Jenna's pov
"Naks dito na naman tayo. Alam ko na kakainin mo"sabi ko sa kanya ng tinigil niya ang kotse dun sa restaurant na kinainan namin dati.
Pumwesto kami ulit dun sa paborito niyang upuan. Wala masyadong tao sa pwesto namin.
Siguro ayaw nila kasi masyadong malamig ang hangin dito dahil sa dagat.
"Ang ganda ng dagat"sabi ko.
"Gusto mo bang magbeach?"tanong niya.
"Sana kaso busy sa trabaho. Hindi ko pa maiwan kasi wala pa si Ateng. Ayoko naman ipressure si Ateng na bumalik kong busy pa siya sa Jusawa niya"sabi ko habang nakatingin sa Menu.
"My sister is lucky to have you"sabi niya kaya napangiti ako.
"Naman at maswerte ka din kong ako ang pakakasalan mo"biro ko pero wala siyang reaksyon dun.
"Malaki kasi ang tulong sa akin ni Ateng kaya ayoko naman maging pabigat sa kanya. Siya ang tumulong sa akin na makaya ang buhay sa Paris"sabi ko para maiba ang usapan baka kasi na-iilang siya sa banat ko.
"And you helped her a lot too. I saw how you cared for her. Thank you with that"sabi niya at bahagyang ngumiti.
Nakakapanibagong makitang ngumingiti si Shin Cross kadalasan kasi ng ekspresyon ng mukha niya ay kung hindi nakasimangot napakaseryoso lang. Nakkikita ko lang siyang tumatawa at ngumingiti kapag kasama si Ateng o di kaya ay Shinzhel. Lalo na kapag nag-aasaran sila nung bata.
"Ang swerte ni Ateng dahil andaming nagmamahal sa kanya"sabi ko nalang.
"Hmm.. How about you? Hindi natin napag-usapan ang buhay mo ever"sabi niya.
Napangiti nalang ako tsaka ko siya binalingan ng tingin. Ayoko sanang maalala ang naging buhay ko bago ako napadpad sa Paris pero gusto ko din naman na maikwento ang lahat sa kanya.
"Lumaki ako sa maliit na Barrio. Laging nag-aaway ang mga magulang ko kasi pareho silang may bisyo. Babaero ang tatay ko habang sugarol ang nanay ko. Ako ang bunso sa aming magkakapatid. May isa akong ate at isang kuya kaso hindi ko sila kasundo"sabi ko.
Hindi naman siya umimik na para bang sinasabi nito na ituloy ko. Gusto niya pang marinig.
"Lumaki ako na laging nag-aaway ang mga magulang ko at wala silang pakialam sa akin"sabi ko.
Tumigil ako sa pagsasalita ng dumating na ang pagkain na inoeder namin. Napansin ko naman ang tingin nung babae kay Shin Cross.
"Gwapo ba te?"tanong ko. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at namula sa tanong ko.
"Sayang te akin na to eh"sabi ko pa.
Nakita kong umirap ang babae bago kami iwanan. Gusto kong matawa pero parang ang sama ko naman.
"What did you say to her?"taning ni Shin Cross.
"Sabi ko jowa kita"biro ko at nagsimula na akong kumain. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya ng matakam ako sa pagkain na inorder niya para sa akin.
"You look cute"sabi niya dahilan para mapause ang tinidor na may lamang lasagna sa harap ng bibig ko.
Napatingin ako sa kanya at nakatitig siya sa akin habang seryoso ang mukha niya.
"Naiinlab ka na ba sakin?"tanong ko.
Tiningnan niya lang ako ng seryoso at umangat ang kilay niya tsaka siya kumain ulit.
Natatawa nalang akong isinubo ang pagkain pero napatigil ako ng biglang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Seryoso siyang nakatingin sa labi ko.
BINABASA MO ANG
My Ways To You
Roman d'amour(Seliva's series #2) Read Ang asawa kong multimillionaire,Taking my ex wife back before reading this Shin Cross Seliva is one of the heir of the Seliva's witness how Jenna Magdelene Perras make her ways to make him fall inlove with her.