SV's Point Of ViewGAYA NG napag usapan nila ni Damn ay duon na nga ako kay Kygo pansamantala umuuwi. Hatid sundo ako lagi nito, at kapareho ko ay bumalik na rin ito sa pag aaral. Tuloy tuloy na talagang rito siya sa pinas maninirahan mag isa.
Napakaswerte ko kay Kygo, palagi siyang andiyan pag kailangan ko ng katulong. Andyan siya palagi para iligtas ako. Sa mga panahon na sinusubukan kong umiwas kay Yzo sa tuwing nakikita ko ito palagi niya kong pinipigilan na umalis at ipinaparamdam niya lang saakin na andyan lang siya lagi sa tabi ko.
Mabuti nalang talaga at hindi na ko ganong kinukulit ni Yzo, siguro dahil hindi lang siya makahanap ng tyempo dahil kasa-kasama niya lagi si Felicity. Pero mas maigi na iyon, tama lang naman iyong sinabi ko sakanya sa park eh. Mas maigi na hanggang dun nalang yun, na kung ano yung nangyare at mga nasabi ko noon eh hanggang duon nalang wala ng ekplenasyon pang magaganap. Malinaw naman ang pag kakasabi ko rito kaya bakit pa ako mag papaliwanag diba? Sapat na yun. Okay na yun. Dahil baka pag nag paliwanag pa ko rito, hindi nanaman tumigil sa pag kirot 'tong tanga kong puso.
Walang pasok ngayon at andito lang ako sa dorm ni Kygo, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya mahagilap. Pag gising ko kasi wala na siya.
Hindi naman kasi talaga ako totally rito nakastay, paminsan nakauwi ako kasi nakabalik na rin naman na si Mama mula sa probinsya. Ang kaso hayun si Kygo ipinag-paalam ako kay Mama na kung pupwede raw eh sakanya ako paminsan tumuloy. Pumayag naman si Mama dahil ubod ng laki talaga ng tiwala niya kay Kygo, ang dahilan pa nito eh ginagabi na raw siya ng uwi kesa daw na mag isa ako sa bahay eh mas maigi nalang raw talaga na paminsan ay dumito ako.
Maya maya lang ay may gumulo ng buhok ko.
"Ano nanaman iyang iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag eh. Tara kain na tayo." si Kygo pala.
Kaagad naman akong sumunod rito papuntang lamesa niya na siyang busy na sa pag aayos para mag hain ng pag kain namin.
"Siya nga pala, hindi ko pa ito na tatanong sayo. Kailan ka pa nakabalik? Niwala kang pasabi na bumalik ka na pala." wala sa sarili kong tanong rito.
"Ahm.. mga two days na ko rito sa pinas nung sinundo kita kila Damn. Balak sana kita surpresahin ang kaso nung pag pasok ko ng campus si Damn lang ang nakita ko. Ang sabi niya umuwi ka na raw. Nag taka naman ako kasi hindi pa tapos ang mga klase mo non. Kaya kinabukasan pinuntahan na kita kila Damn." pag kukwento nito.
"Tara kain na tayo." sabi pa ulit nito ng matapos siyang mag hain.
Kaagad naman akong kumain, pero hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha nito busy naman itong kumain kaya hindi niya ako napapansin na nakatitig sakanya habang inaalala yung mga narinig ko noon nung nag tutulog-tulugan ako. Totoo nga ba talaga lahat ng iyon? O baka naman nananaginip lang ako tas akala ko nag tutulog-tulugan pa rin ako noon? Marahas akong napabuga ng hininga na siyang nakakuha ng atensyon ni Kygo.
"Bakit? Ano nanaman ba ang iniisip mo? Siya nanaman ba?" kaagad na tanong nito na siyang kinailing ko kaagad.
"Hindi ah, hindi ko naman na iniisip yun para saan pa diba? Namimiss ko lang si Mama. Paano ba naman sa buong isang linggo tatlong beses ko lang siya nakakasama. Tapos tayo para tayong live in partner." may pag bibiro pa sa tono ng pag sasalita nito.
Bahagya itong bumulong na hindi ko naman narinig kaagad. Kaya kaagad na nag isang gitla ang mga kilay ko.
"Ano yung binulong mo? May sinabi ka eh." agad agad naman itong umiling.
"Wala yun, sabi ko lang ang tabang nitong ulam na nabili ko." saka nag patuloy na ito sa pag kain.
Wala sa koryusidad ko naman tinikman-tikman yung ulam namin. Hindi naman matabang eh? Baka sa panlasa niya lang.
BINABASA MO ANG
Unwanted Love | Love Series #1 (Complete)
Kurzgeschichten"Siguro nga tama na. Oras nang itigil ang tangang bisyo na to. Oras nang palayain ko na sarili ko sakaniya" - Sheaffer Valencia A guy who fell inlove with his bestfriend. Date Started: May 27, 2020 Date Finished: July 11, 2020