Chapter 7

125 2 0
                                    

Haley wasn't that good at playing nice to someone. Kaya naman ng maka labas sila sa lugar na 'yun, ilang beses siyang napa mura. Habang ang mga kaibigan niya ay tawang tawa sa palabas kanina.

Except kay Julie na naka busangot dahil sa daming atensyon ang nakuha nila. Kahit wala naman talaga silang ginagawa.

TATLONG ARAW mula nang unang araw nila sa Athena University, nanahimik lang silang lahat. Kasi mainiti pa rin ang issue sa munting palabas nila, na naging dahilan para lumakas ang usapan na 'tapon' sila sa Athena. Sa tatlong araw na 'yon, lahat sila nanahimik.

Si Haley naman, kala mo aswang pag pumapasok. Laging tulog pag hapon at sa umaga naman, hindi nakikinig sa turo ng teacher. 

Sinadya rin nila na umiwas sa apat n pilyong lalaking yon, kaya naman lahat sila nasa Classroom lang palagi. May ilang nag tangkang makipag kaibigan sakanila, pero kuntento na sila-sila lang  kaya ang ending nag karoon sila ni Hater. They don't care anyway ...

4TH DAY, Halos mamatay matay si Haley kaka takbo para maka abot sa room nila, kanina pa tumunog ang bell narinig niya 'yon ng 'di kalayuan, kay naman nag kukumahog siya para umabot sa room nila.

THIS IS AWESOME! Late na ako! Dahil sa William na iyon. Kinuha na nga ang motor ko, hindi pa pumayag na ihatid ako. Habang naka Freeze ang account ko sa bangko, wala na bang mas malas pa ngayong linggo!?

Shibal.

Pag pasok ko sa room, di ko sinasadyang napa lakas ang tulak ko sa door kaya ang ending pabalibag itong bumukas ...

Everybody is looking at me.

Lagi naman e.

"I didn't meant to...

Sasabihin ko sana sa Adviser namin, pero nakuha ng atensyon ko ang mga blangkong upuan namin sa likod.

Holy!

Nasaan sila? Agad kong kinuha ang cellphone ko. Don't tell me na, absent sila. Bakit nila hindi sinabi saakin? Bwisit naman oh!

Bubuksan ko palang ang bulsa ng backpack ko ng may isang bamboo stick ang tumama sa kamay ko.

"Aray! Puta!" Akma ko sanang susuntukin yung ng hampas saakin. Pero pag tingin ko ...

Bwisit na matandang 'to, ang sakit non ah! Mas galit pa siya saakin? Teka anobang ginawa ko? Teka sino ba siya?

"Napaka walang galang mong bata ka!" Sigaw niya saakin, sabay tusok sa back pack ko.

"Who the hell are you?" I asked her irritatedly, Teacher ko ba siya? Para kasing kabaong nalang kulang. Papunta na yan sa libingan e.

"Aray ah! Hwag ka nga mang hampas, kapag ginantihan kita diyan!" Namumuro na siya ang sakit kaya ng kawayan.

"Walang galang! Sino ba ang nanay at tatay mo!? Hindi ka ba nila tinuruan ng mabuting asal!?"

Srsly? Ang tibay na ng mga tao ngayon. Sila na may kasalanan sila pa galit? Baliw lang?

"Ikaw nga 'di ko tinanong sino nanay mo, nang nahampas ka diyan kahit hindi ka pinakikialamanan." Inirapan ko lang siya saka ko, kinuha yung cellphone ko.

Lahat sila napipilan sa ginawa ko ng biglang may humila sa tenga ko.

"Shit! Ano bang problem mo tanda!? Namumuro ka na ah!" Sigaw ko sakanya. Habang hinihila niya ang tenga ko palabas ng room,

"Fuck! Sino ka ba!? Mas nakakainis ka pa kesa kay Donna ha."

"Mukhang hindi ka tinuruan sainyo, pwes! AKO MAG TUTURO SAYO!"

HALEY IS NOW ANGRY naiinis siya sa matandang babae na kung maka hampas siya at maka pingot ito sakanya akala mo naman, anak siya nito.

Mula sa third floor, pingot siya nito hanggang sa ground floor at dinala sa center na may malaking fountain. May iilang estudyante rin ang narito at naka squat habang naka tungtong sa sementong pwedeng upuan pqabilog nito.

Pinatayo siya rin doon at pinatilikod at ipinababa ang bag niya. Naka uniform na siya ngayon, naka palda na siya ngayon ng paldang hanggang taas sa tuhod ang haba na kulay violet at sa pang itaas at isang blouse na puti na may neck tie na violet din.

Pinatalikod siya ng Ginang at hinampas ng bamboo stick ang likod na bahagi ng hita niya. Malakas siyang napapa mura  sa sakit. Galit na galit ito sa ginawa niya.

Pinakuha rin ng Ginang ag schedule niya at pinakagat sakanya ang papel para maintindihan niya na teacher niya iyo sa Values education at religous subject. Doon lang niya nintindihan kung bakit ganoon nalamang ang himutok nito sakanya.

Napa ngisi rin siya sa ginawa niya, nang mapag tanto niya na lahat naman siguro magagalit kung ginanon din niya sila, e Values at Religous pa naman niya na guro ito.

Sa gitna ng masasakit na hampas na ginawa ng matanda napa ngisi nalang siya at hindi nag salita, tinaggap nllang niya lahat ng palo nito.

NANG MATAPOS ang palo na ginawa kay Haley pina squat ng Ginang ang dalaga, habang kagat pa rin ang papel niya.

Pinaharap siya nito sakanya.

"Tuturuan kita ng magandang asal! Baka nakakalimutan mo na nasa 10 commandments ang pag galang!"

Sigaw nito sakanya, sabay hampas ulit sa gilid ng hita niya. Napahawak siya sa parteng yun, ang sakit kaya non.

"Makaka alis ka lang diyan kapag tapos na ang klase ko sainyo!" Dinuro siya nito, saka umalis.

Haley is cursing to death, ang sakit ng mga hampas nito. Sigurado siyang mag kaka pasa siya sa sakit ng mga hampas nito.

Tiningnan niya ang nasa palagid niya, mga nasa sampu sila doon na naka squat sa fountain , at iilan lamang ang babae. Marahil, late ang mg ito kaya baka nandoon.

Ipinag walang bahala nalang niya sila at inabot ang bag. Kinuha niya ang cellphone niya, headset at sun glass niya. May nag text sakanya, pero mamaya na niya yon babasahin.

Sinuot na niya ang shades niya, kasi medyo mainit sa pwesto ng fountain.
Natatamaan pa rin ng sinag ng araw ang fountain kapag pasikat na ang araw kahit pa square ang building naka palibot dito.

Isinuot na rin niya ang earphone niya saka nag squat muli. Naka squat siya habang nag s-sound trip habang may sun glasses.

Nasa ikatlong kanta na siya na may isang teacher na pingot din ang isang lalaki. Sunod ito sa pwesto niya kaya naman nararamdaman niya ang bawat hagalpak ng kawayan sa papunta sa binata.

Nang matapos itong mag session, wala pang sampung minuto ng kalabitin siya nito. Noong una, hindi niya ito pinansin pero katagalan naiirita na siya kaya naman tinangglan niya ang headset niya at tiningnan ang lalaki.

Roque, Sic A. Ang pangalan nito nakita niya sa name plate nito.

"Sic nga pala," pag pakilala nito sakanya.  Inismiran niya ito saka binalik ang earphone sa tenga niya.

Subalit kinalabit nanaman siya nito,

"Pwede ba wag ako, nakaka inis ka na ah!" She hissed to Sic.

"I am offering friendship," Sic answered. "I have friends, I don't need one."

Patuloy niya,

"Suplada, manghihingi lang sana ako ng tubig nauuhaw na kasi ako." Sabi nito sakanya, na nag papaawa pa.

Sinuri niya ang lalaki mula ulo hanggang paa, pulubi ba 'to? Kung maka hingi ng tubig kala mo may pa baon sakanya.

"Wala akong tubig, may kailangan ka pa?" Mataray na sagot niya.

"Sayang naman, pero bakit ka nandito? Ano bang ginawa mo?"

Sakalin ko kaya 'to? Para mabawasan tsismoso sa mundo.

"Wala kang pake," sagot ni Haley, sabay baba sa fountain at kinuha ang bag.

"Naghahanap ka ng tubig diba? Diyan sa fountain laklakin mo lahat ng tubig." Dagdag pa niya sabay alis,

Binasa niya ang text ng kaibigan niya, at pupuntahan niya ito.

Gago.

Last Cinderella ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon