| chapter 3 : old camaraderie |

43 11 0
                                    

chapter 03 : old camaraderie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

chapter 03 : old camaraderie

Grayser


"Matatawag pa rin bang building ang building kahit tapos na itong gawin?" Natahimik kaming lahat sa naging tanong ni Jonas.

Feeling ko, hindi ang mataas na view mula sa three-story na kubong kinaroroonan namin ang nakapagpahilo sa akin kung hindi ang mga jokes at weird questions niya.

Pero totoo nga naman, bakit tinatawag pa ring 'building' ang building kung tapos naman na itong gawin? It should be built. Napaka-witty at the same time, nakakabaliw. 

Saan ba kinukuha ni Jonas ang mga tanong at mga joke na sinasabi niya sa amin?

"Dami mong alam, Jonas! Itulak ka na lang kaya namin diyan sa bangin?" natatawang suhestiyon ni Keiffer habang itinuturo ang mataas na view na nasa harapan namin.

It feels great to see how incredible this farm is. Camp Horizon was known for being a great campsite, but little did people know that I also enjoy its country vibe and unusual sightseeing. Long fearsome swings, which give Bali Indonesia's famous swing feels, are a plus. I wish I'd known about this place sooner.

"Bakit fire exit ang tawag kung tao naman ang lumalabas dito?" hirit pa ni Jonas kaya sa isang iglap ay tumama sa batok niya ang palad ni Norman. Binatukan niya ito nang mahina kaya naman muling umalingawngaw sa kubo ang tawanan namin.

Sa kabila ng mga halakhak at biruan namin ay hindi ko maiwasang kabahan. Nasa pinakatuktok kasi kami ng kubo at may tatlo itong palapag. Umuuga-uga rin ang kubo sa bawat paggalaw namin dagdag pa ang malalakas na hanging tumatama rito. Mabuti na lamang talaga at kahit papaano'y matibay ang pagkakagawa sa kubo kaya naman nananatili pa rin itong nakatayo sa kabila ng malalakas na hangin.

"Jonas, kinulang ka ba sa buwan?" muling pasaring ni Keiffer habang ihit pa rin ng tawa dahil sa biruan.

This was something I really missed. My eyes are starting to get wet all of a sudden. Memories from the past surfaced unexpectedly hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harap ng isang mahabang lamesa.

Maraming dumaraang estudyante sa paligid ngunit ang atensyon ko ay nakatuon lamang sa mga taong kasama ko sa lamesang kinaroroonan ko. Lahat kami, nagtatawanan at abala sa kani-kaniyang ginagawang paperworks. 

Nagmamadali na kami sa paggawa dahil papalapit na nang papalapit ang deadline ngunit nagtatawanan pa rin kami na para bang wala lang sa amin ang oras.

"Hoy! Anong nangyayari sa 'yo?" 

Muli ay natagpuan ko ang sarili sa loob ng rest house. Nabaling na ang atensyon nilang lahat sa akin ngunit hindi tulad kanina'y wala na ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

That's when I realized how stupid I am. Nagtatawanan ang lahat at nagkakasiyahan pero heto ako't umiiyak. Parang napaka-kill joy ko tuloy.

"May naalala lang," tipid kong sambit at saka pinilit na ngumiti.

Lockdown BurnoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon