Nagising si Jara sa kakayugyog at kaingayan ni Raja para gisingin ang kambal niya hindi namalayan ni Jara na alas 10 na pala ng umaga at dahil bakasyon ay kahit anong oras pwede siyang gumising."Jara anong oras na gumising ka naman na kanina pa nakaluto si
mama nakakain na nga kami" aniya ng kakambal niya."Raja bakit ba ? Eh kahit anong oras pwede akong gumising at wala naman tayong pasok bakasyon naman."
"Jara yung pagkain pinaghihintay mo kaya kumain kana bat ba puyat na puyat ka? Ginulo ka na naman ba nila?"
"Haysss sige kakain na ako lumabas kna mag liligpit lang ako ng kwarto ko" aniya ni Jara.
At Dahil alam ng kakambal niya na hanggang ngayon ay may mga nakikitang ibat ibang elemento si jara alam niyang ginulo na naman siya ng mga ito kaya hindi na naman siyang nakatulog ng maayos ,Habang kumakain si jara sa kusina nagpunta si raja sa Mommy at Daddy nila para ipaalam na baka nakakita at ginulo na naman ang kambal niyang si jara ng mga elemento ng masabi na ni Raja ang lahat nagtungo ang mommy at Daddy niya kasama si Raja sa kusina para kausapin si Jara.
"Jara anak may nangyare ba kagabi kaya napuyat ka?" Aniya ng mommy ni jara.
"Mommy sanay napo ako kaya wag napo kayong magalala mababait naman po sila ."
"Anak alam namin na nasanay kana sa tagal na nakakakita ka ng mga ibat ibang elemento pero anak hindi parin sila tao at hindi mo dapat sila pinapansin" aniya ng mommy niya.
"Mommy Hindi nila ako sasaktan mababait sila alam ko naman po yun mommy pero parang may kakaiba po kase kaya ayaw din nila akong tigilan pero mababait po sila .Tapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako kila mom and dad na bumalik sa kwarto. Alam ko namang hindi sila tao pero mababait sila at kung gusto nila akong takutin at saktan dapat dati pa aniya niya sa sarili niya."
Makalipas ang tatlong araw si Jara hindi lumalabas ng kwarto niya ayaw uminom ng tubig at kumain hindi din siya natutulog for almost 3days kaya sobra sobra yung pag alala ng mom and dad niya lalo na yung kakambal niyang si Raja.
Habang umiiyak ang magulang ni jara pati si raja sa sobrang hirap ng mga nangyayare ay narinig nilang may kumakatok sa pintuan ang mom and dad ng kambal ang sabay na nagbukas ng pintuan nagulat ang parents na kambal ng malaman na ang nasa harapan nila ay ang paranormal expert na nakatuklas ng 3rd eye ng kambal noong sila ay 2 taong gulang palang ang kambal.
"Alam ko kung ano yung nangyare wag kayong magalala may kailangan lang siya kay jara kaya hindi niya ito pinatulog ng 3 araw at hindi kumain si jara at hindi din uminom ng tubig" aniya ng paranormal expert.
Nagulat ang parents ng kambal dahil paano niya ito nalaman samatalang hindi pa nila ikinukuwento ang nangyare at kahit kanino wala silang pinagsasabihin dahil baka mapagkamalan ang kanilang anak na baliw.
"Asan si Jara?
Isa lang ang solusyon para tigilan siya " aniya ng paranormal expert.Nagtungo ang paranormal expert at magulang ni Jara sa kwarto niya patuloy ng umiyak ang Mommy ni Jara ng makita kung paano nahihirapan ang anak nila 3 araw na dilat si Jara uhaw na uhaw at gutom na gutom ang nakikita kay Jara ngunit ayaw namang kumain uminom at matulog maaari ay pinipigilan siya ng mga elementong nakapalibot ngayon sa kanya.
"Jara alam ko kung sino siya wag kang magalala may kailangan lang siya sayo
Subukan mong kausapin siya ng malaman mo kung ano ang kailangan niya sayo" Aniya ng paranormal expert."Natatakot po ako" aniya ni jara.
Nagulat ang magulang niya dahil unang beses ulit ni jara magsalita samantala 3 araw hindi sila nito pinapansin.
YOU ARE READING
THE HIDDEN TALENT
HorrorSi Jara ang babaeng may kakaibang talento na hanggang ngayon hindi niya alam kung paano niya malalaman ang kasagutan sa talentong meron siya na wala sa iba ano nga ba ang kakaibang talento ni Jara at paano niya ito natuklasan? Kaya niya ba itong ipa...