Chapter 4

32 8 9
                                    


Chapter 4






Dumaan kami sa palikuran para shortcut nalang. Nang naglakad kami patungo sa bahay, sinalubong agad kami ng masarap na amoy.


"Hoy." Agaw pansin ko ka Arthur.


"Close na ba tayo para tawagan mo'ko nang 'hoy'?" Ngisi na sabi niya tsaka kumindat


"Galit agad? Ganun." Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala mo ha. Binalewala niya lang at nag patuloy kami sa paglakad.


"Seryoso. Ano ang paborito mong ulam?" I ask him. Gulat siyang napalingon sa akin at bahagyang lumayo. Sabay hawak sa kanyang dibdib.


"Ganun ba kagulat para sa iyo ang magtanong ako?" Curious kong tugon.


"Hindi naman. Pero ang nakagugulat ay iyong biglang pagtanong mo kung anong paboritong ulam ko." Sinalubong niya ang mata ko na parang hindi ba siya nagugulat.


"Bakit ba?" Naiilang na ako. Pinagkrus niya ang kanyang braso at kunwaring nag-iisip.


"Bakit ka curious sa kung anong ulam na gusto ko? Paglulutuan mo ba ako." Ngiting asar niya pa at biglang natawa. Nabigla naman ako sa sinagot niya. Natawa siya at hinawakan ang bibig para mapigilan ang kanyang tawa.


"Mukha ba akong may paglulutuan?" Napipikon kong sabi.


"Hindi naman sa ganun pero ganun na nga." Nagtataka akong inismiran siya at nag patuloy sa paglakad.


Humabol siya at tumabi sa akin. Lumayo ako dahil napipikon parin. Simpleng tanong, pinahirapan ang pagsasagot. Nag focus nalang ako sa dinaanan ko at hindi nalang siya pinansin.


"Ang favorite na ulam ko ay Adobo na manok." Wow. Nagyon palang niya sinabi.


"Okay." Walang interes na sabi ko.


"Huy galit ka ba? Bakit ka ba nangugulat sa akin na ganung klase na tanong." Liningon ko siya at nakitang parang may inaaway. Abnormal. Binalewala ko nalang at nag patuloy sa paglakad.


"Sige na nga. Para hindi ka na magalit sa akin magtanong ka kung anong gusto mo." Yumuko siya at tumingin sa akin sabay ngiti.


Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Binalewala ang sinabi niya.


"Hoy sige na. Bahala ka, rare oppurtunity 'to." Lumingon ako sa kanya, nagtataka kung bakit may pa rare oppurtunity ang ugok.


"At bakit rare oppurtunity ang magtanong tungkol sa iyo?" Tanong ko sa kanya.



"Dahil isa akong—" Huminto siya bigla ng matauhan sa kanyang sinabi.


"Dahil isa kang ano?" Dahil isa siyang ugok? Corny.


"Dahil isa akong rare na tao. Yun! Oo rare na tao." Awkward niyang ngiti. Hmm.


"Okay." Nagpatuloy na ako sa paglakad na para bang walang pinag uusapan. Narinig ko siyang bumuntog hininga at nagpatuloy na rin siya sa paglakad.


"May tanong pa ako." Tumango naman siya sa sinabi ko. Para siyang kinabahan.


"Saan ka natatakot?" Tumingin na rin ako sa kanya.


"Yung may biglang mawawala sa akin." Yung masigla niyang mata nawalan na ng buhay. Ang lungkot na ng mata niya.



"Ah. Okay." Ano kayang experience nito.Hindi na ako tumugon baka biglang umiyak. Baka aawayin ako ni Auntie Xandra. Sana wag. Hehe. Natahimik kami saglit ng bigla siyang nagtanong.


Royalty From Afar (Royalty Series #1)Where stories live. Discover now