Hanggang sa makauwi si Charles ay hindi niya pa rin magets kung bakit sinabi yun ni Justin.
"Ano namang meron at gusto niyang magpalit kami ng number?" Kamot-kamot pa rin sa ulo ang binata. Habang pilit na pinipiga ang utak niya sa pwedeng reason kung bakit natripan yun ng kaibigan niya.
"Hays! Tinotopak na naman yung si Jarmcel. Tss!" Inihiga niya ang pagod na katawan sa malambot na kama. Muling sinipat ang phone sa drawer kalapit ng higaan niya. Naalala niya saglit ang usapan nila kanina sa daan.
Sa loob ng bus, habang nasa byahe silang dalawa pauwi, hiningi ni Justin ang SIM ni Charles. Nais niyang makipagpalit ng SIM sa kaibigan sa walang kasiguraduhang dahilan.
Lubos na nagtaka ang binata sa request ni Justin. Hindi na rin naman nangulit pa ito dahil nagkataon ding kailangan ni Charles ang number niya para sa package na darating sa bahay nila.
"Ano ba kasing meron? Bakit pa magpalit ng SIM card?"
"Wala! Basta." Nakasimangot habang kagat-kagat ni Justin ang ibabang labi. Hindi siya nalingon para sagutin ng matino ang pagtatanong ng katabi niya sa sasakyan.
Walang sunod na imikan ang nangyari hanggang sa tuluyan na ring nakababa ng bus si Charles.
Kahit maganda ang takbo ng Oplan Uncrush dahil na rin sa may mga tao ring nagiging malaking tulong sa pag-agad ng proseso .. Hindi pa rin maalis sa isip niya paminsan kung handa na ba talaga siyang mag-let go na.
"Ang daya mo kasi Jarmcel eh. Crush kita di ba? Dapat crush mo rin ako! Tsk." Magkasabay hinampas ni Charles ang kama gamit ang dalawang braso niya. "Kahit sana sa panaginip lang."
Ang sumunod na linggo ay madugo para sa lahat. Nakakasunog kilay at nakakakaba. Dumating na kasi ang Finals nila.
Dumaan ang nakaraang Sabado hanggang Martes ni Charles na halos nakaharap sa mga notes niya. Pansamantalang nilayo nito ang sarili sa K-Drama. "Pagkatapos talaga ng Finals, papanoorin ko na yung series na yun!" Mainam niyang habilin bago tumutok na sa kanyang dapat aralin.
At sumapit na nga ang unang araw ng exam day nila, Miyerkules. Maagang nag-agahan at kumilos si Charles para may oras pang makapag-review. Agad na rin siyang dumiretso para makapagbyahe. Sa umagang ito, hindi niya kasabay ang kaibigan, si Jarmcel.
"Baka mamaya pa yun." Muli niyang nilingon ang bawat halera ng upuan matapos maupo sa bandang unahan ng sasakyan. Maski anino ng kaibigan ay di nito natagpuan.
Sa University, mabilis na rin naman natapos ang una at ikalawang pagsusulit. Bakas sa mukha ng bawat isa ang di kasiguraduhan sa kung ano nga kaya ang kakahinatnan ng unang dalawang exams nila.
"Lucky Charm." Mula sa likod ni Charles, may isang lalaking bumulong sa kanya. Kilala niya na rin naman agad ito dahil iisa lang naman ang natawag sa kanya ng ganun, si Franco.
"Oh! Ano 'yun?" Ani ng binata na nakaupo sa unang hilera ng upuan sa loob ng room. Halos lahat ay naghihintay bago matapos ang bakanteng isa't kalahating oras para naman sa susunod na exam ngayong araw.
"Bakit hindi ka nagrereply?" Diretsong tanong ni Franco.
"Ahh. Pasensya na." Tugon ni Charles na bahagyang nahiya nung naalala niya na hindi niya man lang sinagot maski isang text ng lalaking kaharap niya mula nung Linggo hanggang Martes. "Expire na unli ko nung nagkatext tayo last Saturday eh."
"Ganun ba? Sana sinabi mo sakin, para naloadan kita." Nakangiting sagot naman ni Franco na may kasama pang pagkindat ng kanang mata nito.
"Hahaha! Ano ka ba Franco?! Hindi naman kailangan." Bahagyang tinapik ni Charles ang braso ng binata na nakaupo sa kaliwa nito. Hindi maalis ang tingin ng kausap niya sa kanya, kaya siya na ang umiwas dito. "At saka, Finals natin. Nagreview lang din ako. Ikaw ba?"
Nagpatuloy ng ilang minuto pa ang usapan ng dalawa hanggang sa nagpaalam na si Franco sa isa, at bumalik sa talagang upuan nito.
Sa di kalayuan, ikatlong halera mula sa unahan, nakamatyag ang matatalim na mata ni Jarmcel. Hindi niya pinahahalata ang sunod-sunod nitong sulyap sa kaibigan niya at sa lalaking kanina pa nitong kausap.
"Jarmcel, P're! May naghahanap sa'yo!" Malakas na pagtawag ni Michael na nakatayo sa pinto sa unahan. Malaki ang ngiti sa mukha nito habang sumenyas ng pag-aya sa kaklaseng seryosong nagbabasa ng notes nila.
"Sino?" Tumayo na rin naman si Jarmcel at naglakad na patungo sa kinatatayuan ni Michael.
"Basta! Bilis na!"
Napansin ni Charles ang reflection sa salamin ng pintong katabi nung lalaking tumawag kay Jarmcel. May isang babaeng nakatayo sa labas ng room nila, "Kaya pala, si Gab na naman pala."
Nakatutok ang mga mata niya sa libro habang nakaupo, pero batid niya nung dumaan at lumampas sa pwesto niya si Jarmcel. Narinig na lang niya na nagkita ang dalawa nung nagsalita si Michael ng, "Sige ha. Baka makaabala pa ako."
Sa mga ganitong pagkakataon, mas naguguluhan si Charles sa nararamdaman niya sa kaibigan niya. "Bakit parang nagseselos ako? Normal ba yun kung naging Crush ko lang naman siya?" Nawala ang atensyon niya sa inaaral niya habang tanong-tanong ang sarili kung ang pagkakameron ng Crush ba ay sapat na dahilan para masabing may karapatan na siya -- karapatang makaramdam ng selos pag may ibang kasama ang kaibigan niya.
"Tss. Ano bang iniisip mo, Charles? Selos man o hindi, focus ka lang sa pag-uncrush." Binibigkas ito ni Charles sa sarili habang kasabay na sinusulat sa likod ng notebook niya ang bawat salita.
"Hays." Napabuntong hininga nalang ang binata na para bang inilabas niya ang bigat sa loob na kanyang nadarama.
Bago magsimula ang exam nila, tumayo muna si Charles para makapag-CR saglit. Pagkalampas nito sa pintuan, binati siya ng isang malambing na boses. "Uy, Charles! Kamusta?"
Hindi niya inaasahan na babatiin siya ni Gabriella. Wala siyang nagawa kundi lingunin ang pagtawag ng dalaga, "A- ayos lang naman." Nakatingin ito habang gumagawa ng pilit na ngiti sa harapan ng dalawang magagandang nilalang sa harap niya. "Kayo, kamusta? Hehe. Aga ng landian ninyo ha." Pabirong sambit ni Charles sa dalawa.
Namula bigla ang pisngi ng dalaga sa binigkas ng kaklase ng lalaking nanliligaw sa kanya. Sa kabilang banda, namula rin ang tenga ni Jarmcel, pero hindi sa kilig o hiya. Kundi dahil sa kakaibang pakiramdam nito kanina pa na dinig sa pagsasalita niya. "Kayo rin naman ah. Ang aga ninyo maglandian ni Franco. Tss."
May pagkainis na masasalamin sa mukha ni Jarmcel nung sinambit niya yun. Matalim rin ang mga mata niya nang sinipat ang magiging reaksyon ni Charles sa sinabi niya.
"H-ha? Si Franco?" Nabigla ang dalagang nasa pagitan ng namumuong tensyon ng magkaklase. Napatakip pa ito ng kamay sa bibig at binaling ang paningin kay Charles na natigilan rin sa sinabi ni Jarmcel.
"A-anong sinasabi mo?" Sambit ng binatang na parang na-corner ng dalawang nilalang na nagliligawan. Hindi niya maintindihan sa mga mata ng kaibigan niya na nasabi nitong landian pala ang tingin niya sa pag-uusap nila ni Franco.
Nagsalita muli si Gabriella sa masayang tono at may bakas ng pananabik sa nalaman niya. "Uy Charles, congrats!" Tinapik pa nito ng bahagya ang balikat ng binata. "Bagay kayong dalawa!"
"Ano?!" Magkasabay na sambit ni Jarmcel at Charles sa tinuran ni dalaga. Hindi kasi yun magandang ideya para sa kanilang dalawa.
*** End of Chapter 13 ***
I hope you enjoy this chapter 😊
If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😚🤩
YOU ARE READING
Crush Life
RomanceAlin ka dito? Naging friend mo yung Crush mo .. or naging crush mo yung Friend mo? Maalin man sa dalawa ang naranasan mo, panigurado naramdaman mo na 'to: "Kahit sabihin nating crush lang naman .. paghanga lang naman .. pero bakit MASAKIT kahit Cru...