| chapter 2 : keep in touch |

47 13 0
                                    

chapter 02 : keep in touch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter 02 : keep in touch

Grayser


Unhealthy sleeping routine, my ass! My body clock had been thrown off by the quarantine, and sleeping was no longer my top priority. 

Siguro gano'n lang yata talaga kapag nabubuhay ka sa araw-araw na puro pahinga. No exercise, no travel, no physical activities—can I even be unhealthier?

Few more minutes and it's already 3 am. Good thing I took at least almost an hour of snap a while ago. After that, hindi ko na nagawa pang matulog muli since kailangan kong maging alerto para sa go signal ng mga kaibigan ko. 

Guess what? The entire gang will make the great escape today. To hell with curfews. Magagaling silang dumiskarte lalo na sa mga ganitong bagay kaya alam kong magiging matagumpay ang plano naming maglayas kahit papaano.

Pinagmasdan ko ang tatlong bag ng gamit na nakapatong sa kama ko. I almost took all my clothes and personal stuff but good thing these bags have their own limits. Ayokong ipagsisiksikan ang lahat ng gamit ko sa mga bag dahil baka lalo lang magkagulo kaya naman pinili ko na lamang ang higit na mas kailangan.

Nang masiguro kong maayos na ang lahat at wala na akong iba pang nakalimutang gamit ay muli akong umupo sa kama ko. Naghintay ako ng ilang mga sandali hanggang sa makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa bintana ko.

"Meow! Meow!" 

Pinakiramdaman kong mabuti ang paligid hanggang sa makumpirma ko ang sanhi ng tunog.

Of course, imposibleng magkaroon ng pusa rito.

Lihim akong napangiti at saka dali-daling sumilip sa bintana. I carefully looked down until I confirmed where the sound comes from. 

Nasa ikalawang palapag kasi ako ng bahay namin kaya kinailangan ko pang i-suot ang kalahati ng katawan ko sa sliding window hanggang sa mamataan ko sa ibaba ang kaibigan kong si Norman. Hindi siya nag-iisa dahil katabi niya si Jonas na siyang palinga-linga sa paligid at para bang kinakabahan.

"Shut up, pussycats! I'm awake," mahina ngunit may pagbabanta kong sambit habang nakasilip pa rin sa bintana.

Agad ko namang nakuha ang atensyon nila kaya naman natigil na rin sila sa paggawa ng kung ano-anong tunog upang bulabugin ako.

Kinapa-kapa ko sa bulsa ng isa sa mga bag ko ang susi ng sasakyan at matapos ay agad kong sinenyasan si Jonas na saluhin ito. Since siya ang pinakamatangkad sa aming lahat, mapagtatagumpayan niyang makuha agad ito nang walang kahirap-hirap. 

Kapag naman kasi hindi niya nasalo ang susi, maari pa itong gumawa ng ingay at magising ang mga magulang ko at maging ang mga kasambahay pa naming mapayapa nang namamahinga ngayon.

Tagumpay na nakuha ni Jonas ang susi ng sasakyan kaya naman hindi na ako nag-atubiling pang i-handa ang lubid na ngayo'y nakatali na sa bintana ko upang magsilbing daan ko pababa. 

Lockdown BurnoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon