Chapter 21

23 8 17
                                    

Chapter 21

Kyler's PoV

Pumasok ako for the 7th time-oo bilang ko 'yon- para bantayan si Kim.

Okay lang naman kasi na hindi ako pumasok, well, I have my own company kaya hindi kona kailangang mag aral, matalino din naman ako kaya mas lalong hindi ko na kailangan ang mag aral.

Sa buong araw ay magiging body guard ako ni Kim. Tama ang pagkakaintindi nyo, magiging taga sunod niya ko pero may twist syempre, kase hindi niya alam na susundan ko siya *wink

From ceo to body guard, magaleng!

Pagpasok ko palang sa loob ng school ay nakita ko agad siya sa lobby, naglalakad- tumatalon talon pala

-,-

Para talaga siyang bata pero lalo ko naman siyang nagugustuhan dahil sa pagiging ganyan niya haha

Habang naglalakad ay napansin kong natanggal ang pagkakasintas ng sapatos ko kaya inayos ko muna 'yon bago muling tignan si Kim.

O.O

Oh shit...

Where the hell did she go!?

Dali dali akong tumakbo papunta sa pwesto niya kanina lang atsaka tumingin tingin sa paligid

'Hyascinth Kim Tyrant! Saan kaba nagpunta!?' Sigaw ko sa isip

Tumakbo ako papunta sa canteen para doon ipagpatuloy ang paghahanap sakanya

Habang naglalakad ay nakita ko si Red na nakaupo sa bandang dulo, may katapat siyang babae at nasisiguro kong si Kim 'yon.

Naupo ako sa spot kung saan mas madali ko siyang makikita. Nakita ko rin ang pagsulyap ni Red sa gawi ko, masamang pagsulyap.

'Ang init palagi ng ulo nitong babaeng 'to. Tignan mo makakahanap ka rin ng katapat huh!'

Nakita ko namang nag order sila, na agad namang dumating atsaka siya nagsimulang kumain habang si Red naman ay umiinom lang ng coffee.

Habang ako ay nakatanga lang dito.

:)

Mga ilang minuto rin ang lumipas bago matapos sa pagkain si Kim. Nagkwentuhan sila saglit pagtapos ay nagpaalam na si Red, at sumunod naman si Kim.

Sumunod na rin ako kay Kim pero paglabas ko ng canteen ay hindi ko nanaman siya makita

Shit!

Nagpalingon lingon na ako para maghanap ulit ng may magsalita "sino bang sinusundan at hinahanap mo?"

"Si Kim" walang lingunan kong sagot

"Aha! Sabi na nga sinusundan mo ko e!" Biglang sigaw nito kaya napalingon ako

Eh??

"Hindi mo naman ako kailangang sundan, Kyler. Dapat nga sumabay ka nalang sakin e, para ka tuloy aso na sunod ng sunod hahahaha" dugtong niya

Aso?

Ahh ganon?

Ang nasa isip ko ay para akong isang magaling na agent tapos aso lang pala ako sa paningin niya.

Okay lang ako. Okay lang

"Pumunta ka na sa room mo. Pupunta na rin ako sa klase ko." Palusot ko, sana gumana.

Behind His Coldness Fenix series : 3 (Completed)Where stories live. Discover now