Maraming salamat sa lahat ng tinapos ang kwentong ito. Naaalala kopa noong sinimulan ko itong isulat. It took me 3 years bago ko 'to matapos. Hindi ko alam kung saan ko dadalihin ang kwento, hindi ko rin inisip na tapusin ito dahil nabored lang ako kaya ko ito isinulat. Pero na-inspired ako kaya gagawin ko ang lahat para matapos ang series na 'to. Hanggat may isang nagbabasa, magsusulat ako. Muli ay maraming salamat!
Hyascinth's POV
Ilang taon na kaming kasal ni Kyler at masasabing kong masaya ang buhay may asawa. Hindi man kami palaging magkasama sa bahay dahil may kanya kanya kaming mga trabaho ay sinisigurado naman namin na may time kami sa isa't isa.
"Magpacheck up kana," ungot nito
Nakahiga kami ngayon sa kama at ito namang si Kyler ay kanina pa ko pinipilit na magpacheck up. Ako naman ay kanina pa naiirita sakanya.
Gusto ko ng mga yakap nya pero naiirita naman ako sa pagmumukha nya pero nagagwapuhan pa rin ako.
"Bakit ba kasi ako magpapacheck up!?" Inis kong tanong
"Magpacheck up na tayo, sasamahan kita" mahinahon nyang sambit
"Ayoko!" Pagmamatigas ko
"Please, baby?" Malambing nyang tugon
Inirapan ko lang sya at saka tinalikuran.
Niyakap nya ko mula sa likod at napangiti naman ako.
"Mahal," tawag ko
Naramdaman ko pa syang natigilan bago tumugon
"Yes, love?" Sagot nya
"Bakit kaba natitigilan pa rin? Antagal tagal na kitang tinatawag na mahal!" Iritang sambit ko na tinawanan lang nya
Nagsisimula nanaman akong mairita sakanya
"Kase mahal kita" sagot nya na tumatawa pa
Ang layo ng sagot nya pero sige pwede na 'yon.
"Pacheck up kana, please?" Sambit nya habang isinisiksik ang mukha sa leeg ko "malay mo may baby na tayo dito," saka hinaplos ang tyan ko
Mabilis ko syang nilingon
"Pano mo nasabi?" Tanong ko
"Kase ilang beses natin 'yong ginawa ng walang proteksyon. Tsaka hindi ka naman nag p-pills. Tsaka isa pa, asawa mo ko kaya normal lang na magkababy tayo" hindi ko alam kung nanunumbat ba yung pagsasalita nya pero nairita ako
"Gusto ko ng mangga" biglang sambit ko
Tinignan ko sya at nakita ang nanlulumo nyang mukha "baby, hindi pa season ng mangga ngayon. Mahirap maghanap non" nanunuyo nyang sambit
"Gusto ko nga ee!" Sigaw ko na naiiyak na
Wala namang nakakaiyak pero yung isipin na hindi ako makakakain ng mangga ay doon ako naiiyak
"Okay, okay... Uutusan ko si Luke na maghanap" sambit nya na ikinatuwa ko
"Hehe salamat, babi" pa-cute na sabi ko
YOU ARE READING
Behind His Coldness Fenix series : 3 (Completed)
Fiksi RemajaKyler Grey, The Hitler. He's the king of his own world. The owner of F' España Company. Their family has an underground businesses, that's why they have a lot of enemies and rivals. And Kyler Grey has a lot of secrets. Like what? His feelings for...