CHANGING MINDS
Characters:
Lord Jester Manaya (Jestly)
Jared Prince Misshauef
Ronnie Alcazar (Rona)
Erna Mirasol Manaya (Aling Erna)
Jerson Matthew MisshauefEP.1: Uy ikaw na ba si Mr. Right?
Sobrang init na naman ng panahon ngayon na parang pati yung hangin na lumalabas sa ilong ko ay apoy na din. Eto ako ngayon nakahiga sa sahig, dinadama ko yung lamig kasi parang eto nalang yung part na malamig sa bahay. Hindi na din ako gumagalaw kasi kahit na maliit na kilos, isang milyong pawis ang katumbas.
'Anak! Hindi kapa naghuhugas? Anong gagamitin naten sa pagkain?' sigaw ng nanay ko habang kinakatok ako sa kwarto.
'Oo ma! Nakakatamad kumilos ma! Ang inet!' pagrereklamo ko habang nakasimangot ang pagmumukha ko.
'Ay bwesit ka talaga! Bilisan mo at tumayo kana dyan ng makakain na tayo!'
Hindi na ko nagreklamo at kusang tumayo nalang at baka di lang sigaw ang abutin ko. Lumabas na ko ng kwarto at nagsimulang maghugas ng plato.
'Aling Erna! Nandyan po ba si Jestly?' sigaw ng tao sa labas at base sa boses nyang mala-ipit na parang inipit, di ako nagkakamaling sya ang kaibigan kong si Rona, Rona sa gabi, Ronnie sa umaga.
'Sinong Jestly? Walang Jestly dito Ronnie!' pagtataka ng mama ko. Medyo natawa ako sa nangyari kasi di nagets ni mama si Rona.
'Grabe naman kayo sa Ronnie, Aleng Erna! Rona nalang po! Ay sorry Aleng Erna! Si Jester po, nandyan po ba?'
Ako nga pala si Lord Jester Manaya, 16 years old, petit at maganda haha joke. Isa ako sa mga isinilang na may espadang tumatayo sa umaga pero may pusong sing lambot ng mamon. In short, gay ako at ako ay single and ready to mingle haha. Hindi naman ako katangkaran pero pwede na pangMiss U! Miss Ukay ukay! Char. You can call me baby, babe or honey pero mas prefer ko ang Jestly! Jestly na parang Honesty is the best policy.
'Ah si Jester! Andun naghuhugas, katamaran nyang bata nayan. Anong oras na di pa nakagawa ng gawaing bahay!' panenermon ni mama
'Ah ganern po ba Aleng Erna! Ay sige po pagsasabihan ko po yan. Aling Erna! Pwede po pumasok?' pagbibiro ni rona
'Sige lang, pumasok ka'
Agad agad namang pumasok si Rona sa bahay at nagmamadali syang pumunta sa pwesto ko. Natatawa ako sa suot ni erna kasi nakamaikling short sya at pakak na pakak ang make-up.
'Ay pokpoknasinapakngsampongjubisnakabayo!' pagbibirong gulat ko pagkakita ko sa kanya
'Wew! Exaggeretability ka mamsh! Sabi ng mama mo tamad ka daw! Ano na mamsh di tayo ganyan ha! Dapat bago lumandi gawa na ang gawing bahay dahil bilang mga pure na babae, tayo ang nagsisilbing helping hand sa bahay! Eneways(anyways!)! May chika ako sayo baklaaaaa!' excited at pabiro din nyang sabi.
'Ano nanaman yan Rona? Mamaya mga awra mo nanaman yang ikekwento mo sakin at hindi ako interesado!' pagookray ko sa kanya.
'baliw ka! Hahahaa hindi to about sakin. About to sayo Jestly! Ang babaeng stick to one, stick to one million! Char! Yung crush mong kamukha ni Jestoni Alarcon na parang Dj Padilla sabi mo! Nandyan na sa kanila seeeeeees!' excited nyang sabi
BINABASA MO ANG
CHANGING MINDS
RomanceIt is a story about two man who loves each other silently, they both want one another to be together but a lot of circumstances are hindering them from the life that they wanted to be. Jared, is a man who fall inlove with Jester, a silent and seriou...