"Isama nyo na ako ayoko na ng ganito masyado na akong nahihirapan" aniya ni Jara.
Pumikit ka Jara at makikita mo na ang mundo ng mga katulad namin aniya ng mga elemento at kaluluwang ligaw.
Nahiga si Jara at pumikit naiwan ang kanyang katawan sa kanyang kama ngunit ang kanyang kaluluwa ay naglakbay kasama ang mga elemento sa mundo nila.
"Ang ganda naman dito sa lugar nyo puro ginto at bulaklak. Ano ang tawag sa lugar na ito?" aniya ni Jara.
"Ito ang Mundo namin ang magiging mundo mo Jara ang tawag sa kaharian na ito ay Enchantadia totoo ito hindi ito tulad ng sa mundo niyo na ginawang pinikula o ano ang mundo namin ay kung tawagin ay Enchantadia."
Habang hinahawakan ni Jara ang bulaklak ay nagiging paru-paru ito ang kanyang nasa paligid ay puro ginto ang mga elemento at kaluluwang nakikita niya ay hindi nakakatakot nakakahanga ang ganda ng mga ito pinaupo si Jara sa upuan at sinuotan ng korona na ang ibig sabihin siya ang magiging reyna ng Enchantadia.
Habang nasa Mundo ng elemento si Jara ang kanyang katawan ay nagmimistulang patay dahil hindi ito humihinga umiiyak na ang kanyang Mommy at Daddy at ang kanyang kambal puro kurot ,pasa at palo ang ginagawa ng mga ito habang ginigising si Jara ang Lola niya naman ay paypay ng paypay.
Namangha si Jara sa mga prutas na ibat ibang kulay habang nakaupo ito at nakasuot ang korona sa kanya ay may mga parang nag aacrobatics sa kanyang harapan nagulat si Jara na ang lalaking may hawak na tatlong bola ay namukaan niya ito ang paranormal expert niya simula bata pa paano ito napunta kung nasaan siya kumindat ito sa kanya at parang may pinapahiwatig ito na huwag matakot .Lumapit ito at siya ang magaabot sa kanya ng pagkain bumulong ito at sinabi na.
"huwag kang kakain ng kahit na ano dahil kapag tinanggap mo ang hawak ko hindi kana makakabalik sa mundo mo sinundan kita dito dahil alam ko na sumama ka sa kanila Jara."
"Jara kumain kana ang mga pagkain dito ay mas masarap sa pagkain niyo aniya ng mga elemento."
"Mamaya nalang po" aniya ni Jara para makumbinsi ang mga ito.
Naalala ni Jara ang sinasabi ng Mommy and Lola niya na kapag natatakot siya pumikit siya at magdasal palayasin niya ang nga nakikita niya sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus dahil takot ang mga ito sa pangalan ng Panginoon.
Ganon nga ang ginawa ni Jara pumikit ito at nag dasal bago siya dumilat sinabi niya ang word na.
"SA PANGALAN NI JESUS PINAPALAYAS KO KAYO AT BABALIK NA AKO SA MUNDO KO."
Nagulat si Jara sa nakita ang Mundo na hinahangaan niya lang kanina ay naging kweba na puro bato lang ang nakikita niya ang mga Elemento na sobrang ganda parang mga Dyosa ay nag iba ang mga itsura. Nakakatakot ang mga ito at gumamit lang ng ibang itsura para linlangin siya ng mga ito .Pumikit si Jara at pagkadilat niya bumungad sa kanya ang pamilya niya na grabe ang pagaalala na halos nagiiyakan na. Hindi alam ni Jara na sa mundo pala niya ay naiwan ang katawan niya at tumigil ang kanyang paghinga na parang patay siya. Naramdaman ni Jara ang sakit ng mga bakas ng kurot at mga pasa niya na sa kakagising sa kanya at sa pagalala na patay na si Jara walang ginawa ang pamilya niya kundi gisingin siya ng gisingin.
Umiyak si Jara at kinuwento ang lahat ng nangyari nagulat ang mga magulang niya dahil ang alam ng mga ito ay hindi na niya pinapansin ang mga nakikita niya umiyak ang Mom and Dad ni Jara ang kakambal niya at ang Lola niya ng malaman ang sinapit ni Jara.
"Hindi ka dapat sumama anak kung nahihirapan kana andito naman kami kung natatakot ka mag pray lang tayo anak" aniya ng Mommy niya habang umiiyak.
"Paano apo kung hindi kana nakabalik? Ano lagi sinasabi sayo ni Nanay diba na kapag natatakot ka pumunta ka lang kay Nanay takot sila kay Nanay diba" aniya ng Lola niya na humahagulgol sa kakaiyak.
Nagulat si Jara at naiyak sa mga nakita niya . Kung mawawala pala ako maiiwanan ko pala yung mga nagmamahal sa akin hindi pala ako nagiisa sa laban na ito aniya niya sa sarili.
"Mom,Dad, Raja at Nanay pangako po hindi na mauulit hindi ko napo kayo iiwan hindi napo ako sasama sa kanila" aniya ni Jara habang umiiyak.
"Hindi ako nagiisa at naiintindihan ako ng pamilya ko. Kung nabibigatan na ako sa problema ko tutulungan nila ako yan ang sabi nila Mommy."
Makalipas ang Dalawang araw nagulat si Jara sa biglaang pagpunta ng kanyang paranormal expert.
"Jara alam ko ang nangyare sinundan kita dahil alam ko na hindi kana makakabalik pa dito nagulat ako sa ginawa mo dahil sa matinding Faith mo kay God Jara nakabalik ka" aniya nito.
"Pero paano po nangyare na nakapunta ka din po?" Aniya ni Jara.
"Masyado kapang bata hindi mo pa mauunawaan kapag sinabi ko Jara."
"Madami kapang mararanasan mga nakakatakot at hindi kapanipaniwala malapit na Jara maghanda ka mas masakit para sa iyo ang lahat ng mangyayare."
"Bakit po pinapahirapan ako ng ganito? Bakit po andaming nangyayare sa buhay ko? Bakit po kailangang itago ko ito?" Aniya ni Jara habang umiiyak.
"Sa tingin mo ba Jara bakit ikaw? Kase kakaiba ka hindi natin kayang ipaliwanag kaya tanggapin mo na. Bakit ang daming nangyayare sa buhay mo? Para mas tumatag ka Jara. Bakit kailangang itago mo ang talento mo? Sa tingin mo ba kung ikukwento mo sa iba o ipagkakalat mo maniniwala ba sila hindi Jara dahil sa panahon ngayon pagtatawanan ka kapag tungkol sa elemento at kaluluwa ang ikukwento mo lalo na pag sinabi mo na may third eye ka hindi ka nila paniniwalaan dahil hindi naman nila nakikita ang mga nakikita mo Jara."
"Aalis na ako may dapat pa akong asikasuhin" aniya ng paranormal expert niya at agad na nga itong umalis.
Napaisip si Jara sa lahat ng sinabi ng kanyang paranormal expert
"Tama siya walang maniniwala sa akin kapag nilabas ko ito kapag nalaman nila tanging sila Mommy lang ang makakaintindi sa akin at ako lang ang makakatulong sa sarili ko" aniya ni Jara sa sarili.
"Madami pang dadating na nakakatakot? Malapit na? Anong ibig sabihin kaya ng sinabi ng paranormal expert."
👁
YOU ARE READING
THE HIDDEN TALENT
TerrorSi Jara ang babaeng may kakaibang talento na hanggang ngayon hindi niya alam kung paano niya malalaman ang kasagutan sa talentong meron siya na wala sa iba ano nga ba ang kakaibang talento ni Jara at paano niya ito natuklasan? Kaya niya ba itong ipa...