CHAPTER 39

981 27 1
                                    

-ONE YEAR LATER-



December 11....



Lara Leigh

Inayos ko ang suot kong blazer bago lumabas ng restaurant. Bumungad sa akin ang mainit na araw kaya kinuha ko ang sunglasses ko at isinuot.

"Ma'am," rinig kong tawag ni Frances.

It's already four in the afternoon at katatapos ko lang makipag-deal sa isang investor.

"May gagawin pa ako?" I asked my secretary.

"Kanina lang po ito nakarating sa akin and ngayon na po, sa Mcmahon Restaurant with Warren Khan po."

Napatigil ako bigla sa paglalakad at lumingon sa kaniya.

"Ka-Kanino?"

"Ahm with Warren Khan po."

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Pa-paano siya nakapag-send ng appointment sa akin? Alam ko hindi pinayagan ni Papa 'yon, ah.

"Ma'am four thirty po 'yung meeting. Kailangan na po nating pumunta sa location,"

"Wait,"

"Po?"

"Sinabi ba kung para saan?"

"No po but--"

"Cancel mo."

"Po?"

"Kanselahin mo." Seryoso kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.

"O-Okay po."

Tahimik akong bumuntong-hininga.

Pagkatapos ng araw na ipakilala ako sa lahat bilang Zhao at C.E.O., binawasan ko na ang pag-iisip sa kaniya. Although minsan hindi ko pa rin maiwasan pero at least hindi gano'n katindi.

Being a company's C.E.O. is not easy, believe me. But I like it because it keeps me busy. And why? Kasi kapag marami akong ginagawa, maliit pa sa pinakamaliit na bato ang chance na naiisip ko siya.



-------



Saglit akong tumigil sa pagpipirma ng mga contracts at ipinahinga ang mga kamay, pati ang mga mata. For me, this is the hardest part. Kasi kailangan mong basahin isa-isa bago mo pirmahan, dapat hindi basta-basta kasi mga kontrata 'to, e.

"Ma'am,"

Tumingin ako sa pinto ng office ko at tumango kay Frances.

"Sorry to disturb you po pero nagpa-appointment po kasi ulit 'yung secretary ni Mr. Warren Khan,"

Kumunot ang noo ko.

"And, why this time?"

"Like po nakaraan wala rin pong nakalagay," sagot niya. "Pero sabi po doon Ma'am, Mr. Warren really wants to talk you so maybe po kailangan talaga."

Kailangan? Ano ba ang sasabihin niya?

To be honest, kaya ko naman atang makipag-kita sa kaniya, ang iniisip ko lang kasi 'yung family ko. 'Cause I am pretty sure that they'll get mad at me once na gawin ko 'yon. Tingin ko rin naman kaya kong kontrolin ang sarili ko if ever man na mamutawi ang personal feelings.

"Kailan?"

"Tomorrow po. Three pm."

Tumango-tango ako. "Okay. Tatawag ako sa 'yo mamayang gabi hintayin mo. Doon ko sasabihin kung kakanselahin mo bukas ng umaga. Kuha?"

Loving The C.E.O. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon