"Uy, Jarmcel .." Kapit-kapit ni Gabriella ang kanang braso ng binata habang magkasabay silang nahakbang pababa sa hagdan. "Hindi ko naman alam na hindi ka boto sa dalawang yun eh."
Tinutukoy ng dalaga ang sinabi niya kanina bago magsimula ang 3rd exam nina Jarmcel at Charles. Nabigla siya ng malaman na may nabubuo palang isyu kina Charles at Franco -- pero ang totoo, si Jarmcel lang naman ang malisyoso.
Base na rin sa pansariling opinyon ni Gab, binigkas nito na bagay nga ang dalawa. Pero mukhang hindi ito nagustuhan ng dalawang lalaking kaharap niya kanina.
"Bakit mo ba ayaw kay Franco?" Pagtatanong pa nito sa lalaking kanina pa siyang di kinakausap, kahit halos magkadikit na ang mga mukha nila sa panunuyo ni Gabriella.
"Ah, basta!" Pikon ang punto ni Jarmcel habang naiilang na sa kung paano siya kapitan sa braso ng dalaga. "Hindi ko siya gusto para sa kaibigan ko. Tss."
"Ha? Eto naman, masyadong protective sa bestfriend niya." Nakangiting nagsalita ang babae, nagpatuloy pa ito hanggang sa ang tanong nito'y magpaulit-ulit na rin sa utak ni Jarmcel.
"Eh paano kung gusto rin naman ni Charles si Franco, against ka pa rin ba?"
Hindi ito sinagot ng binata, dahil hindi niya rin matagpuan sa isip niya kung anong tamang isasagot niya. Paano nga kaya kung gusto na rin ng kaibigan niya ang kaklase nilang si Franco? Magiging kontrabida ba siya sa kwento nila? O susuportahan nalang niya si Charles sa gusto niya, kahit labag ito sa kagustuhan niya?
"Ihatid nalang kita sa Bus Stop, Gab. Pagkabalik ko, saka nalang ako magla-lunch." Ito nalang ang nagsilbing pamalit sa topic nila na hindi niya mabigyan ng komento.
"Eh paano kung gusto rin naman ni Charles si Franco, against ka pa rin ba?"
Habang naglalakad siya pabalik sa University, yun ang tanong na kanina pang paulit-ulit tumatakbo sa isip niya.
"Tss. Hindi naman siguro. Hindi siya ang tipo ni Charles." Alam niya ang taste ng kaibigan niya pagdating sa Crushes nito. Isa-isa tuloy nagsulputan sa utak niya ang mga pangalan na sinabi ni Charles sa kanya dati na nasa Crush List niya.
"Si Juno." Matangkad itong lalaki na ahead sa kanila ng dalawang taon. Maputi, singkit at batak na rin ang katawan sa pagji-gym. Laging nakasunod ang mata ni Charles dito kapag daraan sa harap nila ang binata. Hindi lang siya kilala sa Department nila, kundi sa buong university talaga.
"Si Reymart." Moreno at halos di nagkakalayo sa taas si Jarmcel at ang pangalawang pangalan sa utak niya. Tamang-tama ang pagkakahugis ng panga nito na sumakto lang para lumabas ang taglay nitong kagwapuhan. Isa sa mga matataas na kadete sa University nila.
"Si Tyron." May pagka-maangas ito at kilala na malakas ang trip sa paggawa ng mga kalokohan na di naman napapatunayan na siya ang may kagagawan. Sa di inaasahan, nagkabunggo sila ni Charles nung unang araw ng pasukan at itinuring siya nitong biglaang kapatid. Pero para sa nagdadalagang binata, nakalista ito ang pangalan ni Tyron sa mga Crush ni Charles.
YOU ARE READING
Crush Life
RomanceAlin ka dito? Naging friend mo yung Crush mo .. or naging crush mo yung Friend mo? Maalin man sa dalawa ang naranasan mo, panigurado naramdaman mo na 'to: "Kahit sabihin nating crush lang naman .. paghanga lang naman .. pero bakit MASAKIT kahit Cru...