S I N G K O

123 5 24
                                    


SV Point Of View

"BAKIT HINDI MO kaagad sinabi na same sched tayo plus same prof pa." bulalas ko rito habang nag lalakad kami papalabas ng school. Uwian na kasi at tinext ko na si Damn na sa gate kami mag kita pero nag reply ito na hindi raw muna siya sasabay sakin sa pag uwi. Nag tataka na talaga ako rito, may jowa ba 'to o ano?

"Diba nga ang sabi ko surprise." sabay ngisi nakinailing ko nalang.

"Sinadya mo yun 'no?" pangangantsyaw ko rito.

"Hindi ah. Nagulat nga ako nung first subject nakita kita eh, tapos bigla ka namang nawala nung matapos ang klase kaya ayun tinawagan nalang kita." ani pa nito, nang mapansin kung nasa waiting shed na kami agad akong tumigil sa pag lalakad.

"Antayin na kitang makasakay saka ako lalakad pa-pauwi." ani ko rito saka nag palinga linga para mag tingin ng jeep.

"Hindi na, ihahatid na muna kita bago ako umuwi ng dorm gusto ko rin kasi makamusta si Tita. Alam ko miss na ko nun." napailing nalang ako sa huli nitong sinabi, oo halos parang anak na kasi siya kung ituring ni mama ganon rin naman si mama kay Damn at Krype pero medyo may pag ka special ng ka-unti ang trato ni mama kay Kygo na animo'y mas tunay niya pag anak si Kygo kesa sakin. Nakakahurt ng feelings isipin yun.

"Hay ewan ko ba sayo. Sige na nga, sabagay hinanap ka rin ka-agad nun kagabi pag uwi ko ng mabanggit ko na ikaw ang kasama ko at hindi si Damn, tuwang tuwa nga nung malaman niyang andito ka na ulit sa pinas." masiyang pag kukwento ko rito habang nag lalakad kami.

Kaagad ring umuwi kagabi si Kygo matapos nilang mag kamustahan ni mama habang kumakain ng hapunan, sabi ko naman sainyo mas anak pa turing dun ni mama kesa saaken. Aywan ko ba kung bakit ganoon. Abala ako sa pag aayos ng gamit ko ng biglang kumatok si Mama.

"Anak, mauna na ko ha? Wag mong kalilimutan mag lock ng pinto natin." sambit nito mula sa labas ng kwarto ko.

"Sige po Ma, mag iingat ho kayo." pag sabi ko niyon agad ko rin narinig ako papalayong yabag ng mga paa ni Mama.

Pag ka-lock ko ng gate namin nagulat ako sa bumungad saakin pag lingon ko sa likuran ko, dahil hindi ko inaasahan ang taong naroon.

"Kanina ka pa riyan?" agad naman 'tong tumango saakin saka nag patango tango nalang rin ako saka nag patingin tingin sa paligid, nasan na ba yung kupal na yun?

"Hinahanap mo si Damn? Narinig ko siya kanina na kausap si Tita ang narinig ko eh, pinapasabi niyang mauuna na raw siyang pumasok sakto rin na nakita ako ni Tita kaya saakin nalang ibinilin yung pinapasabi ni Damn." ani nito na tinanguan ko nalang.

"Bakit pala hindi ka pumasok nalang kanina? Dyaan ka pa talaga nag antay." tugon ko rito saka nag simula ng mag lakad dahil kung hindi pa namin sisimulan mag lakad ay malelate nanaman kami panigurado.

"May nanunurpresa bang pumapasok ng bahay?" may tonong pag bibiro nitong sambit.

"Oo yung mga mag nanakaw, mahilig yun manurpresa magugulat ka nalang madami nang nawawala sa gamit niyo." matawa tawa kong ani rito.

"Eh ang kaso hindi naman ako mag nanakaw, ikaw yun matagal mo ng ninakaw ang puso ko." ani nito na hindi ko ganong narinig ang huli nitong sinabi.

"Ha? Ano yung huli mong sinabi? Hindi ko naintindihan eh."

"Wala, wala lika na bilisan na natin mag lakad mahuli pa tayo sa klase natin." saka ito mas nauna pang mag lakad saakin.

"CLASS I HAVE AN ANNOUNCEMENT this coming week mag kakaroon tayo ng activity I will give you two weeks for that, and the big announcement is you need to group by three hindi lang yan ang mang yayare its either two student ang manggagaling rito then one dun sa mga student ni Sir Del Pilar or baliktad naman ang mangyayare. Napag usapan na namin 'to ni Sir Del Pilar para na rin sainyo, naisip namin na mas mabuting mag karon ng groupings para kahit papaano eh mag karoon kayo ng kaibigan from other sections. Mamaya bibigyan namin kayo ng oras para mag buo ng grupo niyo, dahil ahead tayo ng one hour baka thirty minutes before mag end ang class ko sainyo eh ipag meet na namin kayo to create your groups." mahabang sambit ng prof namin, maya maya lang ay narinig ko si Manansala na nag tanong.

Unwanted Love | Love Series #1 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon