Chapter 12

66 1 0
                                    

Haley started to clap after Grae said.

"Tibay ah, may manliligaw na pala ako?" Haley joyfully said. Napangisi si Bryan kay Haley.

"Based on my research, si Grae yung tipo ng tao hindi nakukuntento sa isa. Last year, may dalawang babaeng na suspend dahil saiyo. Although, babaero ka napapa tagal mo sila ng isang buwan. Mayaman kayo, pero kang delekadesa, pogi pero hindi karespeto respeto. Gago, kaya ka walang dapat mag seryoso sa'yo. Pero kagaya nga ng research ko Grae, ang gusto mo lang ay playmate. Hindi seryoso." Sabi ni Ken sakanya na parang nasa isa lang silang group discussion.

Napa kagat labi si Bryan at nag pipigil tumawa.

"Anong nakaka tawa?" Ibinaling ni Ken ang tingin niya sa kay Bryan. Nginitian lang siya ni Bryan saka kinindatan, she raise her middle finger at ikinaway ito kay Bryan at nginitian ng matamis.

"Stalker ko pala kayo." Grae playfully said.

Obviously he was caught, humahanap lang ang kupal para ma-cool down amg kalokohan niya. Car got your tongue huh?

Haley laugh as f*-k in her head. It feels like nanalo siya sa larong balagtasan mula sa binata. Kagabi pa niya ipinahanap kay Julie iyon pag akyat niya sa taas nang nakarating siya sa bahay nila ay agad na siyang nag pautos sa dalaga.

"Actually no, Sadyang we just have eyes to see, mouth to talk and ear to hear." Sabat naman ni Julie with blinking eyes.

Itinagilid ni Haley ang kanyang ulo
"What now Grae?" Pagkatapos tinawanan niya ito. "Sinabihan na kita, huwag ako." Patuloy niya pa.

"Mukhang naka hanap na tayo ng katapat ah," sabi ni Levi habang tinatapik si Grae.

"Hindi dahil kilala niyo si Grae at nahanap niyo ang mga impormasyong 'yan ibig sabihin non malinis na kayo. Let's drop this being shit. Lalo ka na Julie, Julie right? I know what you did 6 years ago." Direktang sabi ni Levi kay Julie.

"Ofcourse I know Levi, Levi right? I know that I cheated para lang makuha ang valedictorian. Kasi hindi sila natanggap ng pera. E ikaw ba? Kailan ka pa nagsimula mag suot ng boxer na kulay pink ang garter?"  Sagot pabalik ni Julie bago nag baba ng tingin sa nakausling boxer ni Levi, Zyrelle laughed.

"Pink is fine e ikaw? Kaya ba kayo  na kicked out sa eskwelahan niyo kasi nangodigo kayo?" Sarcastic na sabi ni Levi,

"Burn! I feel hot! wooh!" Side comment ni Sic. Nararamdaman na nila pare-pareho ang tension ng magkabilang grupo.

"Now, you're curious." Sa wakas nag salita na si Haley, bago pa mag salita ulit si Julie.

"See for yourself, Levi." Light mode na sabi ni Haley. Tiningnan niya ulit si Grae,

"What now Grae? Still wanna play with me?"

May paghahamon na sabi Haley.
Nag tinginan sila Grae at kanyang mga kaibigan bago nag salita.

Umiba lang tingin si Grae, bago tumayo.

"Gagawin ko pa rin yung sinabi ko." Pagkatapos noon ay umalis na siya.

Isa-isang tumayo ang mga kaibigan ni Grae, at ginising ang natutulog na si Carl.

"Nice too meet you Julie," sabi ni Levi. Atsaka sila umalis na ng tuluyan. Nag hihikab pa na nag lalakad si  Carl palabas.

ANG TIGAS NG BUNGO ni Grae, talaga nga naman. Manang mana sa pinag manahan e.

"Real quick, inlove si tito sa'yo ah." Asar ni Zyrelle kay Haley.

"Hail to the queen," sabi ni Julie sabay tawa.

Bakit hindi ba siya nakikinig? Tinakot ko na siya, sinindak ko na siya. Bakit gusto pa rin niya. Ang tibay ng paninindagan niya.

He's pushing me to the limits, kailangan ko na talaga gawin ang plan B, para sakaniya. Baka kapag mas
Tumagal pa 'to, mas lalong gumulo.

Nag pop-up ang cellphone naming lahat, kaya nag kanya-kanya kaming kuha sa phone.

"Naka pwesto na ako, busy pa rin ba? "

Airah texted us, nag tinginan kaming lahat sa isa't isa. Tumango ako, bago kami nag si tayuan at dinala ang mga cup at pinaglagyan ng pagkain namain, bago lumabas ng room.

Tiningnan ko ang wrist watch ko, 6:39 maaga pa kaya pa. Nang mapadaan kami sa sa basurahan inihagis ko doon ang basura ko,

Opps! My bad. Masyadong maliit ang butas hindi tuloy na-shoot.

Nang maitapon ko na ang basura ko, akmang ibubulsa ko ng may nag text ulit.

Donna,

Himala nag text siya. Baka may emergency, Like I care naman sakanila. Ibinulsa ko nalang ang phone ko wala akong balak basahin ang ano mang kabalbalan na manggagaling sa kanila.

Matagal ng patay ang pake ko sa kanila.

NANG makarating kami sa shower room ng gym, agad naming nakita si Airah naka sandal sa pader habang naka headset.

"Bitch," tawag sakanya ni Zyrelle. Nang maka lapit kami sa kanya. Ibinigay niya sa saamin ang isang gym bag.

"Nandyan na lahat,  kayo nalang kumilos." Sabi niya agad naman akong tumango at kinuha ang bag saka kami pumasok sa shower room.

Nagkanya-kanya kaming lahat, si Zyrelle ni-lock amg pinto. Si ken naman kinuha na ang  mga gamit sa loob. Si Airah naman binuksan ang mga pinto sa shower, pagkatapos ay pumasok sila Haley, Airah, Julie at Zyrell sa tag-isang cubicle at sinimulan na itapon ang laman ng body wash at shampoo ng ibang klase ng uri nang sabon.

Inabot sa kanila ni Ken ang isang boteng may kumbinasyon ng iba't ibang uri ng likidong bagay na inihalo sa botelya na iyon.

"This is so gross, bitch anong nilagay mo ba dito?" Nandidiri na sabi ni Ken nang maiabot ito sakanila ng dalaga.

"Wala naman masyado, lubricant at katas ng suka ni kuya M kagabi, hinaluan ko din yan ng konting zonrox at coke. Kata mabango siya kasi ipinag halo ko ang toyo at downy namin sa bahay. Tapos kaya siya mabula, joy ang nilagay kong soap para naman bumula pa rin. " sagot ni Airah habang itinatapon ang laman ng bote ng body wash.

"So wicked," Julie said. Kiber lang naman si Airah saka sinimulan na nila. Habang may ginagawa ang apat si Ken naman sumampa sa may taas ng locker at isinet up ang hidden camera nila para sa final showdown kapag nagka ipitan silang lahat.

Nang matapos si Haley mag palit ng laman ng body wash agad siyang lumabas at binuksan ang sports bag ni Airah.

"Para saan 'to?" Tanong bigla ni Haley hawak ang isang malaking tray na stainless. Lahat ay napalingon at napa tingin sa hawak ng dalaga.

"Ha? Wala naman yan sa plano e." Sabi ni Zyrelle.

"Ah, yan ba... Para sa plan B yan e." Sagot ni Airah, nag kibit balikat lang sila at nag kanya-kanya ulit.

Kinuha ni Haley ang Shoe glue at mighty bond. Saka binuksan ang locker, nilagyan ni Haley ng shoe glue ang zipper ng bag ng binata para mahirapan ito aa pagbukas ng zipper ng bag niya.

Nang matapos sila Airah, tinulungan nila si Haley. Yung iba nilagyan nila ng isang malaking bato sa bag para pag hila nila naka dikit na ito mismo sa locker.

"Tingnan lang natin kung hindi ka tantanan ng kupal na 'yon." Ken said nang matapos ito sa pag kabit ng camera.

"Malamang pagkatapos nito galit na galit na ang mga iyon saatin." Sabi ni Julie habang inaalalayan bumaba si Ken.

"As always, walang bago." Sagot naman ni Zyrelle. "Saka deserve naman nila 'to e. Nasa peers nila ang nag pakalat ng identity natin dahil sa pinasikat at ipinakilala niya si Ley, na girlfriend niya." Dagdag ni Airah.

Wala naman silang narinig sa dalaga. "Himala," sabi ni Zyrelle saka inayos na ang mga ginamit nila.

"Tapos na, sibat na tayo. " sabi ni Zyrelle. Tumango naman ang magka kaibigan saka umalis na ng tahimik sa lugar.

Sa huling pagkakataon lumingon si Haley. Sinuri niya muna ang lahat habang hawak niya ang door knob. Napa pikit siya ng mariin saka napabuntong hininga. Bago sinirado ang pinto.

Pigilan mo pa, kasi kapag ako hindi ko na kinaya, Mag kakakagulo na. Try it harder Grae. Konti nalang 'di ko na kaya.

Last Cinderella ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon