EYA
Naiinis na ako sa mga nagaganap sa araw-araw na nagigising ako.. Aish.. Sana may pasok na bukas! Pero april pa lang tss, matagal-tagal pa ang paghihirap ko. Nakakatamad na dito sa bahay. Palagi pa akong nauutusan! Ugh! Nakakainis talaga... Pang-asar pa si kuya hi-nold ba naman yung allowance ko! Tss. Wala tuloy akong pang gala.
Boring na boring na ako dito sa bwisit na bahay na to eh. Sana naman oh may magandang mangyari sa bakasyon na 'to.. Sumasabay pa yung init ng panahon. Punyeta talaga... Buti nalang may naipon ako kahit papano may pang-load sa pocket WiFi ko para naman may mapaglibangan..
Makatambay na lang sa facebook, twitter and wattpad.. Nakakabwisit lang minsan sa facebook yung iba.. Aba naman kasi!
Gawin ba namang instagram o twitter yung facebook! Yung tipong split seconds lang ang pagitan ng pag post ng status or ng picture! Punyeta akala mo naman kinaganda nila! Ang dami daming Famewhore nakakaloka! Nakakabusog ba yun? Ang gago lang nila eh! Mga bwisit!
"Hoy! Eya! Alas dose na! Pakainin mo na si lolo mo." Sigaw sakin ni Mommy kong nagmamaganda.
Ano ba yan! Nakalimutan ko pa si lolo.. Siya na nga lang ang nakakatuwa ngayong bakasyon. Panay kasi ang kwento ng mga experience niya lalo nung world war II hahaha kaso minsan paulit-ulit na lang yung kinu-kwento niya pero tyaga na lang.. Matanda na eh...
Ayun pinakain ko na si lolo.. Mabait ako... Minsan... Tsaka no.. Hindi naman ako masamang tao dapat lang talagang alagaan si lolo.. Tss, may iba kasi diyan mga walang kwentang anak o apo! Pinapabayaan mga magulang nila. Mga bwisit! Dapat sa mga yun ipatapon sa bermuda triangle. Tsk! Kakapal ng mukha eh.
After ko kumain ng lunch at maghugas ng plato.. Sipag ko no? Ayun... Ano pa ba? Tambay nanaman sa FB, Twitter at wattpad. Wala namang choice eh para iwas boredamn..
"Aalis kami ah.. Bantayan mo si lolo mo. Wag kang gagala." Sabi sakin nung mommy kong maganda. Err, Na gaganda lang pag nawala na ako sa mundo. Asa naman siya! HAHAHAHA
"Okay.. Chao fan gusto ko ah.." Sabi ko.. syempre sulitin na. Iwan na nga ako dapat may pasalubong no? Favorite ko yung chao fan eh. Yummy! :)
"Oo na, baka gabihin kami wag kanang magluto." - Mommy at tumalikod na... Aba bastos to ah.. Kay! Whatever! Mas maganda ako sayo no.
4PM.......
*Dingdong*
"Dantes.." Lol. Ako yan pabulong lang syempre. Hahahaha. Last ko nayan promise..
"Tao po!" Ano ba yan! Nag door bell na nga nag tao po pa? Di makuntento? Anong akala niya? Fail yung doorbell namin? Bwisit!
"WALA PONG TAO! DYOSA LANG MERON!" Sigaw ko......
Pero syempre JOKE LANG yan mahirap na baka magkagulo sila.. Sakin... Alam niyo na.. Iba na ang may mala dyosang ganda. HAHAHAHAHA
Eto na nga lumabas na ako.. Bwisit na to istorbo! Eto na nga baka masyado na silang natatagalan. Na-excite na silang makita ang kadyosahan ko.. Mwahahahaha
"Ano po yun?" Tanong ko pa with matching gamit pa ng angel voice ko at magalang na magalang. Pero....... AISH! BWISIT na to.. Inistorbo ako sa pagbabasa ko.
"Pwede po bang magtanong?" Sabi nung pangit sa harap ko. Nagtatanong kana TANGA. Aba to, ginagalit ako ah.. Pangit na nga tanga pa..
"Pwede naman po.. Ano po ba?" O ang bait ko diba? Hahahaha
"Nandiyan ba si Esperanza Rodriguez?" kuyang pangit... Nakikita mo ba? Tss
"Wala po eh.. Umalis.. Gagabihin daw.. Bakit ba?" Naiinis na ako. Ewan ko kung bakit.. Siguro kasi pangit siya?Mwahahahaha..
"Ah. Papareceive kasi namin yung padala ni Terasa V. from Canada.. " Ah yung padala ni tita na hindi ko pa nami-meet, first love yun nung uncle ko eh.. Hahaha Lovers pa din sila kahit may family na yung uncle ko kakaloka.. pero okay alng choice at buhay naman nila yun eh.. Support ko nalang para happy..
"Wala eh si Mommy eh! Ano gusto mo pauwiin ko pa? Malayo, mahirap bumyahe." Sabi ko pa, pucha nangangawit na ako tumayo!
"Pareceive mo na diyan. Babalik pa tayo? Hassle lang.. Ano kaba ni Esperanza, Miss?" Yung kasama ni kuyang pangit, natural pangit din to. Ay ano ba yan.. Puro pangit nalang nakakainis talaga. Tsaka tanga tinawag ko na ngang MOMMY eh. Ano? Maid ako dito tas tawag ko sa amo ko MOMMY? Utak please..
"Anak.." Magandang anak.. Lol..
"Pirma ka na lang dito." Kuya na pangit tas may inabot sakin na papel. Pinirmahan ko na. Odi tapos! Mga bwisit na to pinatagal pa aynako!
"Lagay niyo nalang po dun.." Tas tinuro ko yung isang side...
Pagkauwi ni Mommy sinabi ko yun.. Buti nga daw pinareceive eh. Hahaha! Wala eh! Ang ganda ko kasi kaya pumayag sila. Kaya minsan okay talaga na maging maganda ka eh. Benefits :D
Sabi niya uuwi daw si Tita sa May. Dipa alam exact date basta may daw eh Hahaha. Okay.. Makikita ko na din siya sa personal.
Days.. weeks... months.... Lol! Weeks lang. Mga 2 weeks ang lumipas sa boring na bakasyon at eto kami ni Mommy. Tinutulungan ko siyang magluto.. Ngayon kasi uuwi si Tita. Actually, one week na siya nasa pinas. Nasa condo niya lang siya nagstay tsaka binisita niya yata yung isang kapatid niya sa Pampanga..
Dumating si Tita saktong lunch so sabay sabay kaming naglunch.. HIndi pala siya kumakain ng rice tas water lang yung iniinom niya. Chubby pala siya. Grabee. Yung sahog na gulay lang nung sinigang yung kinain niya samantalang ako... Eherm.. Lamon ata ginawa ko.. Feeling ko ako lang yung umubos ng kanin. Nakakaloka, ang takaw ko talaga. Pero okay lang maganda naman ako. Tss..
Umalis din si Tita mga bandang 4pm eh.. Balik nalang daw siya nextweek. Tapos kasama niya na yung uncle ko.. Yung uncle ko naman na yun galing ng Saudi yata? Ewan ko... at pakialam ko tsk.. Ang bait lang ni Tita binigyan kami ng pera wag ng sabihin kung magkano basta malaki :D Nyaman.. Hahahahaha
Pucha wala talagang matinong magawa pag alang pasok. Tamad naman ako eh. Nakakatamad maglinis. Okay na ako sa tagahugas lang ng plato. Expert na ako dun.. Yun lang naman palaging ginagawa ko eh.. tss.

CZYTASZ
Sassy Girl
HumorBully daw ako sabi nila.. Tsk. Ano namang pakialam ko sa opinyon nila? Sila ba nagpapakain at nagpapa-aral sakin? Hindi naman... Masama daw ugali ko.. Marami daw akong tinatago.. Malandi daw ako.. Tsk! Mga taong to. Mga bwisit.. Makahusga akala mo a...