Chapter 8
“Gi, totoo ba ang narining namin na youre getting married na?”
“at kay Shawn pa talaga”
“Oo, totoo yun”
“paano si Dom?”
“tapos na kami”
“sis, kung ano man ang problema mo, were here to help and listen lang”
“thank you talaga sa inyu ha”
Thankful ako dahil may mga kaibigan parin ako na katulad nila.
Gabi na ng dumating ako ng bahay. Pag pasok ko pa lang, mukha agad ni Shawn ang nakita ko. anong ginagawa ng lalaking yan dito.?
“anak, mag bihis kana, nandito ang mga Madrigal”
Excited silang lahat para sa wedding. Sila na ang nag plano. Wala naman akong alam jan.
“Giselle. Can we talk”
“kinakausap mo na ako diba”
“hehehe. Oo nga”
“hmm Giselle, gusto ko lang sana mag sorry sa lahat lahat ng ginawa ko noon”
“tapos na yun”
“gutso ko lang sana malaman mo na, hindi man naging tayo, totoo ang nararamdaman ko sayo”
“anong ibig mong sabihin”
“minahal kita Giselle. Alam kong huli na ang lahat nang marealize kong mahal kita”
“S-shawn”
“kaya gumawa ako ng paraan para bumalik ka.”
“ikaw ang nag plano ng kasal?”
“Giselle, sorry”
“walang hiya ka. Kagagawan mo talaga lahat to. Hinding hindi kita mapapatawad.”
“sorry na”
niyakap ako ni Shawn, pero pinilit kong makawala sakanya. Siya ang dahilan kung bakit kami nag kakilala ni Dom. At siya rin ang dahilan kung bakit kami nag kahiwalay ngayon. Galit na galit ako sa lalaking to.
“Giselle, gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako”
“bawiin mo ang lahat ng sinabi mo. Umurong ka sa kasal”
“Giselle, magagalit si Daddy nun”
“so? Wala kanang magagawa.”
Umiiyak na lang ako ng umiiyak. Kahit anong gawin ng lalaking yun, hindi na niya mababalik pa ang dati.
Miss na miss ko na si Dom. Hindi na rin siya nag paramdam sa akin. Wala rin akong balita sa kanya.
Nandito ako ngayn sa locker room nila. Inaabangan ko si Dominique mula sa football practice. Lahat ng text at calls ko ai nireject niya, pero sure ako na dito ko lang siya makikita.
Hindi nga ako nag kamali, nandito siya.
“Dom!” linapitan ko siya.
“Dom, kausapin mo naman ako oh”
Hindi pa rin niya ako pinapansin.
“Dom, please”
“Dom, may kailangan kang malaman.
“ano ba ang kailangan mo Giselle? TAPOS na tayo diba?”
Pinagdidiinan pa talaga ang TAPOS.
Napalingon ako na may biglang pumasok.