CHAPTER 17

1.9K 51 0
                                    

Monica Buenaventura

Gano'n nalang ang pagmamadali kong makaalis sa trabaho ng makatanggap ako ng text galing kay Mr. Khan na nasa hospital daw si Lara.

Pumara agad ako ng taxi pagkalabas ko. Halos awayin ko na nga 'yung driver para lang bilisan niyang mag-drive. Tinawagan ko si Kuya William para ipaalam. Ano ba kasing nangyari? Tangina.

Binayaran ko ang driver tapos pumasok na sa hospital.

"Miss, anong---"

"Ms. Buenaventura," lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mr. Khan.

Agad akong lumapit sa kaniya, "Nasaan po si Lara? Ano pong nangyari sa kaniya? Malala ba?" sunod sunod kong tanong.

"That was her room. Go and see how she is.." Seryoso niyang saad saka ako tinalikuran.

Mabilis kong tinungo ang room na itinuro niya. Pumasok ako at nakita ko si Lara na nakahiga. Lumapit ako sa kaniya at napa-buntong hininga.

"Maayos na ang lagay niya." Gulat akong tumingin sa nagsalita.

"K-Kuya William? Nandito ka na agad?" nagkibit-balikat lang siya.

Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama ni Lara at hinawakan ang kamay niya. "Ano nangyari?" tanong ko.

I heard him sighed. "Her phobia. Umatake na naman. Hay. Alam mo ba kung saan sila nagpunta?" 

"Ahm, hindi, e. Wait, sila? Sinong kasama niya?"

"Yung boss niyo. Ikaw muna mag bantay kay Lara, ah? Bibili lang ako ng pagkain niya para mamaya."

Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko pagka-alis niya at tinawagan si Chloe.

"Be, 'yung mga gamit ko paki-ayos naman diyan. Hindi na ata ako makakabalik. Thank you!"

Dahil likas ang pagiging maarte sa kanya, kailangan ko pa siyang pilitin. Pasalamat siya at no choice ako kundi, nako!

-----

Lara Leigh

Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga.

Alam ko na kung nasaan ako dahil sinabi na sa akin ni Kuya kanina. Hindi naman na ako nagulat d'on.

Napatingin ako sa gilid ko ng may marinig akong nag-vibrate. Cellphone ko.

Kinuha ko 'yun at hindi napigilang ngumiti.

From: Mr. Khan

Kamusta na ang pakiramdam mo? Nasabi na sa akin ni Ms. Buenaventura na hindi ka makakapasok. Magpagaling ka.

Napatakip ako sa mukha ko. Simpleng message lang naman 'yon, bakit kinikilig ako?

Mag-isa lang naman ako dito sa kwartong 'to dahil kumuha si Insan ng mga damit ko. Hindi ko nga alam kung bakit, e. Pwede naman na akong umuwi. Si Kuya naman umalis dahil may susunduin daw siya.

Loving The C.E.O. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon