Arthur's P.O.V
Nakapikit pa ang mga mata ko ng may humilik sa aking tabi. Iminulat ko ng kaunti ang mga mata ko at tiningnan siya. Eww, ayaw ko sa mga babaeng humihilik. Nakakaistorbo sa pagtulog.
Tiningnan ko pa siya at nakita kong may nauuga na laway sa bibig niya. Naririndi na talaga ako. Nang tumayo na ako at aakto nang maglakad bigla niya akong hinila. Na out of balance ako kaya bigla akong napaibabaw sa kanya.
Bakit ba ang lakas nito? Bigla tuloy akong nakahiga. Luminga linga ako sa paligid, buti nalang at walang nakakita sa amin. Kung meron man isusumpa ko na titigil at titigil na talaga ako mangungulit sa babaeng 'to.
Pero joke lang. Awkward lang talaga at bigyan pa ng masamang mga husga ang bagay na 'yun.
Dali-dali akong bumangon at umupo nalang. Tiningnan ko si Aella at 'yun, tulog mantika parin. Sayang yung ganda niya. Tsk, buti pa sa akin ginagamit sa wastong paraan at syempre pinapahalagan.
Bakit ba ang pangit nang ugali niya? Kunsabagay wala akong pakealam. Atsaka ba't naman ako makikialam.
Minsan sa buhay ko wala pa akong nakilala na babae na ganun ka pangit ang ugali. Napakasungit tapos pilosopo, akala mo kung sinong pinakamaganda. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay yung masungit kasi sa seryoso mong tanong susungitan ka. Nakakabadtrip! At kung mag-pinolosopo at mag-susungit man siya pass 'to ngayon dahil may sakit siya.
Then nung nag-training kami, wala talaga akong nakitang arte sa kanyang katawan. Makikita mo sa kanyang mga mata ang determinasyon na matuto sa bagay na 'yon. Maging si mommy at si Auntie Aries lang ang nakikita kong may bihasa sa ganung mga bagay.
Normal naman siguro sa kanya na masungit siya at minsan pilosopo rin. Di ko sigurado kung saan niya nakukuha ang mga ganung klaseng bagay kaya tinanong ko sakanya. Habang nagtitraining kami nagtanong ako kung saan niya nakuha ang ganung mga bagay. Aba ang sinagot ay 'Alangan naman kung sa aming alagang baboy edi malamang kay Mama.' Naiinis ako nun, pero pinalampas ko nalang baka may dalaw si kumare.
Tiningnan ko muli siya at nakikita ko na mahimbing na natutulog kahit may nauugang laway sa bibig niya. Eww talaga. Pero kahit ganun siya, makikita mo ang mga katangian sa kanyang mukha.
First of all is her hair. She really looks gorgeous in it, black and wavy. Kahit nakabuhaghag, sinimhot ko iyon atsaka mabango naman.
Then her face, okay lang naman. Kahit d'yan nalang siya makabawi.
From her forehead to her chin is perfect and typically my type. But her attitude is completely opposite. Definitely a big NO. Period.
Her eyebrows are in perfect blend. Makapal na mga eyelashes.Dark brown eyes screaming power with a shape of almond. A nose that is fit for her face. Pinkish lips that are absolutely kissable. Also her skin is a little bit of tan. Her body is tall and she's fit. Hindi rin siya matatawag na sexy kasi napakalakas niyang kumain.
"Tapos ka na ba? Kanina pa 'yang mukha mong palapit ng palapit sa 'kin. Baka itong kumo ng kamay ko palapit ng palapit na rin sa mukha mo." Biglaang sabi niya. Napatalon ako sa upuan at biglang natauhan na kanina na pala ako tutok sa kanya. Tsk, mali 'to ah. Napatingin na rin ako sa kamay niya at hindi nga siya nag bibiro.
"Grabe ka pala lagnatin masyadong mainit ang ulo mo." Sabi ko pa.
"Malamang—" may ibinulong pa siyang iba. Tiningnan ko siya na nagtatakang tingin.
"Anong malamang?"
"Malamang may sakit nga nu. Alangan naman kung happy-happy." Alam kong hindi 'yan yung rason niya. Bakit ba napadalas 'yong pagdalaw niya. Natahimik kami saglit at inayos muna ang itsura niya.
YOU ARE READING
Royalty From Afar (Royalty Series #1)
FantasyDo you love fantasies? If you do then read the story of Aella Dominguez. She grew up in a very distant place that she calls home. A solitary village in a place where big green mountains exist. Will she discover love in a place that is so isolated? H...