CHAPTER 28

1.3K 37 1
                                    

Monica Buenaventura

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko habang naglalakad.

Ayos na ng gabi ko, bakit bigla pa siyang nagpakita?

"Nica.. Wait,"

Binilisan ko pa ang lakad ko ng marinig ko ang boses niya. Mariin akong napapikit ng maabutan niya ako at hinawakan sa pulsuhan.

"Bibitawan mo ko o sisipain kita?"

"Kausapin mo naman ako please.."

Irita akong humarap sa kaniya. "Ano ba sa salitang tigilan mo na ako ang hindi mo maintindihan?"

"Naiintindihan ko. Ayaw ko lang gawin."

"At bakit? Nakokonsensya ka ba?"

"Hindi,"

"Wow!"

"Bakit naman kasi ako makokonsensya kung wala naman talaga akong ginawang masama?"

Napasinghap ako. "Grabe. Narinig ko na lahat lahat, dine-deny mo pa rin,"

"Wala akong dine-deny!"

"Galit ka na?" nakataas ang kilay na tanong ko dahil bahagyang tumaas ang boses niya.

"Hindi... Pakinggan mo naman kasi ako please.."

"No." Sabi ko at maglalakad na sana paalis ng yakapin niya ako.

"Please, Nica... Listen to me, please baby.."

"Ayoko nga---"

"Please Monica, hindi ko na kaya na ganito tayo..."

"Ikaw naman ang may kasalanan..."

"Wala akong kasalanan----"

"Tigilan mo na 'yan---'

"Titigil ako kapag hinayaan mo akong magpaliwanag."

"Kapag sa tingin mo hindi mo na kaya, kausapin mo siya at pakinggan mo 'yung mga sasabihin niya.'

Pumikit ako at bumuntonghininga. Tinanggal ko ang braso niya saka ko siya hinarap.

"Sige. Simulan mo na."

'P'wedeng masama o hindi 'yun pero nasa sa 'yo na ang susunod na gagawin. Either, patatawarin mo siya at babalik kayo sa dati or patatawarin mo siya at magiging magkaibigan nalang kayo.'

Okay, Insan. Gagawin ko 'yang sinabi mo.

"Talaga?"

"Oo kaya bilisan mo."

"Si-Sige. 'Di ba ang narinig mo ay hindi ko siya mahal at ginagamit ko lang siya?"

Tumango ako.

"Ang tinutukoy ko doon ay ang kaibigan kong babae."

Kumunot ang noo ko pero instead na magsalita, pinakinggan ko nalang siya.

Loving The C.E.O. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon