Chapter 9

85 3 0
                                    

DALAWANG SUBJECT ang hindi nila pinasukan at ngayon break time saka lang sila bumalik sa building para bumili ng pagkain at pumunta sa room nila.

Tinutulungan ni Zyrelle si Haley mag lakad, habang ang iba naman tahimik na naglalakad lang kahit animoy artista sila sa dami ng leak true personality nila.

Yung iba naman hindi nga sila chinichismis pero kung i-head to foot sila, akala mo naman nag kasala sila sa kanila.

Napa buntong hininga si Aira, naiirita siya sa parang bubuyog na usapan tungkol sakanila. Kaya naman,

Nilingon niya ang dalawang babaeng halatang mga chismosa, tinuro niya ang dalawa at kunwari inabot niya ang dalawa sa hangin habang kunwari nadakma na niya ito. Ibinato niya ito sa sahig , inapakan at  dinurog niya.

Pinanlisikan lang ang mga ito bago ngumiti saka tumalikod na ulit.

Ken laughed at her, saka tinapik lang siya sa balikat. Napa irap siya sa sobrang irita sa nangyayari ngayon.

Si Julie na nasa gilid ni Zyrelle, tinitingnan lahat ng naka tingin sa kanila. Nakikipag laban siya ng titigan sa mg ito ng walang emosyon.

Si Haley naman ang laki ng ngisi sa mukha at lahat ng naka tingin sakanila, sinasalubong niya ng ngiti. Kahit iika-ika siya. Sanay na siya sa ganito at ngayon natutuwa na siya dahil alam niya nangyayari na ulit sakanila, yung nangyari sakanila sa una.

AGAD na nawala ang ngiti ni Haley sa mukha niya ng makita niya kung sino yung nasa dulo ng hallway paakyat sa hagdan.

Bakit ba ginugulo ako ng isang 'to? Bakit ba napasok siya sa mundo ko.

"Grae is in the house." Zyrelle kided,
She smirk.

May hawak na isang itim na plastic bag  si Grae at halatang hinintay siya nito sa dulo ng hagdan. Kagaya ng naka gawian kasama niya ang squad niya.

Yung iba sa kasama niya nakaupo sa gilid ng hagdan at kung ano-ano ginagawa. Nang makalapit sila sa mga ito, lalagpasan na sana nila ito ng mag salita si Grae kaya napa hinto sila sa pag lalakad.

"Narinig ko yung usap-usapan." Grae said. Tinanggal ni Haley ang pag kaka akbay niya kay Zyrelle at hinarap si Grae.

"O tapos? Mamatay na nag tanong." Sagot niya. "Tinitingnan ko lang kung okay ka ba. Saka hwag ka nga masyadong maldita." Sagot naman ni Grae na nainis sa sinabi niya.

Humakbang ng isa si Haley palapit kay Grae at binulungan ito.

"Stop acting like you do like me Grae Fernandez, because I do burn plastics Grae, so not me." She said with a treathening tone.

Sagot niya sa binata saka,umalis at nag simula nang maglakad papunta sa mg kaibigan niyang nauna na ng ilang hakbang. Nang may inumang sakanya si Grae.

"Kunin mo yan, galing sa Clinic yan. Kung ayaw mo gamitin mo, tapon mo nalang." Saad ni Grae ng may halong galit.

Inabot niya iyon at kinuha. Pagkatapos walang imik silang lahat n ng kanya-kanyang destinasyon. Kumapit si Haley sa balikat ni Julie saka nag lakad na ulit.

NANG MAKARATING SILA sa room nila, agad silang umupo sa kanya-kanyang upuan. Si Haley naman nakipag laban ng titigan sa itim na plastic bag sa harap niya.

Mga gamot at ointment ang laman nito. May pagkain at isang in can na soda.

I am to toxic for him, I don't deserve him.

Sabi ng isang parte ng utak niya, ilang araw na kasing palaging natawag at nag te-text sakanya ang binata. Nag tatanong ng kung ano-ano sakanya.

Kaymusta ba siya, kumain na ba, anong ulam, kamusta ang araw niya ngayon.

Umaarteng ayos lang silang dalawa ang binata at ayaw niya 'yon, sa isa pang banda. She's not into relationship, she has reasons.

Alam niya kung bakit may pa ganyan ang lalaking yun, at kung ano man 'yon pipigilan niya iyon.

"Zy," tawag niya kay Zyrelle. "How may I help you?" Sagot sakanya.

"Yung second plan, settle na ba?" Ngumisi agad si Zyrelle at tumango.

"Kailan?"

"Thursday maybe hindi pa settle ang date eh. Why?"

"Good, call ako tommorrow, yung gagamitin mayroon na ba?"

"Wala pa, busy si Julie sa Mama niya, si Ken naman kilala mo naman yan. Si Aira, Hindi ko pa natatanong. Anong mayroon? Nag mamadali ka yata."

"Tama, ano bang mayroon?" Tanong ni Aira.

"Nothing, Kailangan na natin umpisahan sa mabilis na panahon," sagot niya.

Humarap sakanila si Ken,

"Why? Palagi siyang tinatawagan ni Grae, nag te-text din ito sakanya. " sabat nito. "I got her phone nakita ko 'to sa Contacts niya." Ipinakita nito ang text messages ng isa sa mga contacts niya na pangalan D' gago

"Ahh, naiintindihan ko na. Ayaw mo na mag kagusto siya sayo? Kasi base sa sinabi ni Ken, you want to accomplish something at kung makipag titigan ka sa plastic, mahahalata mong ang may arin niyan ang nasa utak mo. Isn't it Ley?" Pabiro na sabi ni Julie,

"O shut up Julie, hindi ka nakaka tulong." Pikon na sagot ni Haley kaya naman natawa na si Julie.

"Wala akong motor, kahit kotse wala. Kinuha nila ang susi ko at ang spare key ko. Naka freeze rin ang account ko kaya di ako makaka kilos niyan."

"Aira, Can do that." Suhestyon ni Ken, habang kinakalikot pa rim ang phone niya. "Sige ako na bahala," Sagot ni Aira.

"Last thing, Pwede niyo ba ako pahiramin ng pera?"

Lahat napalingon sa sinabi ni Haley, tila napipilan silang lahat sa sinabi ni Haley.

"For what? Don't tell me naghihirap ka na?" Natatawang sabi ni  Zyrelle.

"You think so? Nagustuhan ko kasi yung sapatos sa mall, Gusto ko sa nabilhin," Sagot niya. "Don't worry magbabayad din ako."

Nag kanya-kanyang kuha ng sarili wallet ang mga kaibigan niya at nag labas ng tag tatlong libo at kala mo ay contribution na nilapag sa may table niya.

"Salamat saka niya kinuha ang pera."

"Abuloy nalang namin yan, sa burol mo sa future." Pabirong sabi ni Zyrelle sakanya. Kaya nagka tawanan sila.

Naiiling nalang si Haley habang ipinapaypay niya ang ang papel na hawak niya.

Last Cinderella ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon