Chapter 3

30 8 2
                                    


Chapter 3






Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis. Nakita ko silang tatlo nag-uusap. Tumingin ako sa suot ko. Naka white t-shirt at naka red na jogging pants.


In my hair naman. Naka pony tail siya. Tumingin ako kina Mama at niyaya niya ako na umupo.


"So anak, I will introduce to you my very best friend." Tinuro niya ang babae. Lumingon ako at tinitigan siya. Napakaganda niya. Wavy ang kulay reddish blonde nitong buhok. Kulay amber ang kaniyang mga mata. Napaka pormal niyang tingnan sa kaniyang caramel dress.


"This is Alexandra." Mama smiles. Then I took a look at the young man. Mama points at the man and she introduce him to me.


"And this young man here. This is Arthur. You can call him Arthur. You both are in the same age." Mama pause for a while. Then she continue.


"He will be the one to train you." My mind sinks. The process in it is still loading. I look at him and he's smiling. Huh?


"Okay?" I agreed in a questioning way. Like seriously. Of all people in the whole entire world. Bakit siya pa?!


Blangko akong tumingin ka Mama at tumango. Utang na loob ko na rin sa kanya dahil tumulong siya sa akin. Pero hindi naman ako humihingi ng tulong ah.


"Mag-usap muna kayo ni Arthur, Aella. Mag bibihis lang kami ng ina niya." Sabi ni Mama at unti-unting lumalayo sa amin.


Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi. Inirapan ko nalang siya at hindi kinausap. Kaso...


"Ano ang gusto mong pag-usapan Aella?" Tanong pa niya sa akin. Close tayo para tanungin mo ako ng ganyan?


"Mas gusto ko ng walang kausap." Hindi na ako umimik pa.


"Sige na Aella. Please." Nag puppy eyes pa. Problema nito?


"Ayaw."


"Please." Isa.

"No."


"Sige na please." Dalawa.


"Bakit ba ang kulit mo?" Naiirita na ako.


"Anong gusto mo na topic?" Tatlo. Aghhh!


"Ang daldal mo daig mo pa ang kaibigan ko."Sabi ko sa kanya.


"Weh. Totoo? May kaibigan ka?" Hinding makapaniwala na sabi niya. "Sa ugali mong yan may kaibigan ka?" Parang natatawang dagdag niya.


"Eh kung sayo ko tatanungin. Sa ingay mong yan may mga kaibigan ka kaya?" Ngisi kong sabi sa kanya.


"Hindi naman gaano kadami pero atleast meron. Atsaka may paparating na kaka-ibiganin." Sabay kindat niya pa. Ang kapal nito.


"Mahangin at makapal." Naririnding sabi ko sa kanya. "Close na ba tayo?" Dagdag ko sa kanya.


"Closure gusto mo? Pero sa part nung mahangin at makapal atleast gwapo. Alam mo, sa amin ang gwapo kong ito napakabihira." Madaldal niyang sabi. Mayabang narin siya.


"Mayabang ka rin no?" Tanong ko sa kanya.


"Oo. Bakit ngayon mo lang nalaman?" Aba!


"Buti alam mo." Pumikit nalang ako at sumandal sa upuan na magkakrus ang braso. Hindi na siya umimik pa. Hinintay nalang namin sina mama na bumaba.


Royalty From Afar (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now