"Mommy Saan po ba tayo pupunta?"
Tanong ni Jara habang hila hila siya ng Mommy niya."Sa Birthday ng Bestfriend ko anak samahan mo muna ako at si Raja may pupuntahan daw malapit na tayo anak."
"Mommy basta bilisan lang po natin at yung short story kopo na ginagawa bukas po ang deadline na ipapass kay Ma'am Gorg."
"Oo anak mabilis lang tayo" aniya ng Mommy niya.
"Umuwi napo tayo!" Agad na sambit ni Jara pagkapasok na pagkapasok palang sa bahay ng Bestfriend ng Mommy niya na may Birthday.
"Hah? Anak kakadating palang natin hindi ko pa nga nababati ang Tita Zandy mo."
"Mommy nagagalit si Lola ayaw niya tayo na andito."
"Sinong Lola anak?" Nagtatakang tanong ng Mommy niya.
"Ayon po Oh."
Alam na nga ng Mommy niya ang tinutukoy ng anak.
"Jara anak wag ka ng papasok ako nalang babatiin ko lang ang tita Zandy mo uuwi na din tayo ok."
Dahil alam nga ng Mommy ni Jara na mabigat ang presensiya ng anak niya sa bahay at may nakikita .Hindi na ito nagtagal at lumabas na nga at niyaya na niya si Jara na umuwi.
"Jara lumalala ba ang mga nakikita mo anak?"
"Mom hindi po sadyang ayaw lang po talaga tayo ng Lola na nakita ko doon sa bahay."
"Anak sa susunod hindi na kita isasama baka kase sa susunod hindi mo na kayanin."
Alam naman ni Jara na lumalala ang mga nakikita niya pero dahil nga ayaw niyang mag alala ang Mom and Dad at ang kambal niya hindi na niya sinabi pa ang mga nakikita niya kinailangan niyang sabihin yung nakita niyang matanda sa bahay ng Bestfriend ng Mommy niya dahil alam niya na kapag tumuloy siya ay susundan siya nito at bubulabugin sa pagtulog gabi-gabi kaya wala siyang nagawa kung hindi sabihin sa Mommy niya.
"Sige po Mommy."
"Anak mag 16 years old kana at ng kambal mong si Raja wag muna kayong mag Boyfriend hah Baby ko pa kayo."
"Opo naman Mommy pagtapos po namin mag aral at naabot napo namin yung pangarap at buhay na gusto namin para sa inyo at saka napo namin iispin ang pag boboyfriend."
"Oh siya andito na tayo sa bahay tara na pumasok at magluluto pa ako ng miryenda nagutom ako anak ikaw kase hindi mo man lang hinayaan na kumain muna si Mommy kila Tita Zandy mo" pagbibiro ng Mommy niya.
"Sorry po Mom."
"Joke lang nag bibiro lang si Mommy tara pumasok na tayo anak."
Pagkapasok sa bahay si Jara ay nagpaalam muna na papasok sa
Kwarto niya , pagkahiga niya sa kama at saka siya umiyak ng patago."Bakit parang hindi ako normal?
Bakit kase ako pa?" Mga tanong na lagi niyang tinatanong sa sarili tuwing malulungkot o maaalala ang talento na tinatago niya. Umiyak ng walang tunog si Jara para hindi marinig ng Mommy at Daddy niya.Kinabukasan pumasok na sa School sila Jara at Raja at Dahil natapos na ni Jara yung short story na ipapass niya kay Ma'am Gorg wala na siyang iniisip pa.
Pagkatapos ng Flag Ceremony pabalik na sa room nila ang lahat si Jara ay nagtungo muna sa Cr palabas na sana si Jara ay may narinig siyang binanggit ang pangalan nilang Kambal napahinto siya upang marinig ang nga sasabihin ng mga babaeng naguusap usap.
"Claire bakit ba ang bait bait mo kay Jara at Raja hindi natin sila kalebel ok."
"Lara alam mo ganon talaga para hindi mahalata na hindi natin sila gustong maging kaibigan konting plastic lang dapat para hindi halata HAHAHAHA."
"Kahilig sumama sa atin Wala namang pera puro palibre HAHAHA"
sagot naman ni Sela."Alam mo sa susunod bigyan naman natin sila ng damit para hindi na sila nag uukay-ukay nakakaawa sila eh HAHAHAHA" Biglang singit naman ni Samra.
Biglang tumulo ang luha ni Jara ng marinig ang lahat sa mga tinuring niya ng kapatid si Claire, Lara, Sela at Samra ang mga matatalik niyang kaibigan at ni Raja. Hinantay niya muna na umalis ang apat bago siya lumabas at naghilamos siya para hindi halata na umiyak siya. Buong maghapon na tulala lang si Jara sa klase nila.
"Jara ano bang nangyayare sayo? Para kang lutang" aniya ni Raja.
"Tara na umuwi baka nasa gate na si Daddy" sagot ni Jara.
"Ayusin mo muna mukha mo para kang nalugi eh Tara na po Nanay Jara" pabiro na sabi ni Raja para mapatawa ang kakambal ngunit wala itong reaction at dirediretsong naglakad naiwan naman si Raja na natawa sa sarili niyang joke.
Kinagabihan nakaayos na si Raja nakapagpalit na siya ng uniporme at lumabas na ng kwarto para kumain ng Hapunan samantala si Jara walang balak na lumabas at kumain
Kaya pumasok si Raja sa kwarto ng kakambal at kinausap ito."Jara anong plano mo diyan hindi kana kakain? Kanina kapa ganyan hindi kana nga kumikibo sa klase eh."
Nagulat si Raja sa biglang pagiyak ng kakambal.
"Jara bakit? May umaway ba sayo? Sino hah?Bukas sasapakin ko"
Dahil nga sa kanilang kambal si Raja ang pinakapalaban, pag nasa tama siya ipaglalaban niya talaga."Raja ,narinig ko kanina sila Claire, Lara, Sela at Samra."
"Ano sinabi? BestFriend natin yon ah."
"Hindi Raja! hindi sila totoo ayaw nila tayo Raja wala daw kase tayong pera at puro ukay daw ang damit natin
Wala naman tayong ginagawa sa kanila diba para na natin silang kapatid Raja bakit ganon sila" aniya ni Jara habang umiiyak."Aba! Sila pa talaga hah
Humanda sila bukas wag ka ngang umiyak para kang tanga sinasayang mo luha mo sa mga taong walang kwenta gusto nila ng plastikan hah sila na panalo pero iiyak muna sila sa harap ko" aniya ni Raja.Kinabukasan papasok na si Jara at Raja sa school.
"Ano Jara handa kana ba?"
"Raja hayaan mo na sila magkakaiba tayo ng ugali hindi dapat natin sila pinapatulan."
"Hindi habang buhay kailangan mabait ka Jara kaya ka nadedehado. Eh . Sa panahon ngayon Kailangan mong lumaban para ipakita sa mga walang kwentang tao na hindi tayo Lampa. Kung plastikan lang panalo na sila pero kung Patapangan IIYAK SILA JARA."
Nagtungo na nga sa room si Jara at Raja na late sila ng konti at mag sstart na saktong nagpapaliwanag ang teacher nila na mag oopen forum
Ang lahat isa isa na magsasalita ang lahat at sasabihin ang hinanakit sa bawat isa napangiti naman si Raja sa nalaman at bumulong ito kay Jara."Jara eto na ang pagkakataon HAHAHAHA."
"Raja wag mo akong pipigilan kapag umiyak na ako mamaya hah gusto ko lang ilabas yung mga hinanakit na nagpapahirap sa akin."
"Hah? Osigee ikaw bahala."
"Ok start na tayo maguumpisa tayo sa huling dumating kay Raja at Jara."
"Ok Ma'am mauuna napo ako masayang sabi ni Raja."
👁

YOU ARE READING
THE HIDDEN TALENT
HorrorSi Jara ang babaeng may kakaibang talento na hanggang ngayon hindi niya alam kung paano niya malalaman ang kasagutan sa talentong meron siya na wala sa iba ano nga ba ang kakaibang talento ni Jara at paano niya ito natuklasan? Kaya niya ba itong ipa...