9

245 17 6
                                    

Jenna's pov

Ano daw? Ano nga ulit sinabi niya? Nabingi ako.

"Jenna-"

"Gusto mo ko maging girlfriend?"tanong ko sa kanya.

"Y-yeah"nahihiya niyang sinabi.

"Nanliligaw ka?"

"I don't do courting-"

"Ay edi ano gusto mo sagutin agad kita? Wow naman sayo"sabi ko.

Tumayo na siya sa pagkakaluhod at pinagpagan ang sout niyang shorts. Inayos niya din ang buhok niya at bigla siyang suminghap.

"I never courted anyone before. When I asked them to be my girlfriend-"

"Hindi ako katulad nila. Oo Shin Cross hinaharot kita pero hindi ibig sabihin nun eh madali mo kong makukuha"sabi ko pero imbis na magalit siya ay nakita ko pa ang pagngiti niya.

"Damn woman, you never failed to amaze me"sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Anong pinagsasabi mo jan!"singhal ko sa kanya.

"Lagi mo kong pinapahanga. You're straight forward you never hide words even it could hurt someone"sabi niya.

"Ganito ako pinalaki ng magulang ko. Lumaki ako sa bahay na puro mabunganga ang tao. Araw-araw bangayan kaya naadopt ko na. Sabi nga ng iba nakakaturn off sa babae ang ugaling ganito-"

"No, that's not true"sabi niya.

Hindi ako nagsalita at tumingin nalang sa buhangin na nasa paanan ko.

"Nung una aaminin ko you annoyed me so much. Everything about you annoys the hell out of me. Ang ingay mo at walang tigil sa kakabuka ang bibig mo but that attitude of yours make me smile a lot too. I wanna hear you talk. I wanna see you smile and laugh like a lunatic. I want all of it"sabi niya.

Sa haba ng sinabi niya wala akong masabi. Naiintindihan ko naman kahit english pa yun. Ang hindi ko maintindihan bakit sa kagaya ko nagkagusto ang taong kagaya niya. Hindi ako makapaniwala.

Jenna, naalala mo ba ang sinabi ng babae noon? Mataas na tao si Shin Cross hindi nababagay para sa kagaya mong low class lang. Gumising ka nga.

"Nasasabi mo lang yan Shin Cross kasi lagi mo kong kaasaran at kasama. Imposibleng magkagusto ka sa kagaya ko"sabi ko st tumawa pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

" How could you say that? Parang sinasabi mong hindi ako magkakagusto sa iyo"sabi niya.

"Dahil tama naman iyon. Shin Cross nakikita mo ba ako? Kumpara sa katayuan ng mga buhay natin ang layu ng agwat ko sa'yo"sabi ko.

"Who cares about that?! Is there a law na nagbabawal sa bagay na yan"

"Mali, Shin Cross hindi ako katulad mong may pangalang maipagmamalaki. Sige nga paano kung sa isang Event tanungin ako na 'What's my family business? from what society I belong?' Anong isasagot ko?-"

"Shut up Jenna you're talking nonsense!"sigaw niya dahilan kaya di ko natuloy ang sasabihin ko.

"Ikaw ang hindi nag-iisip ng tama Shin Cross. Nagdesisyon ka ng para lang sa nararadamam mo. Paano naman ang mararamdaman ng pamilya mo?"

Hindi siya nagsalita at itinaas niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko at bigla nalang umalis sa harap ko.

Tama ako Shin Cross hindi tayo bagay. Masaya na akong malaman na gusto mo din ako pero wag na nating lagyan pa ito ng relasyon. Hindi ko kayang pagtawanan ka ng mga tao dahil ginawa mong Jowa walang wala sa pamilya mo.

My Ways To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon