Chapter 2

107 7 0
                                    


Palihim na sinundan ni Jarmcel si Charles. Maayos ng nakapatong ang pink na jacket sa madumi nitong damit pang-itaas. Halos tuyo na rin naman ang kalyeng binagsakan niya, kaya hindi rin naman ganun naputikan ang pantalon nito.

Hindi mababakas sa itsura ni Charles na may di kaaya-ayang pangyayari sa labas ng university, bago siya umuwi. Sumakay siya ng bus at dumiretso sa pinakadulong upuan, sa bandang likod.

Huli nang umakyat si Jarmcel, matapos ang ilang pasahero. Kahit nakaramdam siya ng awa kay Charles dahil sa nasaksihan niya sa eskinita, hindi naman sapat na dahilan yun para tumabi ang binata sa kanya. After all, mas pinili niya na di sabihin sa kaklase niya na nakita at nadinig niya ang pangyayari.

Pansin na rin naman ni Jarmcel sa pagtatago ni Charles ng sakit at putik na natamo niya, ibig sabihin lang ay ayaw niya rin na may ibang makaalam.

Dumiretso siya sa pwesto niya palagi, sa ikatlong halera sa kaliwa. Yumuko na rin siya para hindi talaga siya makita ni Charles mula sa likuran. Pero hindi siya nagtagumpay ..

"Jarmcel!" Bati ng boses mula sa likod.

Napakamot nalang sa ito sa ulo habang paupo. Agad-agad naman lumipat ng upuan si Charles, sa tabi ulit ng crush niya.

Masigla at nakangiti si Charles nang lumapit sa kaklase niya. "Akala ko nakauwi kanina. Kanina pa uwian diba?"

"Ah, eh. Oo. Nag-DOTA lang kami, ngayon lang natapos." Halos dalawang oras na nga ng natapos ang huling subject nila, pero gantong oras palang sila nakasakay pauwi.

"Aahh." Lumapit ng bahagya ang mukha ni Charles kay Jarmcel. "Akala ko pa naman, you're waiting for me. Hahaha."

"Tikal naman ng mukha mo!" Nagsalubong ng mga kilay ng binata, tinulak niya ng palad ang noo nito para dumistansya sa kanya.

Bilang isang straight na lalaki, na-o-awkward na talaga siya na may sunod ng sunod sa kanyang isang lalaking may gusto sa kanya. Pero sa oras na 'to, nawala ang ganung pakiramdam sa kanya. Awa ang pumalit sa naramdaman niya.

Sa kabila nito, ayaw niyang ipakita na naawa siya sa lalaking kaharap niya -- na alam niyang pinipilit itago ni Charles ang pagiging biktima niya ng bullying.

Para sa kanya, mas okay na magpanggap na wala siyang nakita.

"Eh ikaw ba? Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Ah, ako? Wala, may dinaanan lang ako." Ngumiti lang si Charles kasabay ng mga mata niya.

May itsura si Charles, gwapo siya. Hindi siya halatang bakla, sa kilos or salita. Hindi rin siya nagdadamit babae, maliban sa pagsusuot ng mga kulay pambabae. Kaya maraming nasasayangan sa kanya kasi alam ng lahat na hindi niya trip ang babae, kahit gaano pa ito ka-sexy.

Kilala rin siya na may pagkakalog, makulit, mapang-asar at laging may double-meaning sa pagsasalita niya. Matalino rin siya halos sa lahat klase nila.

At may isa pa siyang talent -- magaling siyang magtago ng kahit ano. Sa isa lang naman siya sumablay, di niya kayang itago yung katotohanang may gusto siya kay Jarmcel.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Charles, habang di malaman sa isa kung nakikinig ba talaga siya sa sinasabi o naiwan lang talaga ang 'paki' niya sa bahay nila.

Halos buong byahe, hindi siya naubusan ng sinasabi. Pero bago siya bumaba, humarap siya kay Jarmcel.

"Galit ka ba sakin?" Nakatingin siya sa mata ni Jarmcel na halatang nabigla sa out of nowhere niyang tanong.

"Ha? Bakit?" Tugon ng binata na nawi-weirdo-han talaga sa pagkamadaldal ni Charles.

"Bilisan mo, bababa na ako! Oo o hindi?"

Crush LifeWhere stories live. Discover now