Naabutan ni Nicole na nagku-kuwentuhan ang anim kasama ang Mama niya. Hindi niya maitatangging ngayon na lang ulit ngumiti ang Mama niya, ngayon na lang niya ulit nakita ang Mama niyang nakikipagusap sa ibang tao. Masayang-masaya siya para dito.
"Sana, ito na ang simula." sabi naman niya sa kanyang isip habang nakatitig lang sa kanila. Nagulat na lang siya ng tinawag siya ni Lea.
"Anak,” sabi ni Lea, ngumiti lang ito at may dala-dalang isang tray ng coffee at ng tinapay for their merienda.
"Thank you, Nics." Sabi naman nilang anim at isa-isa nang kumuha ng kape.
"Alam mo po ba Ms. Lea, saksi ang kape sa pag-pa-fangirl namin sa'yo at kay Babes." sabi naman ni Marimel.
Lea on the other hand, hindi pinapahalatang malungkot ito at may gumigilid na luha. Tumingin lang saglit si Nicole sa kanya, at ngumiti lang dito si Lea at bumalik sa anum na fans niya. "Talaga? Paano naman?" tanong naman ni Lea.
"Naalala ko po kasi nu'n, magsabay po ang premiere night ng movie ni Aga with Bea. Tapos, may taping po ng the voice. Ngarag nga kami nu'n. Pero, makita lang po kayo, it was worth it. Kaya, nakakailang kape kami kapag may ganap. Kasi gagawa kami ng props, gagawa kami ng kung ano-ano. HAHAHAHA!" Sabi naman ni Shan.
"Pero kapag ngumingiti ka na sa'min, kapag nano-notice mo na kami kahit hindi siya direct sa pangalan, kinikilig na kami. At lahat ng pagod, puyat na naranasan namin, worth it." Sabi naman ni Autumn.
"Kaya, kape is life po kami nu'n kada ganap. Minsan lang naman po, eh. Kaya, sinulit na namin." sabi naman ni Catherine. Everyone was laughing while they saw Lea na nakatulala. Nicole knew that she was missing those moments, 'yung masakit at masarap sa tenga na pag-cheer sa kanya ng fans niya, how she read random tweets that was made by her fans, 'yung kahit ano lang i-tweet niya, nakaka-receive siya ng love and support sa fans niya. Nicole hugged her and Lea went back to reality. She felt that somehow her tears were betraying her. The RLVDs are starting to cry as well, kasi maging sila, namimiss nila ang dati, namimiss nila kung paano nagkakaisa ang co-fans nila sa pagpapa-trend, sa Twitter party kahit wala namang ganap, kung paano nila ipagtanggol si Lea.
"Time flies so fast." sabi naman ni Marie sa utak niya.
Nang kumalma na ang lahat, bumalik sila sa puwesto at sa dating estado na parang walang iyakang naganap.
"Ms. Lea?" Sabi naman ni Rose, at napatingin lang si Lea dito. "Can you sing a song?" Dagdag nito.
Napabuntong hininga naman si Lea, "I'd love to, honey. But, I can't. Wala na akong proper training like before. Addition to that, I'm old." Malungkot na sabi ni Lea sa mga ito.
"Ms. Lea, you have been and will always be our Broadway diva. I believe that no matter how old you are, hindi yun mawawala. Never,” Sabi naman ni Autumn.
"Slash, our Pinoy pride." Dagdag ni Shan.
"Slash, the tony nominee, tony awardee, and the tony presenter" Sabi naman ni Catherine.
"Slash, our disney princess." Sabi naman ni Marimel.
"Slash our first Kim and the first asian who got into the role of Les Miserables." Sabi naman ni Marie.
"It was in the past, girls." Sabi naman ni Lea, at umiling naman ang mga ito.
"You're wrong, Ms. Lea. They always gave credits after the shows. 'Yung dahil sa dami mong connections that is why a lot of theater shows are coming here in Manila because of you, Ms. Lea. And, we will always be thankful for what you have done in our country." Sabi naman ni Shan.
Pinunasan ni Lea ang luha niya, "Binobola niyo naman ako." Saad niya habang nakangiti.
"Please, any song, Ms. Lea. We just wanna hear you sing again. After a long period of time. kapalan ko na,” Sabi naman nila at pumikit lang si Lea.
”Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan”
Habang kumakanta si Lea, iniisip niya ang nakaraan niya, kung paano siya naging sikat, kung paano siya napasok sa mundo ng theatro, kung paano sila nagkakilala ni Aga, kung paano siya hinangaan ng tao, at higit sa lahat, kung paano siya minahal nila Mori, Julie at KZ.
Everything starts flashing back those memories that she'll treasure forever. She already lived enough. And now, since her alaga were already settled, kahit hindi niya na makausap ito, she is ready. Kasi para sa kanya, the most important thing there was 'yung mga dati niyang inaalagaan were finally settled at may kanya-kanya ng buhay.
Kahit hindi na siya naging parte nito.
Namulat na lang si Lea, at may namuo na namang luha dito. "Sorry, girls. Hindi na kasi ako katulad ng dati. It’s all new, very new. Past will stay in the past. I’ve already accepted the fact na hindi na talaga,” Saad nito habang hindi na napigilan ang luha.
"Kahit ano po'ng mangyari, ikaw pa rin po ang nag-iisang broadway namin." Sabi naman ni Rose. At maging sila, umiiyak na.
Tumayo si Lea, para yakapin ang mga ito. At sa ngayon, nagsisimula na siya ulit mag-umpisa katulad ng dati at mamuhay ng mapayapa't malaya.
KZ
I was checking all of the diagnoses of my patients. Hindi madali ang pinasok ko. But since, ito ang gusto kong gawin sa buhay, kahit mahirap at nakakapagod, tuloy lang ang buhay.
I was so exhausted. Hindi ko na nga alam if I could still be able to go on, eh. Alam mo 'yung parang ang hirap mag-patuloy kahit gusto mo 'yung ginagawa mo? It feels like you're already losing your motivations to go on.
While I was checking a pile of work, may nalaglag na papel sa mesa ko. Kinuha ko siya and then again, naaalala ko na naman ang mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
"There will always be another day to get it right. Never forget that." Ayan ang nakalagay sa isang papel. Hindi ko nga alam kung bakit ito naka-separate, eh.
Naiyak na naman ako at onti-onting inaalala ang mga bagay, mga tao, na nakapag-pasaya sa buhay ko.
Pumunta muna ako sa bintana for awhile para tumingin sa langit. Sa paraang iyon, mararamdaman ko ulit ang presensya nila.
FLASHBACK.
Naabutan nila akong inaabangan ang pag-lubog ng araw. Favorite gawain ko na talaga ito ever since. Para kasing kahit matapos ang lahat, makikita mo pa din ang ganda nito. Ganito ako kapag nalulungkot, may pinagdadaanan, or basta, maisipan ko lang mapanood ang sunset, papanoorin ko na.
"You okay?" Ms. Lea asked while I was looking at the sunset.
"Opo. Pagod lang po siguro ako,” Sabi ko naman sa kanya and I felt na tumabi siya sa akin to watch sunset as well.
"Where's Mori and Julie po pala?" tanong ko naman.
"They’re just gonna buy food and they asked me to stay here,” Sabi naman ni Ms. Lea. Magsasalita na sana ako, "Care to share what's on your mind?" Dagdag niya.
Napa buntong hininga ako. Alam kung wala akong kawala sakanya when she asked me. So,
"I failed. I think Medicine wasn't the right one for me. I've always dreamed about being a doctor, being able to save people's lives. Pero, ang hirap pala, ano? Especially, kapag nagkamali ka. Isang mali mo lang, feeling mo ang tanga mo na. Feeling mo, hindi ka na nag-aaral, feeling mo, you didn't do good enough to study." Sabi ko naman sa kanya.
Naramdaman ko naman siya na hiniga niya ang ulo ko sa balikat niya. "Always remember that you've done enough, it's okay to make mistakes. It's okay to practice, it's okay to fail. Diyan ka din naman kasi talaga matututo. And, about the patient? Those patients who died? It’s not your fault, infact, they should be thankful that you tried. A doctor is a doctor, Kz. It’s not a magician who can just easily wish na pagalingin, You can not control people’s lives. If they die, they die. And remember, the sun will come out tomorrow. So you gotta hang on 'till tomorrow." Sabi naman niya, at sumunod na din ako sa pag-kanta ng tomorrow.
I felt better when she comforted me. Who wouldn't? Matapos kumanta ng tomorrow, we stayed silent for awhile hanggang sa tuluyan ng lumubog ang sunset.
"Alam mo ba meaning ng pag-lubog ng sunset para sa akin?" I was just looking at her while waiting for the second sentence that she'll utter. She caressed my hair, "There will always be another day to get it right. Never forget that." Sabi naman niya sabay halik sa noo ko.
END OF FLASHBACK.
BINABASA MO ANG
MINSAN.
Fanfiction"Ngunit ngayon, kay bilis mag-laho ng kahapon. Sana'y huwag kalimutan, ang ating mga pinag-samahan. At kung sakaling gipitin ay palaging iisipin na, MINSAN tayo ay naging TUNAY na MAG-KAIBIGAN."