7

262 18 5
                                    


Jenna's pov

"Agni sandali!"sigaw ko at agad tumakbo para hawakan ang kamay niya.

Napatingin ako sa kanya ng maramdaman kong nanginginig ang kamay niya. Dahilan yun para yakapin ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang skait ng puso niya ngayon.

"B-binibini"bulong niya.

"Nandito ako para sa iyo Agni"sabi ko at naramdaman ko nalang ang paglandas ng luha sa mga mata ko.

Nasasaktan din ako para sa kanya. Kapatid na ang turing ko kay Agni kaya ang makita siyang ganito ay naapektuhan din ako.

"Kailangan mo itong harapin Agni"sabi ko na tinanguan niya.

Binitawan niya na ako kaya kumalas din ako sa yakap ko sa kaniya. Napatingin ako sa kanya at bahagya akong ngumiti para maisip niyang andito lang ako.

"Salamat Binibini"sabi niya na tinanguan ko lang.

Pabalik na sana kami sa loob ng makita naming palabas si Christoph. Tumingin siya sa akin at agad bumaling kay Agni.

"Kuya"sabi ni Christoph.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Agni ang kagustuhan niyang kausapin si Christoph.

"Agni kailangan mo.siyang kausapin para maging malinaw ang lahat"sabi ko pero nakatingin lang si Agni kay Christoph.

"Pumasok tayo sa loob"sabi ni Agni at nauna na sa amin.

Pagdating namin sa loob ay agad ininom ni Agni ang isang basong tubig na nakapatung sa lamesa namin. Nakamasid lang naman sa amin si Christoph.

Halatang hindi pa matanggap ni Agni ang napakasamang balita na iyon. Ang matagal na niyang hinahanap ay hindi na niya makikita pa kahit kailan.

"Papunta na si Tatay at Crisantha dito. Sama-sama na tayong pumunta sa libingan ni Nanay"sabi ni Christoph.

"Hindi ko pa silang kayang harapin kaya mauna na ako"sabi ni Agni at mabilis na tumayo paalis.

Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa mapadpad kami sa isang park kung saan may mga batang nagtatakbuhan sa damuhan.

Umupo si Agni sa isang swing kaya umupo din ako sa katabi niyang swing. Pinagalaw ko ang swing ko ng mabagal na agad naman napansin ni Agni.

"Hindi ko alam ang aking gagawin para akong nawalan mg rason para magpatuloy sa buhay"sabi niya dahilan para mapahinto ako at lingunin siya.

"Hindi ka nag-iisa Agni. Nandito ako at si Nana Glenda para sa iyo"sabi ko pero hindi niya man lang ako magawang tignan.

"Lumaki akong kinakamuhian ng aking Ama sa dahilang hindi ko maintindihan. Salot daw ako at may dalang kamalasan sa kanya. Araw-araw niya akong binubogbog kung hindi lamang siya pinipigilan ng ibng taga Isla malamang wala na ako ngayon"kwento niya.

Sa sinabi niya ay sumakit ang puso ko. Hindi ko alam na may mga magulang kayang saktan ng ganun ang mga anak nila pero sabagay hindi nga ako pinahalagahan ng mga magulang ko. Sino ba ako para tanungin iyon?

"Sa tuwing itinatanong ko kung nasaan ang Ina ko sinasagit ako ng Ama ko na iniwan na ako ni Inay dahil salot ako. Umiiyak ako noon hanggang sa makatulog nalang ako. Wala akong ibang hinangad kung hindi malaman ang kasagutan sa tanong ko na bakit niya nga ba ako iniwan? Tunay nga bang salot ako? Kaya nila ako inabandona?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad kong yinakap si Agni ng mahigpit na mahigpit. Umiiyak akong yumakap sa kanya habang panay ang alog ng balikat ko dahil ramdam ko ang sakit niya.

My Ways To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon