1- Moving Further

4 1 2
                                    


THERESA Dionisio. Teri for short. Second year college sa PNU. Sa tapat ng TUP, malapit sa Luneta. Kung saan may indoor at outdoor swimming pool kapag tag-ulan na, gaya ngayon.

Walang ha-hassle pa kapag na-timing sa tag-ulan at may pasok ang oras ng paglipat mo sa dorm. Actually, hindi dorm, apartment. Inaya lang ako ng kaibigan ko noong high school sa UDM na samahan siya. Share-share naman, e.

"Ma, alis na ko."

"Mag-ingat ka palagi, ha? dumalaw ka rin dito minsan."

Nagbilin pa si Mama ng kung ano-ano, gaya ng 'wag paghaluin ang mga basang damit, 'wag hayaang may panis na pagkain, maging masinop -- nakakainis, para namang hindi niya sa'kin pinagawa lahat ng responsibilidad dati.

D'yos ko, sanay na sanay ako mabuhay mag-isa kahit no'ng kasama ko pa sila. Sa'kin inasa lahat ng gawain at intindihin, e.

Lumabas ako ng bahay namin saka naman sumalubong si Irish. 'yun ngang kasama ko sa apartment, may dalang payong.

"Sis, buti nakuha ko na sa bahay 'yung kotse ko. Bakit ba kasi timing pa 'tong ulan?" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa kanyang chocolate brown na toyota innova.

Traffic. Ano pa nga ba ang aasahan sa Maynila? Nasa likod lang ng SM Valenzuela ang bahay namin, isang oras na ang nakakalipas ay nasa Tayuman palang kami.

Nakakabagot, nililibang ko na lang sarili ko sa pagtaas-baba ng bintana.

"Buti na lang malaki-laki 'tong sasakyan mo. Nakuha na lahat ng natirang gamit," sabi ko.

"Buti nga, e. Sa wakas may kasama na 'ko." ngiting ngiti naman si Irish.

Masaya ako syempre kasi kaibigan ko 'yung kasama ko. Saka napagkasunduan namin na 'yung apartment niya, p'wede kaming mag-stay doon hanggang kailan namin gusto. Sa Daddy niya 'yung lupa kaya walang problema sa upa.

"Wala ka bang pasok ngayon, Teri?"

"Ha? Meron nga e, pero ang sabi naman ay parang club day lang ata ngayon. Hindi naman ako officer saka nagpaalam naman ako sa org. ko."

"Past twelve na, lunch muna tayo sa SM?" pag-aalok naman niya.

"Alam mo masama kutob ko kapag nag-aaya ka sa mall, e," nakangiti kong sabi. Mahilig kasing magwindow shopping at impulsive buying 'tong si Irish.

"Promise, hindi ako bibili ng bagong bag, siguro shirts pero 'yun lang! promise!"

Syempre, wala naman akong magagawa dahil kotse niya ang gamit. Dapat ay sa Morayta kami dahil nandoon ang apartment pero idineretso niya sa SM Sta. Mesa.

Pagka-park sa kotse ay dumiretso na kami sa favourite namin kainan, Mcdonalds!

"Musta naman sa PNU?"

"Walang lalaki," sagot ko saka kumuha ng fries, hindi pa man niya binababa ang tray ng pagkain namin.

"Naghahanap ka pa ng ibang lalaki?" Napalingon naman ako kay Irish dahil mukhang nagulat siya.

"Bakit hindi ako maghahanap ng lalaki?"

"E, si Earl?"

Napahinga naman ako nang malalim nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Gusto kong mawalan ng gana pero gutom ako.

Hindi ko s' ya masagot. Nagpa-order na lang ako ng iced coffee. Madalas ako napapakalma ng kape kapag nate-tense ako, e.

"Ikaw, wala ka bang pasok?" pag-iiba ko ng usapan.

"Meron din, pero okay lang naman. Kaya nga ako nag-stay sa UDM para madali akong pumasok sa dean's list kahit nagloloko ako," ngiti niya.

Habang kumakain, inilabas ko naman ang laptop ko para mag-edit. May mga nagpapagawa kasi sa'kin ng ppt, book cover saka poster. Hindi naman ako pro, mga kaklase or kakilala ko lang sila na wala talagang time kaya nagtatiyagang magbayad para may gumawa ng requirements nila.

Manila: Along the UrbanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon