TATLONG ARAW. Nang nasa bahay bakasyonan si Jash at kasama ang ate Shion niya. Dahil gusto niyang samahan at damayan ang ate niya. At sa tatlong araw na hindi niya nakita ang kasintahan namimiss niya ito. Pero may pagkakataon naman na naiisip niya ang binata at hindi niya man aminin ay kahit papaano ay namiss niya ito."Kung andito lang si Haley mas masaya."usisa ng ate Shion niya nasa may dalampasigan.
"Uuwi na rin yun ate Shion."niyakap niya ang ate shion niya sa mga braso nito at hinilig ang ulo sa balikat nito.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pawang mga paghampas ng alon ang tanging naririnig nila. Nakatingin sila pareho sa malawak na karagatan, gusto man niyang makita ang kasintahan pero kailangan siya ngayon ng ate Shion niya. Kaya napabuntong hininga na lang siya.
"Gusto mo ng umuwi?"kapagkuwan na tanong ng ate Shion niya. At wala sa sariling napatango siya.
"Pwede mo naman akong iwan dito, kaya ko naman ang sarili ko."hinaplos ng ate niya ang mukha niya tanda na pumapayag itong iwan siya nito.
"Sure ka ba ate Shion. Okay lang naman sakin na andito ako eh."
Umiling ang si Shion"Bumalik kana sa manila paniguradong namimiss kana niya."
Dahil sa tuwa niyakap niya ang ate Shion niya ng sobrang higpit at ganun din ang ginawa nito kaya nagmadali na siyang tumayo at hinila si Shion papasok ng kabahayan. Bago ito umalis kailangan niyang masiguro na nakapag-agahan ito. Pagkatapos nilang mag-agahan si Shion na ang nagligpit ng pinagkainan nila at siya naman ay nagmadaling umakyat sa ikalawang palapag. Naligo ng mabilis at nagbihis, pagkatapos bumaba na siya at tinungo sa garahe nila. Kumaway mona siya sa ate niya at saka niya pinaharorot ang kotse niya pabalik ng manila.
PAGKADATING niya ng manila sa condo ng kasintahan siya dumiretso, pagkadating niya agad na siyang pumasok total may susi naman siya nito. Pero pagkapasok nito sa condo nito sobrang tahimik sa loob kaya nagtungo naman siya sa kwarto nito pero walang tao. Kanya nagtungo naman siya sa kusina pero wala rin tao. Napasimangot siya ng mahagilap ng mata nya ang isang note sa may ref.
Hi baby! Kung sakaling pupunta ka dito sa condo. Sorry pero hindi moko makikita ng isang linggo may operation kami sa bukidnon. Promise mag-iingat ako, and pagbalik ko mamasyal tayo.
I love you baby...
Napangiti siya sa simpling note na iniwan ng kasintahan para sa kanya. Kahit hindi siya tumawag o nagtext man lang sa kasintahan hindi parin ito nagalit o nagtampo man lang.
Pagkalabas niya ng condo, bagsak ang balikat na nagtungo ng parking lot. Sinubukan niyang kontakin si Din pero hindi ito sumasagot ng tawag siguro nasa mission na ito kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag niya.
PAGKADATING niya ng condo niya, nakasimangot itong ginagamit ang susi ng condo. Pero natigilan siya ng hindi ito naka-lock sa pagkakatanda niya bags siya umalis naka-lock ang condo niya. Kaya dahan-dahan ang pagbukas nito at pagsara,pagkadating niya sa may sala palinga-linga siya pero walang tao kaya nagtungo naman siya sa kusina pero wala rin tao.
Napaigta siya ng biglang may humalik sa leeg niya at nang handa na niya itong sipain ang pahangas na humalik sa kanya. Ganun na lang ang pagluwa ng mga mata niya ng makita ang binata sa condo niya.
"C-Cavile"gulat na sambit nito.
Nginitian naman siya ng binata"Hi miss beautiful"aakmang hahalikan siya nito pero umiwas siya dito.
"Anong ginagawa mo rito?paano ka nakapasok?paano mo nalaman ang address ko?"sunod-sunod na tanong nito sa binata
Sinundan ng mga mata niya ang binata na umupo ito sa pang isahang sofa. At komportableng nakaupo, maitim na tumitig si Jash sa binata habang nakapamewang ito.
BINABASA MO ANG
Contract Marriage by Playboy
RomanceSynopsis Having Cavile Range Evans Gallahad ll, he's a play boy chief, but in event of a simple kiss that has made him mad, since he has since abandoned being a play boy... Jash Marry Acosta, she has a relationship with a woman who loves her, but e...