“Ang galing pa rin ni Coach, ano?” Sabi naman ni Elmo sa kanya at tinitigan lang niya ito. “Okay ka lang ba, Hon?” Tanong niya muli na nakatulala lang sa alapaap na para bang kay lalim ng iniisip.
“Okay lang ako, Hon. May naalala lang ako.” Sabi naman niya dito at ngumiti siya pabalik. Subalit, kilala niya ang kanyang asawa. Kilala niya ang tunay na ngiti sa hindi ng kanyang asawa.
“Alam ko ang naaalala mo, Hon. Sabi ko naman sa’yo, eh. Bakit ayaw mo magpakita?” Tanong dito ni Elmo.
“I told you, Hon. They’re happy.” Inis na sabi niya dito.
“I’m sorry, hon. It’s just that…” Pangangatwiran niya, “I just can’t afford seeing you being so upset about those things.” Hinawakan niya ang kamay at hinalikan niya ito, “Hon, I’m here to help. Okay? Magpapahinga na tayo sa bahay. Because, I still have a business meeting in 2 hours.” Sabi niya at ngumiti naman ito.
Julie just simply nodded and binalik ang pansin sa labas at nakatingin lang siya dito habang nagdra-drive ang kanyang asawa.
“Paano ko nga ba papakawalan ang kahapon? Paano, Dad? Paano?” Sabi niya dito at may tumulong luha sa kanyang mga mata. Ngunit, hindi niya pinahalata kay Elmo. Alam niya kasing hindi ito papasok ng trabaho kapag nalaman niyang malungkot ang puso niya.
Ngunit, hindi naman manhid si Elmo. Simula’t sapul, kilala niya ito kung malungkot siya, masaya siya or kung ano man ang emosyon ang nararamdaman niya. Subalit, ayaw niyang mangulit ito dahil kusang magsasabi naman ang kanyang asawa.
Hanggang ngayon, bumabalot pa rin sa pagkatao ni Julie Anne ang sakit na naidulot ng kahapon. Sino ba naman ang hindi makaka-move on kung wala kayong closure? Sino ba naman ang hindi makakalimot sa mga taong minsan ka ng napasaya ng todo?
At sino ba naman ang tao na gustong mawalan ng komunikasyon sa mga taong minsan ng naging espesyal sa buhay mo? Pero katulad nga sa sinabi sa isang kanta, na bawat bagay ay mayroong hangganan.
Pumasok na si Julie Anne sa loob ng kanilang bahay. At si Elmo naman ay bumalik sa kanyang trabaho upang tapusin ang dapat tapusin. Labag man sa kanyang kalooban, pero kailangan niya para sa kanyang pamilya.
Sa loob ng kanyang kuwarto, may isang cabinet doon na punong-puno ng mga lumang gamit niya. She heaved a sigh before opening the door of that cabinet and then when she felt that she was ready, she slowly opened her cabinet.
A lot of things were in there. She is very sentimental once you give her something. She’ll be keeping it for real. But once again, something catches up her attention. Something was authentic, and real. Something that was once symbolic of their friendship.
FLASHBACK.
“Oh, ayan, ha! Para hindi lang tayo dahil kay Mama Lea magkakaibigan. I want our friendship to be authentic and real. Just like our bracelets.” Morissette uttered when she looked at their bracelets.
“Of course, to more years of friendship!!!” KZ exclaimed at sabay taas ng baso. Of course, since mga bata pa lang naman sila, they just drank a cup of coke and pretended that it was wine.
“Alam niyo ba naalala ko pa noon sa theatre workshop natin na napagkamalan ko si KZ na isa sa judge. HAHAHAHA!” she started, “‘Yung suot niya kasi, eh. PANALO!” Sabi naman ni Julie.
“Hay nakooo, you’re not the same. KZ is really intimidating at first.” Mori continued.
“Pero, ang hindi niyo alam, isa lang din akong balahura katulad niyo.” She said, and then she rolled her eyes.
BINABASA MO ANG
MINSAN.
Fanfiction"Ngunit ngayon, kay bilis mag-laho ng kahapon. Sana'y huwag kalimutan, ang ating mga pinag-samahan. At kung sakaling gipitin ay palaging iisipin na, MINSAN tayo ay naging TUNAY na MAG-KAIBIGAN."