"Anong talento ang sinasabi mo anak?" Aniya ng mommy ni Jara."Hindi nyo ba naaalala ang sinabi ko na bago sumapit ang edad ni Jara sa 14 ay matutuklasan niya na ang kakaibang talento na siya lang ang meron" biglang sabi ng paranormal expert.
"Makikita niya ang kamatayan ng isang tao at ang mga bagay na bago mangyari ay makikita na niya" aniya nito.
Biglang natulala ang kakambal niyang si Raja at ang Mommy at Daddy niya humagulgul sa kakaiyak ang tatlo at hindi pa din makapaniwala sa nangyare
"Maaring nakakagulat pero si Jara kailangan tulungan nyo siya tandaan nyo na hindi lang multo at elemento ang makikita niya simula ngayon pati kamatayan ng tao at mga bagay na bago mangyare ay makikita niya muna" aniya ng paranormal expert.
"Marami pang mangyayare tatagan mo yung loob mo Jara ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo" aniya nito kay Jara.
Makalipas ang Isang taon si Jara ay patuloy na nakatago sa talentong hanggang ngayon hindi niya matanggap tanging pamilya lang nila ang nakakaalam nito dahil ayaw nilang malaman ng iba at baka mapagkamalan na Baliw ang kanilang anak at wala sa sarili.
Si Jara at Raja ay kasalukuyang nag-aaral sa Pambuplikong Paaralan ng Santa Luisa sila ay nasa ikalawang baitang sa secondarya. Ang kambal ay nasa pangkat ng mga batang mahuhusay sa larangan ng talento sa pag-awit , pag-tugtog , pag-sulat, pag-arte , pag-pinta ,pagkuha ng litrato at pag sayaw . Ang kambal ay mananayaw ng kanilang paaralan nakuha nila ang galing sa pag sasayaw sa kanilang ama na labing limang taon ng Dancer ng kanilang Lungsod subalit magkaiba ang kanilang gusto si Jara ay magaling sa pagsulat ng mga malayang pagtula kaya siya ay nakabilang sa pangkat ng mga manunulat(Creative Writer) samantala si Raja naman ay mahusay sa pagkuha ng litrato kaya siya ay nakabilang sa mga maniniyot(Photographer) Sikat ang dalawa sa kanilang paaralan dahil sa kanilang pangkat at dahil sa galing nila sa pagsayaw mas lalo sumikat ang dalawa ng magkasunod silang nanalo sa patimpalak ng Miss Intrams si Raja ang naunang nanalo sa taong 2018 at kasunod naman nito ang kakambal na si Jara sa taong 2019.
"Jara tara kumain mahaba pa naman ang oras bago ang susunod na subject" aniya ni Raja sa kakambal.
"Tara pero bilisan lang natin Raja at tatapusin ko pa yung spoken na pinapagawa sa akin ni Ma'am Gorg" aniya ni Jara.
Binilisang kumain ng kambal at pagkatapos ay nagtungo na sila sa kanilang room upang tapusin ang spoken na ginagawa ni Jara.
Natapos ang kanilang apat na subject at uwian na para kumain ng tanghalian ang kambal ay palabas ng kanilang paaralan para hintayin ang kanilang Daddy na hanggang ngayon ay sinusundo pa din sila para sa kanilang kasiguraduhan at ayaw pa din silang paligawan ayaw pa din naman ng kambal. Dumating na nga ang kanilang Daddy at pagdating sa bahay agad na silang kumain natapos na sila at nakapag ayos para sa pagpasok ng afternoon period ng kambal. Natapos na ang unang subject at ang susunod na subject ng kambal ay ang kanilang Major maghihiwalay na sila ng room Dahil Major in Creative si Jara at Major in Media naman si Raja habang papunta si Jara sa room nila binabasa niya yung ginawa niyang spoken bago i past sa kanyang guro na si Ma'am Gorg.
Nagustuhan ni Ma'am Gorg ang spoken ni Jara Dahil Tungkol ito sa kabataan ang Title ng spoken niya ay MILENYA. Hindi alam ni Jara na yung spoken na ginawa niya ay dun magpapasya ang kanyang Guro kung ano ang ilalagay na marka sa kanyang Card Bilang Teacher niya sa Creative. Pinabasa ni Ma'am Gorg kay Jara yung spoken na ginawa niya para makita kung paano niya ito lalagyan ng emosyon habang binabasa.
MILENYA
Hindi ako ganon kaganda
Hindi ako ganon kakinis
Hindi ako ganon katalino
Hindi ako ganon kaputi
Madalas akong magkamali
Hindi ako perpekto
Pero alam kong mabuti akong tao
Sa panahon ngayon karamihan
nakabase sa panlabas na kaanyuan
Binabase sa mukha
Binabase sa kulay
Binabase sa talino
Para piliin ka
Yan yung problema
Dahil sa panahon ngayon
Iba na ang mga tao
Paikisian ng damit?
Payabangan ng bagot gamit?
Pakapalan ng makeup?
Ganyan ang karamihan
Ganyan ang problema ng mamamayan
Hindi marunong makuntento
Sa kung ano meron
Sa kung ano ibinigay
Nagpapasalamat pa kaya?
Hindi sa tao
Kung hindi sa Diyos Na unang nagmahal sayo
Madalas kang hinihusgahan dahil sa panlabas na kaanyuan
Pero tandaan mo
Hindi mahalaga ang ano mang ganda kung wala ka namang respeto sa iba
Hindi mahalaga ang talino kung gagamitin mo lang sa pangiinsulto
Dahil ang mahalaga ang malinis na puso na meron ka
At may Diyos ka na kinikilala
Hindi ko iniinsulto ang magaganda at matatalino
Dahil ang aking punto
Ay sana gamitin ito sa tama at wasto
Magpasalamat ka kung nabiyayaan ka ng kakaibang ganda hindi yung gagamitin mo yung ganda mo para mangalipusta
Maging responsable sana tayo at magkaroon ng respeto sa lahat ng tao
Wag ibase sa anyo at sa nakikita nyo dahil lahat tayo ay may karapatang galangin at irespeto hindi dahil maganda at matalino kung hindi dahil bilang tao.
BY:JARA CHANDELARIA.Nagulat ang Ma'am niya na makita kung paano niya ito nilagyan ng emosyon habang binabasa.
"Jara Very Good Ipagpapatuloy mo lang ang Pag gawa ng mga spoken bata kapa mas gagaling kapa" aniya ni Ma'am Gorg.
Makalipas ang ilang Linggo si Jara ay mas nahihirapan sa mga nakikita pero simula ng malaman niya ang talentong meron siya hindi na siya nag kwento pa sa magulang para hindi na mag-isip ang magulang niya kaya hanggang ngayon alam ng Magulang ni Jara ay tinigilan na siya ng mga elemento, Multo at hindi na siya nakakakita ng kamatayan yun ang alam ng Magulang at kakambal niyang si Raja.
Makikita mo sa mukha ni Jara ang magandang ngiti na parang walang dinadalang problema Lahat ng makakasalubong niya ay nginingitian niya kaya lahat bait na bait kay Jara
Kabaliktaran ni Jara si Raja Dahil si Raja hindi niya nginingitian ang mga hindi din siya nginingitian ayaw niya sa maarte ayaw niya sa mayabang at pag alam niyang nasa Tama siya ipaglalaban niya. Hindi katulad ni Jara na kapag inaway Iiyak nalang kaya si Raja ang nagtatanggol lagi kay Jara.Hindi ganon kaganda ang buhay ng pamilya nila pero masaya
Hindi sila mayaman
Karamihan sa damit nila ay ukay ukay pero nagugulat ang lahat dahil kaya nilang dalhin ano man ang ipasuot sa kanila.👁
YOU ARE READING
THE HIDDEN TALENT
HorrorSi Jara ang babaeng may kakaibang talento na hanggang ngayon hindi niya alam kung paano niya malalaman ang kasagutan sa talentong meron siya na wala sa iba ano nga ba ang kakaibang talento ni Jara at paano niya ito natuklasan? Kaya niya ba itong ipa...