CHAPTER 8

2.7K 65 0
                                    

Lara Leigh

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung magtrabaho ako dito. At sa dalawang buwan na 'yun, naging kasundo ko na talaga ang marketing team, meron narin akong ilang kaibigan sa iba't-ibang department.

"Magandang umaga galing sa magandang binibining nagngangalang Monica," natawa ako sa bungad sa akin ni Insan. Nauna siyang pumasok ngayon dahil may kikitain daw siya.

"Mali 'te, dapat assumerang Monica," ani Chloe. "Good Morning din pala sa'yo sister,"

"Inggit ka ba kay Nica, Chloe?" tanong ni Paolo. Itong dalawang 'to, feeling ko hindi kumpleto araw nila kapag hindi sila nagbabangayan. Pati rin tuloy kami na i-stress, e. "Don't worry, maganda ka rin naman," kumindat pa siya.

"Tigilan mo nga ako, Paolo. Wala akong pera panlibre ngayon kaya huwag mo 'kong bolahin," tumawa nalang si Paolo sa kaniya.

Binati rin ako ni Nicole, Jeremy at Sir Glenn. Ngumiti ako saka binati rin silang lahat. Pumunta na ako sa table ko. Napatingin ako sa office ni Mr. Khan, wala pa siya.

Pagkatapos nung gabing 'yun, medyo, medyo lang, ah? Nabawasan ang pagiging masungit niya, hindi ko rin sure, napansin ko lang hehe. And, speaking of...

"Good Morning, Sir." Bati ko sa kaniya. Tumango lang siya saka pumasok na sa office niya.

Kung kakamustahin mo ang performance ko bilang secretary, bakit? Sino ka? Char. Maayos naman na ang naging trabaho ko, ginagawa ko na talaga ang mga dapat kong gawin sa takdang oras para hindi mapagalitan, nakikinig na rin ako ng mabuti sa mga meetings, hindi na rin ako pumapasok ng late.

Pumasok ako sa loob ng office ni Sir at inalok siya ng kape at hindi naman siya tumanggi. Pumunta ako sa pantry pagkatapos. Naabutan ko d'on si Insan pati si Paolo at Chloe.

"Ginagawa niyo diyan?" tanong ko habang nagtitimpla.

"Baka nage-exercise 'te," pilosopong sagot ni Insan na tinawanan ko lang. "Itong dalawa sarap sipain, away ng away,"

"Paano ba naman kasi itong lalaking 'to panay ang asar? At syempre bilang isang Chloe Ferrer hindi ako magpapatalo, aba!"

"Sabi ko nga sa'yo nakaraan, hindi ako titigil kaka-asar hangga't hanap-hanapin mo na ang presence ko." Nakita ko ang gulat sa mata ni Chloe pero nagkunwari pa rin siyang nandidiri sa sinabi ng lalaki.

"Corny mo pre," sabi ni Insan.

"Hindi ka lang gusto ng taong gusto mo, e," sisipain dapat siya ni Insan pero lumabas na siya.

"Oh, ano 'te? Kilig?"

"Gaga, hindi, hindi," nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa reaksyon ni Chloe. Halata girl, kabado.

Loving The C.E.O. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon