| chapter 4 : comedy break |

32 2 0
                                    

chapter 04 : comedy break

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter 04 : comedy break

Grayser


Agad kong isinilid sa bag ang maliit na boteng plastic na naglalaman ng mga tableta matapos ko itong inumin. 

Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang pinapanood ang mga videos na nakuhanan ko kanina sa boodle fight namin. Kahit mag-isa lamang ako sa tent ay natatawa pa rin ako sa tuwing makikita kung gaano kami kasaya kanina.

Napabuntong-hininga ako't iniayos ang sarili. Maybe they're waiting for me to go out. Naghahanda na rin kasi ang lahat para sa campfire samantalang ako'y narito pa rin sa loob ng tent habang nag-aasikaso ng mga gamit.

Gamit ang disinfectant spray ay agad kong winisikan ang mga kamay ko saka inilusot ang sarili sa maliit na pinto ng tent. Hindi na ako nag-atubiling pa at dali-daling tumayo saka binitbit ang maliit na sulong nagbibigay ng liwanag sa akin sa madilim at magubat na lugar.

Bitbit ko pa rin ang phone kong ngayo'y nakasaksak na sa powerbank. Minsan ko nang pinagsisihang hindi ko nai-capture ang masasayang pagkakataon namin way back high school days kaya naman sa pagkakataong 'to ay lulubusin ko na ang mga bagay na mayroon ako at pwedeng kong gawin upang pagdating ng panahon ay magagawa ko pa ring magbalik-tanaw sa mga masasayang alaala kasama sila.

Nababalot ng dilim at katahimikan ang buong paligid habang binabagtas ko ang daan papunta sa pinagkasunduan naming area para lagyan ng bonfire. Mayroon kasing maliit na batis sa dulo nitong lugar kaya't naisipan naming doon maglagi ngayong gabi habang nagpapalipas ng oras at sinusulit ang mga pagkakataon.

Sa gitna ng paglalakad ay muntik ko nang mabitawan ang bitbit kong sulo nang bigla na lamang may tumalon sa harapan ko na nagtatago pala sa katawan ng puno ng niyog. Muntik pa akong mapasigaw dahil kitang-kita ko ang napakaputi niyang mukha na tinapatan pa ng isang flashlight at mahahabang buhok na humaharang dito.

"You scared the hell out of me, Almira!" paghihimutok ko subalit tumawa lamang nang tumawa ang gaga.

Para bang tuwang-tuwa pa siya na parang aatakihin ako sa puso.

As I was staring at her, naalala ko bigla ang isang paranormal movie na napanood ko dahil kapangalan niya pa ang nagmumulto. Hindi ko tuloy mapakalma ang napakabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa takot.

"Papatayin mo ako sa takot, loka ka!" sambit ko pa habang kapit-kapit ang dibdib ko.

Tuluyan akong nag-palpitate kaya nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Almira. Ang kaninang tawang-tawang mukha niya ay biglang naglaho at napalitan ng pag-aalala dahil sa ikinilos ko.

"Hala Gray, sorry! Anong nangyari sa 'yo?" Hindi ko na siya pinakinggan pa bagkus pinilit kong huminga nang malalim nang paulit-ulit.

I don't know what's going on but I think this is not the first time I experience this kind of palpitation. Naririnig ko pa rin ang pagpa-panic ni Almira ngunit unti-unting nanlalabo ang paningin ko. I tried to hold her shoulder to keep my balance ngunit ilang saglit pa'y tila ba hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Naririnig ko siyang sumisigaw ngunit tuluyang nablanko ang paningin ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lockdown BurnoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon