MAHIGIT APATNAPU'T ANIM at kalahating bilyong taon na ang nakalipas nang mabuo ang ating daigdig ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko.
Nagkaroon na ng iba't ibang uri ng buhay dito sa ibabaw ng daigdig sa lupa at sa tubig. Lumitaw na ang iba't ibang nilalang tulad ng isda sa tubig, ibon sa himpapawid, leon sa kagubatan at ang tao na nakahihigit sa lahat ng mga ito.
Sa paglipas ng mahabang panahon, umusbong na ang iba't ibang kabishasnan ng tao tulad ng kabihasnang Sumer, iba't ibang mga lipunan gaya ng mga naglalakihang mga kaharian at mga lupain.
Dumami na ang populasyon ng tao sa bawat panig ng mundo at hindi nagtagal, nasakop na ng buong sangkatauhan ang buong daigdig.
Sa pag-usbong ng iba't ibang mga kabihasnan, nandiyan na rin ang naka-imbento ng teknolohiya ang tao at mas lalo pang napa-unlad ang mga kaalaman nito sa pamamagitan ng tuloy tuloy na mga pagsusuri.
Dahil sa pag-unlad ng kaalaman ng tao, nakadiskubre na rin ito ng mga bagay o mga kagamitan na maaaring magamit upang mas mapabilis ang mga gawain maging pang-industriya man o agrikultura.
Mas lalo pang inaalam at pinag-aaralan ng tao ang kaniyang daigdig na tinitirahan, patuloy pang kumakalap ng kaalaman sa kung ano siya at ang kaniyang pinagmulan.
Kakaiba ang tao sa lahat ng mga nilalang na nilikha ng Diyos. Ang tao ay may kakayahang mag-isip ng tama, makatayo nang diretso gamit ang dalawang paa (bipedal), makakilos kaagad nang naaayon sa kaniyang kapaligiran, at higit sa lahat, kawangis nito ang Diyos (Gen. 1:26).
Dahil sa awtoridad na ipinamahala ng Diyos sa tao, hanggang sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-dami ng bilang nating mga tao at patuloy pa ang pag-okupa natin sa buong sanlibutan.
Patuloy din ang pag-unlad natin sa kung ano tayo mula sa nakaraan, kung ano tayo sa ngayon at kung ano tayo sa hindi matukoy na hinaharap.
Ayon sa World Health Organization (WHO), may isang uri ng nakamamatay na sakit ang mabilisang kumakalat sa iba't ibang panig ng mundo at ang pinaka-apektado sa sakit na ito ay ang tao.
Malubha ang sakit at hindi pa alam ng mga siyentipiko kung ano ang pinagmulan nito.
Ang sakit na sanhi ng virus ay nagre-resulta sa isang tao na mamaga ang kalahating bahagi ng utak, nagdudulot rin ito nang malubhang pag-ubo na nagre-resulta sa tuloy tuloy na pagsusuka ng dugo at pamamaga ng baga, sabayan pa ng pamumula ng mga mata at pagbagal na pagpintig ng puso at pagkahirap huminga hanggang ang resulta ay kamatayan.
Patuloy at mabilis ang pagkalat nito, napapasa mula sa hangin hanggang malanghap ng isang tao.
Dahil sa mabilisan at walang tigil na paglaganap ng sakit, nag-deklara na ng International Outbreak ang United Nations dahil nagkagulo na ang karamihan sa mga bansa.
Kalakip nito ang pagbagsak ng ekonomiya ng ilang mga bansa, nagkaroon na rin nang tinatawag na food and water shortage dahil sa kakulangan ng supply.
Nagkaubusan na rin ng supply ng langis sa Pamilihang Pandaigdig at iba pang mga supply na kailangan ng tao, natigil na rin ang produksiyon ng enerhiya at agrikultura ng karamihan sa mga bansa.
Dahil sa epidemyang ito, marami na ang namamatay bawat araw ayon sa tala ng World Statistics. Pino-problema na ng karamihan sa mga bansa kung saan nila ilalagay ang maraming bangkay ng mga tao dahil wala nang maayos na lugar na mapaglalagyan ang mga ito. Ang iba ay binabaon sa ilalim ng lupa at ang iba ay sinusunog na lang. Ang natira naman ay nakalagay o nakatambak na lang sa gilid ng kalsada at nakabalot ng puting kumot.
Dahil wala nang mapaglagyan ang karamihan sa mga bangkay, bumabaho, nilalangaw at naaagnas na ang mga ito. Maaaring pang malanghap ng mga tao ang mabahong amoy nito. Dahil sa masangsang na amoy ng mga bangkay, lalong kakalat ang naturang sakit. Sa pagkalat nito, hindi pa nito mabigyan ng eksaktong pangalan ng mga siyentipiko, nahihirapan din silang hanapan ng lunas dahil hindi nila alam ang pinagmulan.
Ayon naman sa ibang mga pag-aaral, hindi lang ito basta isang virus kung hindi isa rin itong parasite na namiminsala sa utak at iba pang mahahalagang bahagi ng katawan ng tao.
Naka-quarantine naman na ang ibang mga lugar sa bawat bansa upang hindi na lalong kumalat pa ang naturang sakit, ngunit bigo naman ang iba sa naturang quarantine dahil hindi rin ito nagawa dahil sa kawalang bahala ng ibang mga mamamayan.
Sa mga panahong ito, naging mas mailap ang mga tao. Inabandona na ang ilang lugar sa siyudad. Nagkaroon na rin ng curfew sa iba't ibang mga lugar sa bawat bansa upang mabawasan ang gulo at ang ilang problema nito.
Sa pagkalat ng naturang sakit, hindi na natitiyak kung ano pa ang magiging kinabukasan ng tao sa daigdig, hindi na rin nakatitiyak kung ano pa ang mga magiging pangyayari sa buhay ng tao, wala na ring kasiguraduhan sa hinaharap, marami na ang mga namatay, marami na rin ang mga nag-dusa, marami na ang dumanak ng dugo upang makapag-patuloy lang sa pamumuhay.
Ngunit sapat nga ba ito upang mapanatili ang populasyon ng tao sa daigdig? Sapat nga ba ito upang mapanatili ang tao sa kaniyang pag-iral?
Dahil walang lunas sa sakit, tila ba walang pag-asa sa gitna ng digmaan.
Sa mga pangyayaring iyon, tiyak na tiyak na bilang na ang mga araw ng tao rito sa lupa, bilang na ang lahat ng naging mga pagsisikap nito, tila ba kahit na anong oras ay maaaring mawala ang pag-iral nito sa buong daigdig.
Ang naturang sakit nga ba ang magiging kakumpitensya ng tao sa kaniyang pag-unlad? Ang sakit nga bang iyon ang maglilimita sa tao upang lumago siya sa kaniyang sarili? O ang sakit na iyon ang tatapos sa lahat ng pagsisikap ng tao sa kung ano siya sa nakaraan at sa hinaharap?
BINABASA MO ANG
Quarantine (Published Under Lifebooks)
Mystery / ThrillerDue to the rapid spread of an unknown virus that causes a malfunction to human lungs resulting to severe coughing, difficulty in breathing, blood vomiting, and redness of eyes that can eventually lead to death, the Philippine government decided to q...