Chapter 3: The bad side of Love

2 0 0
                                    

CHANGING MINDS


Characters:

Lord Jester Manaya (Jestly)
Jared Prince Misshauef
Ronnie Alcazar (Rona)
Erna Mirasol Manaya (Aling Erna)
Jerson Matthew Misshauef
John Kenneth Buendia

EP. 3: The bad side of Love

Jester POV

'Uy Rona, Bilisan na naten umuwi kasi sabi ni mama may dadating daw na bisita.' pagmamadali kong sabi kay Rona

'Sino daw?'

'Di ko din kilala e, pero baka nandun na yon, Tara na'

'Sana may gwapo char'

'Bwiset ka talaga! Puro ka lalaki, Kamusta na pala kayo ni Brendon?'

'Ah eto okay naman, Kaso di pa din sya natigil sa bisyo nya' biglang lungkot na sabi nya.

'Ganun ba? Eh dapat hiwalayan mo nayan sis, kasi di na maganda yan toxic na yan! Nako baka mamaya magaya ka pa sa bisyo nyang Brendon nayan ha! Nako pagnangyari yon F.O na tayo!' sermon ko sa kanya

'Grabe ka naman ses! Di naman ako ganung tao, pero alam ko sa sarili kong kaya ko syang baguhin tsaka alam kong mahal nya ko'

'Siguraduhin mo lang na di nya sisirain buhay mo! Kasi kung yang love na sinasabi mo ang sisira sa kinabukasan mo ay sis di yan love!'

'Eh ano to? Kung hindi to love aber?'

'Kasi kung ikaw lang ang nagmamahal at sya ay ginagamit ka lang, ibig sabihin, isa yang toxic one sided love. At kung nagste-stay ka lang kasi feel mo sya lang magmamahal sayo then it's not love too, ibig sabihin nun naghahanap ka lang ng affection sa kanya'

'Hays! Jester kahit gustuhin kong iwan sya diko magawa e, parang sya na talaga yung nagiisang gusto kong makasama'

'Well for now yan ang nararamdaman mo kasi nga sya yung first boyfriend mo, at ano kaba 2 months palang kayo tapos on and off na agad kayo tapos niloko ka nya agad tapos ikaw naman niloko kana binalikan mo pa'

'Ugh! Jester you don't know what i'm feeling kaya di moko maintindihan'

'Wow english! Okay sige, itigil na naten dito at baka magaway pa tayo, basta kapag need mo ng advice nandito lang ako, okay?'

'Okay, thank u Jester!'

Niyakap ko sya para naman maibsan yung nararamdaman nya, alam kong naguguluhan sya sa feelings nya at nahihirapan syang i-confirm sa sarili nya kung mali o tama ba ang desisyon nya. Syempre ako nagaadvice lang as a friend na walang experience, marami tayong ganyan, lakas makaadvice kahit di pa nakakaexperience, nagaadvice tayo based sa critical thinking naten tsaka sa mga experience ng mga other friends o ng mga taong kakilala naten. Mahirap talaga kapag nasa isang relasyon ka, marami kang dapat i-sacrifice, baguhin, tsaka ibigay like time, money and effort pero di naman magwowork yung isang relasyon kung puro ikaw lang at walang sya o puro sya pero walang ikaw, it must be the effort of the both of you. Tsaka kapag nasa relasyon ka dapat you always think about your actions kung makakatulong ba yung actions mo sa pagtitibay ng relasyon nyo.

CHANGING MINDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon