6

44 8 2
                                    



Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Sobrang biglaan. Para mag pa lamig ng utak, Pumunta ako sa bar nina Isabella. Itong bar lang ang makakapasok ako dahil kilala ako ng bouncer.

"Rum, Please." Utos ko sa barista.


Need some hard liquors today. Wala na akong pakialam kung malasing at hindi ako maka uwi sa condo. Dito nalang ako matutulog sa private room. Hindi ko hilig uminom ng alak.. Pero kakailanganin ko  ngayon. Nang maubos ko na ang iniinom ko, Umorder ako ulit.



"Spirytus Stawski, Please." Utos ko rito.


"Ma'am, masyado po'ng matapang iyon para sa iyo. Hindi po po kay pu-pwede uminom nun, lalo na't wala pa po kayo sa legal age." Aniya.


"Ano ba ang pakialam mo? Ikaw ba iinom, ha?!" Inis na sabi ko sakanya. "Spirytus Stawski, NOW!"



"Sorry po, Ma'am hindi po talaga puwede."


Nainis na ako kaya naman ay nag patalo na ako.
"Vodka." Sambit ko rito, at sinunod niya naman ako.


Dalawang lagok ng vodka ang ginawa ko bago sumayaw sa dance floor. Sumasayaw sayaw lang ako hanggang ma pagod. Hindi pa rin ako lasing. Kaya naman ay bumalik ako duon sa barista at nag utos ng isang bote ng Cuervo.


Medyo naramdaman ko na ang hilo nang ma kalahati ko ang bote ng Cuervo. Hindi pa rin ako nakuntento. Inubos ko ito at umorder uli ng isa. Putangina walang lasing lasing kapag nasasaktan.


Nang nakalahati ko ang pangalawang bote ng cuervo, May biglaang humawak sa aking bewang.


"Peia.. Enough of that. I'll take you home. You're drunk." Hindi ko pa nakikita ang mukha nito, Alam ko na agad kung sino.


"ULOL? HAHAHAHAHAHA! Fuck you, Stay away from me. Allergic ako sa mga taong sinungaling katulad mo." Cold na sabi ko sakaniya.


"Cassiopeia.. Please stop this.. I'll take you home." Mahinahon niyang sinabi.


"Wow. What the fuck? Kanina ang sasakit ng salita na binitawan mo? Kesyo side ko lang inaalam ko. Ano ba side mo? 'Kailan ko lang narealize.' Yan side mo, huh? Yaan ba? Tapos ngayon magiging ganyan ka? Napapagod na ako sayo! Ang gulo mo! Umalis ka na dito at hindi ako sasama sayo." Diretso kong sinabi sa kanya at naka tingin lamang ako sa kanyang mata.


Pinigilan kong hindi tumulo ang luha ko.. Ngunit binigo ko ang sarili ko. Tumakbo ako ng cr, kinaya ko kahit nahihilo na ako. Umupo ako sa loob ng cubicle at umiyak lang ng umiyak. Nang natapos na akong umiyak, Bumalik ako sa dance floor at nagsayaw. Tinapos ko na din ang pangalawang bote ng Cuervo.


Nagulat na lamang ako nang may biglaang humila sa akin. Who the fuck is this? Vincent?! Tsk. Nag iba pa siya ng pabango. Tss. Hindi porke mas bumango ang pabango niya, Rurupok na uli ako. No.


"I'll take you somewhere." Malalim ang boses nito. Hindi 'to boses ni Vincent..


Sumama na lang ako at hindi na pumalag. Saan nanaman ako dadalhin nito?


"Come here." Inalalayan niya akong bumaba sa kanyang kotse. Pick up ata ang kanyang kotse.


Dinala niya ako sa likod ng kanyang kotse at... Wow. Lasing ako pero nakikita ko kung ano ang meron rito. Maraming fairy lights sa likod ng kotse niya, May malambot na sapin, at may mga unan. Ang ganda.. May mga pagkain na rin.


Heart of a Saint, Life of a Sinner (Unloved Series #1)Where stories live. Discover now