1

68 11 4
                                    


"What the fuck? Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" Sambit nito saakin.


Hala may nabangga pala ako.. Na stuck kasi paningin ko sa pogi na nasa likod niya hehe


"Omg! I'm so sorry.. Uhm.. Kilala mo yung nasa likod mo?" Tanong ko sakanya


Hehe. Crush ko kasi 'yun. HA HA HA HA


"Oo, bakit? Are you interested?"


"Oo, ang pogi eh!" Kilig na kilig pang sabi ko.


"Well if that's the case, sorry but he's not interested on you, Clumsy girl." Tumungo siya at tumapat sa akin upang magkapantay ang aming mukha.


What the fuck?? Ang suplado naman nito!


"Ang damot mo! Hindi sana masarap ulam mo mamaya! 'Di ka mahal ng mama mo!" Sigaw ko sakanya kahit alam ko na hindi niya ito rinig dahil naglalakad na siya palayo.


"NAKITA MO 'YUN?! SUNGIT AND DAMOT NIYA MUCH!! UGH!" Inis na sabi ko kay Malorie.


"Hayaan mo na 'yun si kuyang pogi! Hanapin nalang natin sa FB 'yung crush mo. Kaka transfer lang natin dito, nag susungit ka na agad! HAHAHA!" Tawang tawang sabi niya.


"Anong pogi? 'YON?! LORIE WHAT THE FUCK?? EW! hindi ako informed na ganyan na pala mga tipo mo ngayon. Yucks!" Diring diri na sambit ko sakanya.


"Sus. Pogi naman talaga. Tara na nga may klase pa eh!"


Naglakad lakad lang kami sa second floor, hanggang sa nahanap na namin ang aming room.


• Grade 11 •


Nyenyenyenye wala na talagang bagong gawain kapag first day of school, 'noh? Puro introduce yourself nyenye. Boring much! Hindi ba pwedeng start nalang agad ng klase? Dami pang nalalaman!


Kamusta kaya yung crush ko? Ano na kayang grade 'yun? ang pogi talaga! Ang ganda ng smile niya, shiny pa teeth, may abs kaya 'yun? AAHCKK!! PEIA OMFG!


"Ms. Villanueva? Day dreaming isn't allowed in here." Inis na sumbat ng guro sa harap ko.


"Gaga! pitong beses ka na tinatawag jaan, ano nanaman pinagiisip mo?!" bulong saakin ni Lorie.


Shit. Nakakahiya!! Turn ko na pala tsk!


"Hi.. Uhm Good morning.. I'm Cassiopeia Phenelopie Villanueva, 17 years old, single and ready to mingle." Charan!! may pa wink pa 'yun! Taray!


"Tsk! Teens nowadays.." Bulong bulungan ng teacher dito.


Luh, bakit ba? Iyon ang gusto ko sabihin eh! Alangan namang sabihin ko Bank Account, Address saka kwento ng buhay ko 'noh?! Wag nalang, 'oy!


"My gosh tapos na din ang kineme ng ganap sa room. Gutom nako tara punta Cafeteria!"


Medyo naliligaw pa kami ni Lorie dito sa UST, Malaking school kasi and daming keneme much! Ikot lang kami ng ikot sa University na ito hanggang sa nahanap na namin ang Cafeteria.


"Omg! Omg shet! Yung crush ko nandito!" Kilig na may kasamang padyak padyak na sabi ko kay Lorie.


"Mamaya na 'yang kalandian mo! nagugutom na ako, gosh!"


Habang kumakain naka tingin lang ako sa crush ko nang bigla siyang tumingin pabalik saakin at kumurap kurap.


Iniwas ko ang aking tingin! Nakakahiya!


Heart of a Saint, Life of a Sinner (Unloved Series #1)Where stories live. Discover now