Chapter 19

23 10 18
                                    


Chapter 19

Kyler's PoV

Dahil sa binalita ni Red earlier, I can't help but to go check on Yass.

Dali dali akong bumaba at tumungo sa garahe para kunin ang sasakyan ko.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ko. On my way, I found myself calling Luke, at sinabi ang pakay ko.

NAKARATING ako sa bahay ni Yass at tumungo sa pinto.

"Yass!" I called while knocking

Paulit ulit ko lang na ginawa 'yon. Pero walang tumutugon.

'Shit! What happened to you! Where are you!? Damn! This girl's making me worried!'

Tumakbo ako pabalik sa sasakyan at saka pinuntahan ang lahat ng posibleng puntahan ni Yass.

Wala siya sa Park

Wala rin sa mga Malls

Lalong wala siya sa school

Wala rin naman siguro siya sa bahay nila sa probinsya

Inisa isa ko na ang lahat ng parkeng paborito niyang puntahan pero wala ni isang bakas niya

'Nasan kana ba kasi!'

Isang lugar nalang ang di ko pa napupuntahan. Kapag wala pa siya 'ron. Mananagot talaga sila.

Sinimulan ko na muling paandarin ang sasakyan, halos lumipad na nga ang sasakyan ko sa sobrang bilis e.

~Playground~

Pagkarating na pagkarating ko ay pinalibot kona agad ang paningin.

"That Licargo... Malaman ko lang na may nangyaring masama kay Yass, mananagot ka talaga. You, asshole" tiim bagang kong sambit. Pabulong lang iyon pero ramdam mo ang galit

"Yass, yass... Nasan kana ba kase" mahinahon pero puno ng pag aalala kong banggit habang patuloy pa rin sa paglalakad

Paalis na dapat ako ng may makita akong babaeng nakaupo habang kumakain ng Ice cream.

'Yass...'

Dali dali akong tumakbo palapit sakanya "Yass!" Sigaw ko bago pa tuluyang makalapit

Napalingon naman agad siya, nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya pero agad din iyong nawala ng yakapin ko siya

"Thank God, I found you!" Sambit ko habang nakayakap pa rin sakanya "Alam mo bang sobra sobra na ang pag aalala ko sayo, hinanap na kita kung saan-saan, nandito ka lang pala-"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla niya kong tinulak at kumawala sa pagkakayakap ko

"Hey, why? Is there any problem? Don't you want me anymore-"

"Yass!" Sigaw lalaki mula sa likuran ko

Napalingon ako sa pinang galingan ng boses

"Bugoy, nandyan kana pala" nakangiting ani Yass

Biglang nag init ang dugo ko at wala sa sariling hinablot ang kwelyo ng Bugoy na 'to

"Ikaw ba ang kasama ni Yass kanina pa!? Anong ginawa mo? Bakit hindi na niya ko mahal!?" Galit pang sigaw ko

"What?" Natatawang aniya "ikaw? Hindi niya mahal? HAHAHAHHAHAHA!"

Mas lalong dumilim ang paningin ko at nakahanda na sanang suntukin siya ng magsalita si Yass

Behind His Coldness Fenix series : 3 (Completed)Where stories live. Discover now