Chapter 15

89 8 0
                                    


"Bakit ka nanakbo?" Pagtatanong ni Charles kay Jarmcel na hingal na hingal matapos manakbo para lang makahabol sa pagdating ng bus.

"Bakit hindi mo ko hinintay?" Habol-habol pa rin ng binata ang hininga niya. Halos mabasa rin ng pawis ang buhok nito dahil sa pagkaripas mula sa University hanggang dito.

"Ah, eh. Hindi ko naman alam na sasabay ka. Pasensya na." Napansin ni Charles na pumara na ang bus na sasakyan nila pauwi. "Tara na. Sa loob mo nalang ako pagalitan. Hehe." Nakangiting pag-aaya niya sa kaibigan niya.

Pansamantalang nawala ang lungkot ni Charles dahil na rin sa nagkasabay ulit sila, kahit hindi naman niya plinano ang ganito. Pero hindi pa rin maalis sa loob niya na 'di na dapat siya magpadala sa mga ganitong pagkakataon. Baka dahil sa pagtatangka niyang pag-uncrush at kapag pumalpak ang proseso, baka makita nalang niya na mas nahulog pa pala siya sa binata.

Dumiretso sa orihinal na pwesto niya si Jarmcel, siya ang naunang humakbang paakyat ng bus. Kasunod nito si Charles pero lumampas ito sa kinauupuan ng kaibigan niya.

"Saan ka uupo?" Napansin din agad ni Jarmcel ang kaibigan niya hindi sumunod sa dati nilang pwesto.

"Gusto ko rin sa tabi ng bintana. Hehe." Sagot ni Charles hanggang sa maabot na nito ang dulong upuan kung saan tanaw niya ang daraanan. Tumango lang ng walang emosyon si Jarmcel at inayos na ang pagkakaupo sa tabi ng binata, sa paborito niyang pwestuhan.

Matiwasay na rin inilapag ni Charles ang likod sa malambot na upuan sa dulo ng sasakyan. "Mas okay na muna yung ganito satin, Jarmcel." Bulong niya habang sumulyap sa kinaroroonan ng kaibigan.

Sa saliw ng musikang pinapatugtog ng driver, mas naaliw ng mga mata ni Charles na tanawin ang magandang pormasyon ng ulap at parang pinintang kulay ng langit sa hapon na yun. Nang biglang nag-vibrate ang phone nito ..

Binasa niya ang apelyido ng taong nagpadala ng mensahe sa kanya, "Marcelo?". Tanda niya na pinalitan niya ang Nickname ni Jarmcel sa phonebook nito mula nung araw na napagdiskitahan ng kaibigan niya makipagpalit ng SIM. Inaalala niya na baka sa sobrang pamimilit ng binata na makipagpalit ng SIM ay makita nito na 'Crush' pa rin ang pangalan niya sa phone ni Charles.

Marcelo: Gusto mo ba si Franco?

"Ha? Ano naman sinasabi nito?" Mahinang bigkas ni Charles pagkatapos mabasa ang unang text ni Jarmcel. Sumulyap siya sa kinauupuan nito, pero tanging likod lang ng ulo nito ang tanaw niya. "Hindi pa rin ba siya maka-get-over sa akala niyang landian namin kanina? Tsk."

Sumunod na rin agad ang ikalawang text nito. Hindi makasagot ang kabilang linya dahil sa wala namang natitirang balanse si Charles.

Marcelo: Pag hindi ka lumipat sa tabi ko, ibig sabihin gusto mo si Franco.

"Bakit ba ayaw na ayaw siya kay Franco? Ano bang isyu niya dun?" May konting inis na sa tono ni Charles habang iniisip ang pwedeng rason kung bakit di boboto si Jarmcel kay Franco kung darating man nga ang pagkakataon na magustuhan niya rin ito.

"Hindi ako lilipat." Yun lang ang huling sinambit ng binata na pinanindigan ang napili niyang pwesto sa dulo, sa tabi ng bintana. Hindi dahil sa umamin siya sa kondisyon ni Jarmcel, kundi pinatunayan lang niya na kaya na niyang isnabin ang dating Crush niya. Para na rin sa ikakatagumpay ng Oplan Uncrush.

Lumipas ang mahabang byahe na hindi natagpuan ni Jarmcel ang kaibigan sa tabi niya. Batid niya na nabasa nito ang mga text niya pero gayunpaman, hindi niya napalipat ng upuan si Charles. Mas lumakas din ang kutob niya na baka nga may gusto na rin ang kaibigan niya sa lalaking ayaw niya para dito.

Crush LifeWhere stories live. Discover now