3

36 10 0
                                    



Hindi pa rin ako maka paniwala na ako 'yung inimbita ni Vincent kasama sa opening ng Milktea shop ng kaibigan niya. Hindi niya naman siguro alam na crush ko siya eh. Hindi naman halata 'noh? Oo, hindi nga.


"Oo, Peia. Sige niloloko mo pa sarili mo. Oo hindi talaga, hindi. tanga ka." Sumbat ko sa aking sarili sa salamin.


Iinom na sana ako ng tubig ng biglang tumunong ang Messenger notification ko.

                        

Vincent Pangilinan

Hey.. I'm outside your house.


What the fuck?

Vincent Pangilinan

what?! what are you doing here?
are you out of your mind?!

Yeah. I'm picking you up.

what? why?

'Cause I invited you last night??

anong connect nun sa pag sundo
mo sakin?

You're my responsibility today.

damn. hindi pa ako nakakapag ayos
kaka tapos ko lang kumain.
can you wait a bit?

Sure. Basta ikaw.


Sineen ko na lamang ang kanyang mensahe. Dammit! Why all of a sudden ngayon pa?! MAY PIMPLE AKO NGAYON! Fuck!

Naligo lang ako ng mabilis and nag bihis at nag ayos na.

"Makeup, Please do your work well. Hide my pimple! ugh!" Inis na inis kong sinabi.

"Phenelopie, Bakit naman hindi mo pinapasok ang iyong bisita? Nakita ko lang iyan sa labas ng kotse niya nakasandal." Ani ni Manang

"Ah.. Nakalimutan ko po, Manang. Nagmamadali na po kasi ako kanina." Nahihiya kong sagot dito at tumingin kay Vincent. Smile lamang ang ibinalik niya saakin.


"Hi.. How's your sleep last night?" Tanong niya sakin


"Ewan ko. Tulog ako, e. 'Di ko nakamusta kung okay lang ba siya." Medyo kanwari seryoso ako.


"Pfft! Joker ka pala?" Natatawa niyang sambit.

"Hindi, Harley Quinn lang." Loko kong sinabi.

"Hahaha.. Funny."

Namula nanaman ang mataba kong cheeks sa kanyang sinabi! Bakit ka ganito? Shit!

"Are you ready to go?" Tanong niya sakin.

"Yes. Let's go." Sagot ko naman habang tumungo at lumabas na.

"Taga Maynila ka pa, Bakit ka pa pumunta dito sa Cavite eh malapit ka lang naman ata sa UST." Nagtatakang tanong ko sakanya nang maka sakay kami ng kotse niya.

Heart of a Saint, Life of a Sinner (Unloved Series #1)Where stories live. Discover now