1

91 0 0
                                    

Disclaimer: The story is purely a work of fiction. Names,places,incidents and locales are all part of the author's imagination. Also, the story is not affiliated to any universities mentioned in this story.


Just enjoy reading. Winks ~_^


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♡~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Walong taon. Walong taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang laman ng isip at puso ko. Hindi ka ba talaga magsasawa na umalis sa buhay ko? Ayoko na.



Ayoko talagang mawala ka. Hays.



Kamusta na kaya siya? Well, alam ko naman na isa na siyang nurse ngayon. Updated pa rin diba. Like hindi naman kasi ako yung tipo na bigla na lang kamustahin siya. Nakakahiya kaya. Pero walang hiya 'tong puso ko kasi ikaw pa rin eh.



Mahal ko pa rin siya e. Mahal pa kaya niya ako?



Ang rupok ko pa rin. Ako na nga ang sinaktan pero heto pa rin ako, nagbabasakali na baka pwedi pa kami.


Kahit na masakit.


Kahit bumalik siya.


Nandito pa rin ako,nagbabasakali.


Baka magkatagpo kami ulit.


Malay niya,kami pa rin.

------------------------------------------------------------------




First day ng school year. I am on my 3rd year in high school. Nagmamadali na akong pumasok sa gate kasi male-late na ako. Ayoko pa naman malate sa first day ko.



Nakapila na ako sa entrance ng gate namin kasi marami na ring students na pumapasok. And then there's one guy who caught my attention. He is wearing the prescribe uniform of course. White polo and black pants. May dark blue na bag na nakalagay sa balikat niya. With matching leather black shoes. Bago kasi siya sa paningin ko. Like hello, 2 years na ako dito sa Maddison Academy pero di ko siya nakita dito. Transferee siguro.



Gwapo e.




Hindi ko pa kasi alam kung anong section ako kaya pumunta na muna ako sa library para hanapin kung saan ako na section. Doon kasi pinost.




"OMG! Classmate pa rin tayo!" sabi ni Ella na napatili pa.




"I miss you guys! Buti nalang classmate pa rin tayo"I greeted and hugged them.



"Avielle Jane Ramos! Kamusta?"tanong ng friend ko from other section.




"Gosh. Full name talaga Monna Angela ha. I am good"sagot ko naman sa kanya. Ang energetic nila ha. I should keep up.





"Avi, tumangkad ka ata ah" pambungad ni Zen saken.





Magkaclassmate na kami nito since first year pa. Since first year na niya akong kinukulit at inaasar. Para kaming aso at pusa sa klase nga e.





"First day na first day at nang aasar ka na naman Zen. Alam mo wala ka talagang magawa sa buhay mo!"inis na sabi ko sa kanya.




Di yata makokompleto ang araw niya pag di niya ako inaasar. Sanay naman ako sa mga asar niya sa akin. Kaya di ako nagpapatalo sa kanya noh. Ako pa ba. Gosh!




"Di nga! Talagang tumangkad ka Avi. Anong ininom mo?Growee o Cherifer"tawang sabi ni Zen. Alam kong inaasar lang talaga ako nito. Sarap niya batuhin ng eraser sa mukha. Mukhang chalk! Promise.




Suddenly, Still YouWhere stories live. Discover now