SV Point Of ViewANDITO AKO NGAYON sa isang fastfood chain sa mall habang inaantay ang mokong kong kaibigan. Apaka tagal talagang dumating sabi alas tres kami ng hapon mag kikita pero alas kwatro na wala pa ang kulugo.
Kinuha ko nalang ang libro na dala dala ko para may mapag kaabalahan ako habang inaantay si Damn.
Maya maya lang ay dumating na rin at pag tingin ko sa pang bisig kung relo ay yawa dipistilan kinse minutos nalang mag a-ala singko na. Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin.
"Dipistilang yawa ka. Ang sabi mo alas tres tignan mo nga kung anong oras na?! Ilang oras mo nakong pinag hihintay rito" singhal ko agad rito
"Om-order kana roon nagugutom nako ikaw mag bayad para yan sa pag papaantay mo sakin" dagdag ko pa rito
"Oo na sensya na nakatulog ako pag tapos ko maligo eh" nangingiting sambit nito saka nag mamadaling umalis sa harapan ko ng akmang aambahan ko siya ng hampas ng hawak kong libro.
Pinag patuloy ko ang pag babasa habang inaantay na makabalik si Damn. Nang makabalik si Damn dala ang pag kain namin agad akong kumain dahil gutom nako kaaantay rito.
Pag katapos naming kumain pumahinga muna kami saka lumabas ng fastfood at pumunta sa dapat talaga naming pupuntahan. Walang iba kundi ang book store. Pasukan na kasi bukas at etong mokong kong kaibigan ngayon lang naisipan mamili ng mga gamit niya. Tutal may mga kulang parin ako sa mga gamit ko pumayag na ko na samahan siya nung inaya niya ko, pero nag sisi ako dahil kung alam ko lang na mag aantay ako ng ganong katagal edi sana ako nalang ang mag isang namili ng mga gamit ko.
Abala kami sa pag kuha ng kanya kanyang mga school supplies ng may bigla sabay ng dampot sakin ng kinuha kong binder. Pag agad ko namang binawi ang pag kakahawak ko sa binder.
"Sige sayo na hahanap nalang ako ng iba" sambit ko rito saka nag lakad na paalis. Nag iisa nalang kasi yung binder deputa. Kaya mukhang mag no-notebook ako nento.
Kasi naman sa lahat ba naman ng makakalimutan kong bilhin ay yung binder pa. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa pag kadismaya.
"Oh bat ganyan itsura mo?" Sabi ni Damn ng mag tagpo kami
"Eh kasi may naka sabay ako ng pag dampot nung nag iisang binder dun kaya ginawa ko hinayaan ko nalang sakanya kesa makipag agawan pako" sambit ko sabay sandal sa isang shelf sa tabi namin
"Hulaan ko gwapo 'no kaya pinaubaya mo yung binder" sabay ngiti ng nakakaloko ang mokong akmang sasagot nako ng may biglang mag salita sa gilid ko
"Brad sayo nalang 'to, hindi ko na pala kailangan 'to" sabay abot ng binder nag taka naman ako at mukhang nahalata nya yun
"Ako yung nakasabay mo sa pag dampot nento kanina mukhang 'di moko namukhaan kasi pag bitaw mo bigla ka agad umalis ang bilis mong nawala buti nakita kita rito, wala naman kasi akong balak talaga na bilhin to titignan ko lang sana 'di ko na nasabi kasi nga bigla kang umalis" pag papaliwanag nento saka ako eto tatango tango lang at tinanggap ang inaabot nentong binder
"Ah ganon ba salamat" at binigyan ko ito ng isang ngiti sabay umalis ito sa harapan namin
"Ah sabi na eh" biglang sambit ni Damn na ikinalingon ko
"Gago!" singhal ko sabay nag lakad paalis kung nasaan si Damn at nag ikot pa ulit sa book store
NANG MAKATAPOS kami ni Damn sa pamimili ay agad rin naman na kaming umuwi at di na nag punta pa sa kung saan gawa narin dahil late na at halos mag sasara na ang mall ng makalabas kami ng book store dahil sa haba at tagal ng pila sa cashier.
BINABASA MO ANG
Unwanted Love | Love Series #1 (Complete)
Cerita Pendek"Siguro nga tama na. Oras nang itigil ang tangang bisyo na to. Oras nang palayain ko na sarili ko sakaniya" - Sheaffer Valencia A guy who fell inlove with his bestfriend. Date Started: May 27, 2020 Date Finished: July 11, 2020