Chapter Four

522 27 6
                                    

"Paano niyo sila nakilala?" Tanong ko kay Rina.

I knew my friends were social butterflies. They could make friends everywhere they go. But I wanted to know how they became friends with those people.

Saglit siyang nag-isip. "Pinakilala lang sila ni Hana sa'kin sa isang event. She said they are her online friends. . . Hindi ko alam. Walang nakwento sa'kin si Hana kung paano niya nakilala sila, e." Paliwanag niya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

My friends and I go to the same university pero magkakaiba kami ng program na kinuha. Siya lang ang kasama ko ngayon dahil vacant namin. Si Hana naman ay may klase pa.

Nagpatuloy siya. "But Hana mentioned she became friends with Vince because of gaming."

Napatango-tango ako at hindi na nagtanong pa. Pagdating namin sa cafeteria ay naghanap kami ng mauupuan. Linabas ni Rina ang laptop niya dahil magre-review para sa long quiz nila mamaya. Habang ako ay wala ng klase for the rest of the day. Naisipan ko na lang manood ng Kdrama.

Nakatapos ako ng isang episode nang naagaw ni Rina ang atensyon ko dahil sa malakas na tawa niya. Nagtatakang tinignan ko siya. Hinarap niya sa'kin ang laptop niya. She was watching Yoongi's funny moment compilation on Youtube.

"Yoongi is so effortlessly funny!"

Napahawak ako sa sintido. "Akala ko ba mag re-review ka?"

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Shit! Oo nga pala." Agad-agad niyang kinuha ang mga notes niya. Napailing naman ako.

Tumigil muna ako sa panonood at naisipang bumili ng pagkain para sa'min.

"Thank you." Saad niya matapos ko iabot ang pagkain.

"Gusto nilang mag-organize ng event for a cause. Hana and I decided to participate." Sagot niya. Natanong ko kasi kung anong pinag-uusapan nila noong saturday pagkatapos ng event.

"That's so nice. Nakapili na kayo ng organizatiom or charity?"

"Meron na. Pero hindi pa sigurado." Uminom siya sa tumbler niya. "We put the planning on hold because they are too busy, I mean we all are so. They said maybe at the end of this year."

Hindi na ako sumagot at bumalik na kami sa kung anong ginagawa namin. Pagkalipas ng dalawang oras ay nagpaalam na si Rina dahil papasok na siya sa next subject niya.

"Chat-chat na lang mamaya." Paalala niya bago kami maghiwalay.

When I arrived at home, my eight year old younger sister, Jillian, was on the living area. She only glanced at me then went back her attention to her ipad.

"Kumain ka na?" Tanong sa'kin nang nag-aalaga sa kapatid ko kapag wala kami ni Mama sa bahay.

Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko. I slammed myself on my study chair and opened my laptop. Nagpahinga ako at nanood ng mga random BTS contents sa Youtube.

Moments later, I couldn't stop laughing because of Yoongi and Hobi. I loved their friendship so much. It was wonderful to see how compatible they were even though they had totally different personalities. They'd always bring out the best in each other.

After watching, nagbukas ako ng Facebook. Ngayon ko na lang ulit 'to binuksan. Bumungad sa'kin ang post ni Hana. She posted our pictures from the event. As usual, binigyan ko iyon ng heart reaction and shared it on my timeline.

I continued scrolling.

JK Leung
Does BTS knows their fans don't embody their advocacies? Anti-violence campaign? Yet their fans are bullies.

Love Maze (Fangirl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon