Jenna's PovNararamdaman ko na ang hilo ko dahil sa kalasingan. Si Wena ay nasa dancefloor na sa labas ng room namin. Habang ako ay nakatulala lang habang hawak ang alak.
Gusto kong makalimutan lahat kahit ngayong gabi lang. Gusto kong matulog na hindi iniisip si Shin Cross.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Wena na may kasamang dalawang lalaki.
Infairness ang gwapo nila.
Agad ko winaksi ang isip ko sa kanila at nilagok ang alak.
"Kaibigan ko pala si Jenna!"masayang pakilala ni Wena sa akin sa dalawang kasama niya.
Napatingin ako sa kanila at ang laki ng ngiti nung isang lalaki habang yung isa ay ang layu ng tingin.
"Yo! I'm Kino, eto naman si Kyo."sabay turo niya sa kasama niyang lalaki.
Hindi ko maiwas ang tingin ko sa pinakilala niyang Kyo. Masama ang tingin niya pero hindi niya naman kami tinitingnan.
May sama ba siya ng loob sa dingding?
"Kyo magpakilala ka na nga"rinig kong sabi nung Kino.
Kaso yung Kyo sinamaan lang siya ng tingin at umirap pa. Pinaglihi nga ata sa sama ng loob ang taong ito.
"Pasensya na kayo sa kababata ko. Ganyan lang yan pero mabait yan"sabi ni Kino at ngumiti na parang nahihiya pa siya.
"Halata nga"sabi ko at nilagok ang alak.
Pinaupo nalang ni Wena ang dalawa at kahit nakaupo yung ulo nung Kyo nasa dingding pa din ang tingin.
Mabali sana leeg mo.
"Ah Jenna ito palang dalawa same lang ng tinutuluyan ko. Nasa katabi kong apartment"sabi naman ni Wena.
"Ahh"sabi ko nalang dahil gusto ko ng umuwi at matulog.
Lasing na lasing na siguro ako pero kahit ganun kapag napapatingin ako kay Kyo naiisip ko si Shin Cross.
"Bakit ka nakatingin?"tanong ni Kyo.
Inabot ko sa kanya ang isang bote hindi niya iyon kinuha kaya nilagay ko nalang sa lamesa sa harap niya.
"Wag ka mag-inarte di mo kinapogi yan"sabi ko at narinig ko ang mura niya.
Gustohin ko mang tumawa pero nung mapatingin ako sa mukha niya ay naalala ko ang mga mata ni Shin Cross na masama kong makatingin.
"Lasing na ata to si Jenna"rinig kong sabi ni Wena.
"Kababaeng tao lakas uminom"rinig kong komento naman nung Kyo.
"Pakialam mo! Ikaw kaya broken hearted di ka ba maglalasing!"sigaw ko sa pinaglihi sa sama ng loob.
"Chill lang Jenna. Pasensya ka na kay Kyo. Kyo! Ano ba umayos ka nga"sabi nung Kino at sinamaan ng tingin ang kaibigan niya.
Kinuha ko nalang ang isa pang bote ng alak at nilagok ang laman non.
Hindi ko na sila pinansin lahat at lumabas ako sa room namin.
Sasayaw ako!
Wena's pov
"Saan ka pupunta gaga?!"sigaw ko ng pagewang gewang na lumabas sa room si Jenna.
"Sayaw!"sigaw niya at itinaas ang kamay niyang may dala na isang bote ng alak.
"Lasenggera"rinig kong sabi nung Kyo.
"Teka Kino puntahan ko lang kaibigan ko"sabi ko at patakbo akong lumabas sa room.
BINABASA MO ANG
My Ways To You
Romance(Seliva's series #2) Read Ang asawa kong multimillionaire,Taking my ex wife back before reading this Shin Cross Seliva is one of the heir of the Seliva's witness how Jenna Magdelene Perras make her ways to make him fall inlove with her.